{ TBUP -8: She's your bride }

Magsimula sa umpisa
                                    

Damn shit! >_____<

Biglang dumating sila Psyche at Carmeen, “Oh? Bat ganyan mga mukha niyo?” Tanong ni Psyche.

WALA!” Magkasabay na tugon naming dalawa ni Chron.

Ohh. Nangangamoy LQ ah.” Sabi ni Psyche.

Bakit ka ba nandito?” Masungit na tanong ni Chron. Oo nga Psyche! Istorbo ka! Nagmo-moment kami ni Chron dito eh >.<

Easy ka lang bro! Di naman ako nandito para manggulo sa date niyo ni Athena eh.” Gago! Nanggugulo ka na nga eh! “In fact, tutulungan ko pa kayo!” Tapos nag-smile siya.

Eto oh! ^______^” Si Carmeen sabay hila sa isang couple.

Nalaman kasi nilang si break-up planner,” Sabay tingin sa akin. “raw ang nandito sa booth kaya ayaw nilang pumunta kahit gustong-gusto nila! Kaya ito, hoy Athena!” –Psyche.

Ano?!” Nakabusangot kong sagot sabay tayo.

Ayan ah, mag-pramis ka sa kanila na kahit itong araw lang! Magpapahinga ka muna bilang si break-up planner. Bilis!” Sabi sa akin ni Psyche.

WHAT?! Paano ko naman ihihinto ang isang bagay na palagi ko nang ginagawa?! Like DUH! Hinahanap-hanap na ng sistema ko ang panghuhula ng break-ups ng iba. Paano ko ‘yun ihihinto?! Sabihin niyo nga!? Para niyo na rin akong inutusang huwag huminga kahit isang araw lang!

ANO?!” Pasigaw kong tanong.

Lumapit sa tabi ko si Psyche habang nakatingin ako sa kanya ng masama. Bigla niyang binuhat ‘yung right hand ko na parang nagpapanatang makabayan.

Ayan! Nagpramis na siya ha! Kaya, safe na ang marriage booth!!” Sigaw ni Psyche. “Wag kang mag-alala, magbubunga rin ‘to.” Bulong niya sa akin.

Sige! Go with the flow. Pwede ko naman silang hulaan ng break-up kahit sa isip ko lang ‘di ba? Mwhahahaha! *evil grin*

So nagsimula ng lumapit ‘yung mga gustong magpakasal. Si Chron daw ang pari. Hahaha! Ang gwapo namang pari nito. Sayang kung naging totoo, baka itakas ko siya sa simbahan niyan! Hihi! Tapos ako naman ‘yung taga-abot ng rings. Weee! Magbre-break ‘din kayo next month! HAHAHA!

Tapos ayun, madami nang nagpapalista at kinakasal. Madami na rin akong nahuhulaang break-ups. Waah! Ang saya naman pala neto xD

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon