Chapter 4

186 14 11
                                    

CHAPTER 4

(KERO'S POV)

Nasa palengke ako. Wala naman talaga akong permanenteng trabaho. Bata pa ako. Tumutulong lang ako at sinusweduhan kaya nasabi kong trabaho.

"Kero salamat... sa pagbabantay at pagtulong. Ito oh!" sabot sa akin ng Ale. Isang daan. "Kahit bata ka pa lang pursigido ka... sana katulad mo sana yung anak ko"

"Maraming salamat po" Sabi ko at umalis. Madumi na naman ako. Kaagad kong pinunasan yung damit ko at mukha ko.

Makapasok na nga sa school. Baka mahuli na naman ako. Lagi na lang ako nasa labas ng classroom tuwing umaga.

Sinisikreto ko lang din ito kase pinagbabawalan ako ni Lola.

"Dito ka pala nagtatrabaho"

Lumingon ako sa lalaking nagsalita.
Ba't nandito si Genesis.
Nakatayo ito habang hawak nya yung cellphone nya at naka uniform. Mukang may sinadya talaga sya rito

Lalapit na sana ako sa kanya kaso bigla nyang kinalikot yung Cellphone nya at nagpipipindot sabay tutok sa akin ng kamera nito.

*Click

Ha? Ano yun?

"Pinicturan kita. Ipagkakalat ko to sa school" Sabi ni Genesis habang nakangiti. Bahala sya~ Di sya tulad ng pinsan nya. Si Rui napaka bait.

Akala ko naman may pinuntang mabuti to. Mang aasar pa rin pala. Hay. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad na habang inaayos yung gamit ko sa bag. Papabayaan ko na lang sya sa kung ano gawin nya.

Dinaanan ko lang sya.

Kung gusto nya buong buhay ko asarin ko at pahiyain. Bahala na sya.

Hindi pa akmo akakalayo sa kinatattayuan ko kanina nang bigla syang sumigaw.

"AHHHH! YUNG MAGNANAKAW!!" Sigaw ni Genesis.
May isang lalaki ang humablot ng cellphone nya

Padaan sa akin yung lalaking kumuha ng Cellphone ni Genesis. Kaagad kong hinawakan ito sa braso.

"Bitawan mo yan!" sigaw ko rito habang pilit kong kinukuha sa kamay nya yung phone ni Genesis. Bigla nya akong Itinulak papalayo ng sobrang lakas.

Na out of balance ako at
H-Hindi ko alam kung saan ako tatama.

Nang bigla kong naramdaman ang matigas na bagay na nabangga ng ulo ko sa pagkakatalsik.

Napahiga ako sa sahig. Hindi ako makatayo. Hinipo ko ang ulo ko ng maramdaman ang hapdi at sakit.

Yung ulo ko?

Dumudugo.

Napahawak ako sa ulo at napayuko sa sobrang sakit.

(RUI'S POV)
Nasa palengke huh?
sinundan ko si Genesis. Nagsabi kase ito na mauuna na sya ang hindi nya alam. Lihim ko syang sinundan.

Hanggang sa napunta ako sa palengke. Nakalayo ng sobra si genesis kaya hindi ko na alang kung san na sya ngayon. Naansin ko na lang yung dami ng tao sa looban ng palengke. Wala namang sumisigaw na bagsakang presyo sa paligid kaya bakit sobrang dami ng tao rito?

Sinubukan kong sumilip para makita kung anong nangyayare.

May isang babae ang nagbuhat sa bata. May dugo sa paligid. May aksidente ata.

"Kero! Kero!" Sigaw ng isang batang lalski na kasunod yung bababeng may buhat na batang na aksidente.

Sandali?
Si Genesis yun ah.

Si Kero yung bata.

"Tumabe kayo... dadalhin namin sya sa hospital."

Kaagad akong pumunta kung nasaan sila at Sumunod kami sa kanila.
Kaagad kong hinila si Genesis na umiiyak habangnakasakay kami sa isang tricycle.

Sumpa ni KeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon