Chapter 22: I'm Afraid

189 24 2
                                    

Alys' POV

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na rin si Rezza.

Buti nalang at bumalik na rin siya dahil ako naman ang naiihi. Kinakabahan kasi ako at the same time dahil na rin siguro sa magaganap ngayong araw?

Nagpaalam naman ako sa kanya na magbabanyo lang at babalik din para ayusin ang aking sarili.

Patungo na sana ako sa cr ng may humila sa bewang ko.

Dinala niya ko dito sa garden ng school. Hindi ko parin nakikita kung sinong lalaki ba ang humila sakin. Pero ng dalhin niya ko sa garden ay may isang tao lang akong naalala.

"Brett?" Tawag ko.

Hindi nga ako nagkamali, siya yun. Dahil tinanggal niya ang kanyang maskara at agad akong nilingon.

"Alys... Sorry kung hinila kita." Paghihingi niya ng tawad

"Okay lang yun, medyo natakot lang ako dahil akala ko kung sino yung humila sakin." Sabi ko naman.

Niyaya niya akong umupo dun sa upuan sa garden at inalalayan pa ako dahil medyo mataas ang aking heels. At to tell it honestly, meron na akong paltos sa paa dahil lang sa heels na kay taas-taas. Hindi ako sanay.

"Hurt?" Tanong niya

Nakita niya kasi ang paltos sa aking paa ng tanggalin ko ang heels na suot ko.

"Medyo" Nahihiya kong sabi

"Hindi ka ba kumportable sa mga suot mo ngayon? Kasi napapansin ko kanina pa nung sinundo kita sa inyo eh parang hirap kang maglakad at ayaw mo sa suot mo ngayon?" Mahabang sabi niya.

"Ah--oo, kasi di talaga ako sanay ng nagsusuot ng dress, heels at ayoko rin sa make-ups." Nahihiya kong pag-amin

"That's why, may salamin ka din na malalaki at manang kang manamit kasi dito ka kumportable?" Nag-iwas siya ng tingin dahil sa tanong niya.

Nagtataka ako? Bakit siya nag-iwas ng tingin? Dahil ba narealize niyang masasaktan ako sa tanong niya? Nah.

"Oo parang ganun na nga." Sabi ko.

Binalingan niya ako ng tingin at tinignan ako sa mata. Naiilang ako kasi di naman siya ganyan makatingin sakin dati?

"Alys? When will you be my girl? When will I tell the world how much I love you? When will it happen?" Seryosong sabi niya at nakatitig parin sakin.

Hindi kagad ako nakapag-react sa tanong niya. Natameme ako, lumipad ata ang isip ko out of nowhere.

"Alys, I'm afraid, your not speaking. Ayokong masaktan dahil mahal na kita. Pero sa pag-ibig kailangan handa kang masaktan." Sabi niya.

I saw sincerity in his eyes, sadness written all over his eyes. Natatakot akong sumagot. Kasi baka sa maling sagot ko may masaktan akong tao na totoong nagmamahal sa akin.

"Brett, alam ko at nararamdaman kong totoo yung mga sinasabi mo, pero kasi natatakot akong sumugal sa pag-ibig na hindi ko alam kung totoo o laro laro lang. Natatakot akong baka isang araw yung taong pinakamamahal ko ay wala na sa tabi ko. I'm scared to fall in love.."

Hinanap niya ang kamay ko, at ng makapa na niya ito ay hinawakan niya ito ng sobrang higpit.

"I know you're afraid. Pero hindi naman masamang sumugal sa pag-ibig diba? Ako din natatakot sa nararamdaman ko kasi baka infatuation lang 'tong nararamdaman ko para sayo, pero alam ko... Alam kong ikaw ang sinisigaw nito." Sabi niya sabay turo sa puso niya.

Namula ang aking pisngi at napayuko nalang. Sinisink-in ng utak ko ang mga nangyayari ngayon.

Yung Brett na pinapangarap ko lang noon, na sana'y balang araw mapansin niya ako, na sana balang araw mahalin niya ako. Yung sana na yun ay itong araw na yun. Yung araw na pinakahihintay ko, yung araw na lahat ng sana ko ay natupad na. I silently thanks to God na dininig niya ang lahat ng sana ko.

"Alys, can I be your man that you will loved eternally? Can I be your man that you're always dreaming? Can I be that man?" Makabagbag damdaming sabi niya.

Napaluha nalang ako at sumunod ang katagang 'Yes'

Hinalikan niya ako sa noo at lalo lang itong nagpaluha sa akin ng yakapin pa niya ako ng napakahigpit.

***
4/9/16-12:37am

A/N

Awww, naluluha ako seryoso! Ang sweet ni Brett <3 Pero pinipigilan ko ang sarili kong maniwala sa pinagsasasabi niya! Ahahaha. Syempre kakilig parin <3 Lovelots! :*

Itutuloy...

A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)Where stories live. Discover now