Paunang Salita

1.9K 5 2
                                    

Paano nga ba maghukay ng ginto?

Kung talagang ginto ang huhukayin mo, masyadong costly. Kukuha ka pa ng permit sa Gobyerno, maghuhukay ka pa ng tunnel, magbabayad ka pa ng mga tao. Masyadong mahirap at matagal ang proseso.

Kaya kung gusto mo ng madaling paghuhukay, mga gold bars ang hanapin mo. Mga gintong iniwan daw ng mga hapones dito sa atin. At ang mga sumusunod na listahan ay ang mga steps kung paano maghukay ng ginto.

Step 1 – Bago ka maghukay ng ginto dapat sigurado ka munang may ginto nga sa lupang hinuhukay mo kundi magsasayang ka lang ng oras.

Step 2 – Kapag sigurado ka ng may ginto nga sa ilalim, ibuhos mo na ang lahat. Ngunit, dapat sikreto lang ang paghuhukay mo kung ayaw mong may kaagaw sa hinuhukay mong yaman. May kasamaan ang mga taong nasa paligid mo. Hindi dahil kilalang-kilala mo na sila ay pagkakatiwalaan mo na ang mga taong ‘yan. Kahit ano pang pagkakakilanlan mo sa mga taong ‘yan, don’t trust them. Ginto ang usapan dito dre. Ginto! Pera~ to be exact.

Step 3 – At kapag feeling mo ay malapit ka na sa hinuhukay mo, stop digging at i-resume mo sa gabi. Sa gabi mo tapusin ang paghuhukay dahil wala masyadong tao.

Step 4 – Pagkatapos mong makuha ang mga ginto. Ibenta mo agad ito. Huwag ka ng maghintay pa ng maraming araw, buwan o taon. Ibenta mo na agad. At siyempre, kapag marami ka ng pera, i-share mo naman sa akin. Huwag kang mag-alala. Secret lang natin ‘to. Hindi ko naman ipagsasabing nakahukay ka ng ginto.

 Literally, ganyan ang paghuhukay ng ginto. But, let’s get to the real point. This book is not how to dig gold but how to be a Gold Digger. Paano makakakuha ng mayamang asawa?

-> Sabi ng iba, humanap daw ng 4 M: Matandang Mayamang Madaling Mamatay. Masyadong halata ka kung ‘yan ang strategy mo.

-> Humanap ng mayamang panget at lasunin mo hanggang sa mamatay. Lalong masyadong halata at magiging kriminal ka pa.

-> Maging liberated at akitin ang mayamang lalaki at babae. Masyado ding halata at magiging bitch ka pa o isang jerk.

-> Maghanap ng lalaki o babaeng mayaman kahit may asawa na. Magiging No Other Woman o No Other Man ka niyan. Masyadong malaking gulo ang mangyayari at mapapasama ka pa.

Mga lumang strategy na ‘yan kung paano makakakuha ng mayamang asawa at masyadong halata na sa mga mata ng nakakarami. Kung ako ang tatanungin niyo kung ano ang magandang strategy, of course, meron akong strategy diyan.

At ang strategy na ‘to ang nagpayaman kay Mrs. Hilda Reyes-Tan, asawa ng isang sikat na may-ari ng (hindi ko pwedeng sabihin. It’s a secret. Para na din sa privacy ng pamilya). Dahil nga sa successful na siya at mayaman na din, pilit niya namang ibinabahagi ang strategy na ‘to sa kanyang mga pamangkin upang umahon din sila sa kahirapan.

At ang isang pamangkin nga ni Mrs. Hilda ay inadapt din ang not-so-famous-but-it’s-working strategy on how to dig a gold

+++++++++++++++++++++++++++++++

Comments, Reviews and Feedbacks are highly appreciated. Thank you :)

Paano Maghukay ng Ginto? [Temporarily Halted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon