Chapter 31: Confrontation

Magsimula sa umpisa
                                    

"Is that a bad thing?" Napatingin ako kay Piper dahil sa tanong niya. Is it a bad thing? "Maybe he just wants to know your say?"

"Naiintindihan ko naman 'yon. Natutuwa pa nga ako kasi inaalala niya ako. Kaya lang kapag sobra na, hindi na maganda. Kanina nga tinext niya ako. Nagpapasama si Tita Yannie sa kaniya. Mama na niya 'yon. Mama niya 'yon! Pero nagtanong pa rin siya sa akin kung aalis kami. Malamang kapag sinabi kong oo hindi na niya sasamahan ang mama niya. That's too much. Kinukulong niya ang sarili niya sa akin at sa sasabihin ko. Hindi lang naman kaming dalawa ang tao sa mundo."

"Sino ba ang unang nagkulong sa kaniya?"


Napatigil ako dahil sa sinabi ni Tamara. Nagkibit-balikat siya at sumandal, "Ito... lahat ng sasabihin ko mga napansin ko lang. Pure observation. Unbiased opinion. Nagkaganiyan si Warren dahil sa 'yo."

Ipagtatanggol ko sana ang sarili ko pero itinaas niya ang daliri niya para patahimikin ako. "Naiintindihan ko pa no'ng una. Hindi nag-aaral si Warren, bumabagsak siya kaya inalalayan mo siya. Tinulungan mo siya sa pag-aaral niya. That's normal. Kaya lang tulad nga ng sabi mo kanina, kapag sobra na, hindi na maganda. Nasobrahan ka. Ikinulong mo si Warren. Sinubukan mo siyang kontrolin. Sinubukan mo siyang baguhin sa Warren na gusto mong maging siya. Hanggang sa nakasanayan na niya. Kaya nagkaganiyan siya."

Kokontra pa sana ako pero inunahan na ako ni Piper.


"This isn't entirely your fault din naman. Parehas kayong may kasalanan in my opinion. Ikaw, kasalanan mo na nasobrahan ka sa paghigpit sa kaniya. Remember, you even made a schedule for him last sem. Siya, kasalanan niya na hinayaan niyang magpatangay lang sa 'yo. Hindi man lang kayo nag-usap. Parang ngayon. Alam kong parehas kayong namromroblema. Parehas kayong may iniisip at parehas niyong alam na may mali. But instead of talking about it with each other, you choose to talk about it with your friends. Ikaw, sa amin. Siya kay Nate."

"Wait. Nag-oopen siya kay Nate? Paano mo nalaman?"


Huminga ng malalim si Piper at nagkamot ng ulo, "Nate told me."


"Sinabi niya kay Nate na may problema siya sa akin pero sa akin mismo hindi niya masabi? Wow."

"Ano bang ginagawa mo ngayon? Hindi ba ganoon din?"


Napatigil ako dahil sa sinabi ni Tamara. Oo nga. Parehas lang kami ng ginagawa. Ito nga ang sinasabi ni Piper.


"For once, try niyo mag-usap. Try to listen to each other's side of the story."


***

It's about time para mag-usap kami.

Naiinis pa rin ako na may problema siya sa akin pero hindi niya ako kausapin tungkol doon. Oo nga nagsabi ako ng problema ko tungkol sa kaniya kila Tamara at Piper pero sa pagkakatanda ko, nasabi ko na rin 'yon sa kaniya noong nasa No Name kami. Hindi nga lang kasing detalyado ng pagkakasabi ko kila Piper pero alam kong alam na niya 'yon.

Hay, ewan. Ang gulo ko na tuloy. Basta kailangan namin mag-usap.


Nasaan ka? text ko sa kaniya.


Hindi rin naman nagtagal ay nagreply siya na nasa bahay lang siya kaya pinapunta ko siya sa amin.

Patulog na sila mommy at daddy kaya nang makarating si Warren ay hanggang sa terrace ko lang siya pinapasok at pinaupo.


"Let's talk."


Kung walang problema, magtatanong na 'yan ngayon pa lang kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Kaya lang alam na niyang may problema kaya hindi siya nagtanong.


"Let me guess," sabi niya at napabungisngis. "Sasabihin mo bang napapansin mo na ang pagbabago ko at pagdepende ko sa 'yo?"

"Oo." Tumango siya kaya nagpatuloy ako. "Alam kong napapansin mo rin 'yon. May sarili kang utak, Warren. May sarili kang isip. Hindi pwedeng palagi ka na lang aasa sa akin. Noong una hinahayaan ko lang eh. Natutuwa pa kasi ako. Kaya lang narealize ko na lang na sobra na. Sobra na ang pagkadepende mo sa akin. Sobrang laki na ng pinagbago mo."

"Sinubukan mo kasi akong baguhin."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam ko may mali ako pero ako lang talaga ang sinisisi niya?


"Kasalanan ko pa? Wow, Warren. Fine, I admit. Sinubukan kong baguhin ka. Nagpabago ka naman. Hindi ka naman pumalag. Was it still my fault? Was it my fault that you're not strong enough to stand up for yourself? Was it my fault that you choose to follow what I want instead of what you want? Was it?"

"Hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo ang lahat. May kasalanan din ako. Oo, hindi ako pumalag. Sinunod ko ang gusto mo kasi nga ayon ang gusto mong gawin ko. I love you kaya susundin kita. Kasi ayoko nang magtalo tayo. Noong sinusuway kita nagagalit ka. Ngayong sinusunod na kita nagagalit ka pa rin. Ano ba talaga?"


Napakamot siya sa ulo niya at hinilamos ang mukha niya. "Hindi na kita maintindihan. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na kilala kung sino ang Warren na kaharap mo. Hindi ko gusto ang Warren na nakikita mo. Naisip mo ba 'yon? Naisip mo ba na baka hindi ko naman gusto ang mga pinapagawa mo? Baka hindi ko naman gusto na mag-aral 24/7. Baka hindi ko naman gusto na tumigil sa paglalaro. Baka hindi ko naman gusto na pabayaan ang basketball. Magkaiba tayo ng gusto, Hailey. You're into academics. I'm into sports. Pero pinilit mo akong mag-focus sa acads. At dahil mahal kita, ako naman itong si ewan na sumunod. Pinilit mo akong maging 'yung lalaki na ideal para sa 'yo."


"Hindi kita pinilit, Warren. Hindi totoo 'yan. Hindi ko – "

"Admit it, Hailey. Gusto mong mag-improve ang relationship natin. Iniisip mo ang future natin. Iniisip mo ang future mo kasama ako. At hindi ka sure sa nakikita mo. Hindi ka sure kasi tingin mo walang pupuntahan ang future ko. Kasi bumagsak ako? Kasi nagcucutting ako? Kasi hindi ako sa pag-aaral nakafocus? Kaya pinili mong baguhin ako. Pinili mong baguhin ako at gawin ang lalaking tingin mo may magandang kinabukasan kasi maganda ang grades niya. Kasi nakafocus siya sa pag-aaral niya."

"Kinabukasan mo lang din ang iniisip ko kaya kita hinigpitan. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kitang bumagsak? Manood lang na nasisira ang future mo kakabulakbol?"

"Oo."


Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto niyang hayaan ko siya? Nasisiraan na ba siya ng bait?


"Sana hinayaan mo na lang. Sana hinayaan mo akong bumagsak. Hinayaan mo akong magkamali. Hinayaan mo akong matuto sa pagkakamali ko at hinayaan mo akong magbago para sa sarili ko. Kasi, Hailey, sinubukan mong baguhin ang mali sa akin kahit na hindi ko naman maintindihan kung ano 'yon. Parang sa problem solving. May isang item akong hindi maintindihan kaya nagpatulong ako sa 'yo kung paano i-solve 'yon. Sa halip na ituro mo sa akin ang step-by-step process ng pag-solve ng equation, sinagutan mo na ng diretsyo. Kaya wala rin akong naintindihan."


Tuluyan na akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Parehas kaming tahimik at tanging ang mga kuliglig lang ang naririnig ko.


"Ilang araw na akong nag-iisip. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang gusto ko. Ngayon... kahit ngayon lang, pwede bang ako na lang muna? Akin na lang muna 'to. Gusto kong isipin kung ano talaga ang gusto ko. Gusto kong isipin kung sino ba talaga ako."


***

Relationship Code No. 21: While women are hoping things will improve; men are hoping things won't change.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon