"M-matulog na tayo. Di ka pa ba pagod?"

Sa'yo, pagod na ako sa'yo – gusto ko sanang sabihin iyon pero hindi ako nagsalita.

"Mauna ka na. Sa sofa na lang ako matutulog." Malamig na sabi ko.

"B-bakit? Kasya naman tayo sa kama ko." Sabi niya. Hindi na naman ako sumagot. Kasalukuyan akong naghihiwa ng patatas para sa caldereta ko. "Aura, iiwan mo na ako diba?" He asked again. "Kaya mo ginagawa lahat iyan kasi iiwan mo na ako."

"Adam, please, just get off my back." Mariing sabi ko.

"Iiwan mo na nga ako." Nanginig ang boses niya. "B-babalik ka ba sa club na iyon?"

"Susubukan kong hindi. Hahanap ako ng ibang trabaho. Babayaran ko iyong utang ko sa'yo, pero aalis na ako bukas ng umaga." There, nasabi ko din sa kanya.

"Bakit?" Muling tanong niya. "Aura, bakit iiwan mo na ako?"

"Kailangan pa bang tanungin?" Hindi na ako nakatiis. Hinarap ko na siya. "Adam, ayoko na." Pilit kong pinatatatag ang boses ko. "Tama na iyong halos anim na buwan akong nagpakababa sa'yo. Minsan ko nang binaboy ang sarili ko dahil sa'yo, hindi na ako magpapakababa dahil lang ulit sa'yo."

"Pwede naman tayong magsimula ulit diba?" Tanong niya. Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko tapos ay hinatak ako palapit sa kanya, itinulak ko siya.

"Adam please, don't make this hard for you and me." Malamig na wika ko. "Hayaan mo akong umalis. Iyong pera mo, ibabalik ko iyon sa'yo. Kung kailangan kong maghubad ulit para lang makakawala ako sa'yo gagawin ko, just please let me go."

Mukhang natigilan siya sa sinabi ko. Nakita kong naikuyom niya ang mga palad niya.

"Babalik ka doon? Mas gusto mo doon kaysa dito?" Parang batang tanong niya. "Sinasaktan ka nila doon!"

"Sinasaktan mo rin naman ako. Mas kaya kong tiisin ang pananakit ng ibang lalaki sa akin kaysa sa'yo."

Bigla siyang tumalikod. Napabuntong hininga na lang ako. I heard the door of his room closing. Matapos iyon ay hindi na siya lumabas. Hindi rin naman ako natulog, tinapos ko ang lahat ng Gawain para sa kanya. I have readied his clothes for tomorrow, I've polished his shoes and I've cooked him breakfast, matapos iyon ay dahan-dahan akong pumasok sa silid niya. He was sleeping, I took my bag but before I leave, I wrote him a note. Iniwan ko na rin sa kanya ang singsing niya at ang dress na binili niya para sa akin noon. I kissed him goodbye and for the last time I whispered to his ears those three words that I've been longing to say to him.

"I love you, Adam. I always will."

----------------------------

"Umalis ka na kay Adam?"

Iyon ang unang tanong ni Mommy sa akin nang sabihin ko sa kanya kung bakit ako umuwi.

"Yes ma, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho." Sabi ko sa kanya. Kasalukuyan kong pinapakain si Dad noon. "Pero pasensya muna, Mom, wala akong maibibigay ngayong buwan. Sapat lang para sa bayad sa bahay saka sa gamot ni Dad," Paliwanag ko.

"Okay lang anak, may naitabi pa ako s hauling binigay mo." She sighed. "Buti at umalis ka na sa lalaking iyon. Hindi ko pa rin siya gusto kahit mayaman na siya ngayon."

"Ma..." Huminga ako ng malalim.

"Alam kong asawa mo siya pero ayoko sa kanya. Mayabang siya." Komento pa niya.

Hands all over (Published)Where stories live. Discover now