Twenty (Part Two)

Start from the beginning
                                    


"Then explain what Ms. Rachel said a while ago." Sabat naman nung isang babae na malapit lang sa kinatatayuan ko, tumingin naman ako kay Rachel pero naka poker face lang ito at halatang kanina pa nababagot, wala ba siyang balak na tulungan ako dito? "She's---she's uhm.."


"I was just joking a while ago, yeah I know hindi benta yung joke na 'yon so let's start. We need to finish the last activity, this'll be not postponed because of what happened a while ago, kasalanan niyo lang din 'yon tsk tsk." Mukha naman silang kumbinisido pero yung babae sa harapan ko biglang lumingon sa'kin, "I don't believe you, liar." Saka niya at ibinalik ulit ang tingin niya sa harapan. What a smart ass.


"Okay do the indian sit and close your eyes, breathe in and breathe out." Habang nakapikit ako naramdaman ko na may umupo sa tabi ko, medyo dumilat ako at nakita ko si Ark na nakikigaya rin sa ginagawa namin, akala ko ba sinundan niya si Ash? "Nakaka-stress pagkatopak ng kapatid ko, I need this holeh yoga sh*t." Tumango nalang ako saka pumikit ulit.


"Now open up your eyes, huminga kayo ng malalim." Ginawa ko kung anong sinabi niya, in fairness medyo gumaan loob ko. "As I said earlier ang last pose na gagawin natin ay hindi basta basta, you need to ready yourself and your mindset. All of us will do the lotus yoga pose BUT with a twist." Lahat kami nagtaka sa sinabi ni Rachel. Napansin ko nalang bigla na umalis si Ark sa tabi ko at umupo sa isa sa mga bleachers ewan ko ba kung ako lang ang nakakapansin na namumutla siya kahit na maputla naman talaga siya.


Nagkibit balikat nalang ako saka ginaya yung pose na ginagawa ni Rachel, eto ata yung ginagawa ng mga chinese eh, yung mag i-indian sit ka tapos ipapatong mo yung dalawang kamay mo sa tuhod mo at saka pipikit.


"Now, I want you to close your eyes, I'll be casting a spell and your mindset will be the ones who will bring you to your past or maybe to your future." Tuloy lang kami sa pakikinig sa'kanya. "And yet again, remember kailangan ninyong makalabas sa nakaraan kung ayaw ninyong tuluyang makulong doon." Medyo kinabahan ako, maraming what if's ang pumapasok sa utak ko.


"Dito niyo makikita ang mga naging buhay at pinaggagawa ninyo. Handa na ba?" Medyo dumilat ako at nakita ko silang tumango habang nakapikit. Pumikit nalang ulit ako at bumuntong hininga, maya maya pa ay nakaramdam na ako ng kakaiba, hindi ko alam kung lumulutang ba ako o mistulang nahuhulog pero nakapikit pa rin ako. Pinakiramdaman ko ang paligid, para bang paiba-iba ang temperatura na nararamdaman ko bigla bigla nalang iinit tapos lalamig maya maya'y biglang hahangin tapos uulan. Masyadong magulo.


"Asdfghjkl..."


"Qwertyuiop..."


"Zxcvbnm..."


Mas lalo akong napapakunot noo dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid, hindi ko masyadong mapakinggan dahil parang ang dami nila tapos ang hina masyado. Medyo nakakatakot lang dahil parang ang lapit lapit nila sa'kin at parang may ibinubulong. Iwinaksi ko nalang 'tong mga naririnig ko at nag concentrate ulit.


"Aaliyah tara sa birthday party ng friend ko!" This time iminulat ko na ang mata ko, nakikita ko ngayon ang sarili ko na hila hila ng isang babae papasok sa malaking mansyon. Kung hindi ako nagkakamali siya si Zennica, yung naging kaibigan ko dati.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now