Chapter 1

162K 3.5K 480
                                    


Chapter 1


"Okay, what the hell are you doing, Misha?!"

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko at may dalawang epal na nakatayo doon. Isang babaeng petite na may brownish eyes, shoulder length na auburn hair, at sobrang puti na akala mo eh everyday nagpapaturok ng gluta sa katawan. Sa tabi niya ay isang six-footer na lalaking medyo kayumanggi, naka-brush up ang buhok, gwapo, pero nakasuot ng fake eye-lashes sa mata.

Sina Heidi at si Patty, ang dalawa kong kaibigan.

"Ine-enjoy ang Sunday morning? Walang pasok eh," taas-kilay ko namang sagot sa kanila.

"Seriously bakla? Nage-enjoy ka ngayon?" tanong naman sa akin ni Patty, 'yung bakla.

"At ba't hindi?"

"Pero 'yung nangyari kahapon--? Ine-expect namin ngayon na wasted na wasted ka. Na umiiyak ka. Na naglalaslas ka na. Tapos madaratnan ka namin na nakasalampak sa kama at nagmo-movie marathon habang kumakain ng popcorn?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Heidi.

I rolled my eyes at them. Acquaintance party kasi kagabi. Syempre nagpaganda ako ng bonggang-bongga. Hindi naman ako pwedeng magpakabog sa ibang babae doon. At isa pa, kailangan kong makuha ang atensyon ng future husband kong si Kiel. Pinag-isipan ko ang lahat ng isusuot ko. From red spaghetti strap cocktail dress, hanggang sa deadly high-heeled shoes, pinaghandaan ko 'yun. Pina-curl ko pa ang dulo ng long black hair ko na may highlights na red sa magkabilang side.

'Yun nga lang, habang tumutugtog ang banda ni Kiel, bigla siyang nagtapat kay Angel—'yung bagong lipat na estudyante sa block namin. Sa harap ng maraming tao—kasama na ako doon—with matching mellow music pa, tinanong ni Kiel kung pwede siyang manligaw kay Angel.

And that girl said yes.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan. Syempre ang sakit nun sa part ko, lalo na't todo effort ako sa pagpapaganda para sa kanya nung gabing 'yun. Samantalang si Angel, mukhang bagong gising nung panahon na 'yun. Pero, aba ang loka, agaw eksena! Ang haba ng hair. Si Kiel Tan, nagtapat sa kanya! Anong pang-gagayuma ang ginawa niya?! Effective!

Pinause ko 'yung pinapanood ko dahil wala na akong maintindihan gawa nina Heidi at Patty.

"Alam niyo, wala akong dapat ikaiyak sa pangyayari kagabi. Parang nagtapat lang si Kiel. What's the big deal?" I asked before I started chomping the popcorn in my mouth.

"Seriously, bakla? Naka-move on ka na agad?" tanong ni Patty sa akin.

"Move on? At ano ang ka-move on move on doon, aber? Nagtapat lang si Kiel sa kanya. Hindi pa sila mag-on at mas lalong hindi pa sila kasal. Malaki pa ang pag-asa ko."

"Ibang klase ang fighting spirit mo, girl. Hindi ko kinaya! So ano, aagawin mo si Kiel kay Angel? Magpapaka-kontrabida ka na talaga sa buhay nilang dalawa?"

Tinaasan ko ng kilay si Heidi. "Call me whatever you want. Basta hindi uso sa akin ang kasabihan na if you love someone, set them free. Kabaduyan lang ang ganun."

"Wow, 'te! Antagonist ang peg mo talaga!" sabi naman ni Patty with matching slow clap pa.

I smirked, "e di ako na ang antagonist. I'll show you, minsan, nananalo rin ang mga kontrabida."

The Other Side (Book version)Where stories live. Discover now