{ TBUP -15: Back to Normal }

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero bumalik siya, niligawan niya ulit ako. Sabi niya na-temp lang daw siya run sa babae, ako naman daw talaga ‘yung mahal niya. Everybody deserves second chances naman ‘di ba? Kaya pinagbigyan ko siya. Pero si Best naman ang nawala, natakot kasi talaga ako sa kanya eh. Alam ko namang abot langit ang sama ng loob niya kay Elzid. Pero kahit kailan, never akong naging fake sa kanya. Never ko siyang inayawan. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko!

Kaya hindi ako susuko! Gagawin ko ang lahat para lang maibalik ‘yung friendship namin ni Ericka! Alam kong kaya niya akong patawarin, ang tanong eh kung kailan.

Haaay…

--Chron’s Pov--

 

 

Hindi pa rin tumatawag or sumasagot sa text ko si Selene. Seryoso talaga siya sa pakikipagbreak sa akin. Wala tuloy akong ganang pumasok ngayon,parang gusto kong bumalik ng bahay at humilata na lang dun maghapon kahit nasa harapan na ako ng gate.. =___=

Haay Selene, kung kailan okay na ang lahat tyaka ka aalis? Bakit? Ang tagal-tagal nating hinintay ‘to tapos aalis ka na lang bigla. Nakakainis! Buti pa si Psyche nakasama ka ng isang taon, nayakap, nahalikan! Nakakainis talaga! Ako dapat ‘yun eh…

Habang nasa hallway ako napansin ko si Ericka na nakatulala habang naglalakad. Isa pa itong babaeng ‘to eh, ewan ko ba kung bakit sa tuwing makikita ko siya palaging gusto kong yakapin siya. Siguro kasi kailangan niya ng comfort at ganun din ako.

Lumapit ako sa kanya, “Good morning.” Tapos nginitian ko siya.

Good morning din.” Napansin ko na lang na nalagpasan niya ‘yung classroom namin.

Uyy, ‘dun ‘yung classroom natin, remember?

Kumunot ‘yung noo niya, “Huh? Hindi mo ba alam? Wala tayong klase sa first period, naka-leave si Ma’am, remember?” Tumango na lang ako tapos naglakad na ulit siya.

Ay oo nga pala. Hindi ko naalala. Napahiya ako run ah! Pero okay lang, kay Athena naman. Psh, makapasok na nga sa classroom. Dun ko na lang itutuloy ang pagtulog ko.

--Ericka’s Pov--

 

 

Bangag ata si Chron? Psh, malamang sugatan ang puso kaya absent minded. Nakakawalang ganang manglandi ngayon, ewan ba =____= Teka, saan ba ako pupunta?

Oo nga pala, hahanapin ko si Psyche. Miss na miss ko na kas—Shet hindi ah! Hahanapin ko siya kase… kase… kase… ANO NGA BA?!

Hahanapin ko siya kasi kakamustahin ko siya! Yun eh! Amf >____<

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon