"Huh? Wag na, kaya ko na doon." Ginulo ko ang buhok niya. "You're a good man, Yto." I smiled at him. I saw Sancho and Sheena looking at me.

"Are you okay, Aura?" Sancho asked me. His voice was full of concern.

"Opo, sir. Thank you." Ngumiti ako. Muli ay naglakad ako patungo sa dulo ng coaster. Noon ko naman napansin si Adam na nakaupo na, katabi si Samantha. Samantha was leaning on his chest, magka-holding hands pa sila pero titig na titig siya sa akin. Hindi ako nag-iwas ng tingin, taas – noo akong naglakad sa harapan niya. In my head I was thinking that I have nothing to be ashamed of, alam na niya ang totoo, siya na lang ang magdedesisyon kung maniniwala siya o hindi.

Matagal ang byahe, umulan pa habang nasa daan kami. Nakatuon lang sa labas ang mga mata ko. I'm kinda scared to look around the coaster, baka kasi makita ko na naman si Adam na ka-holding hands ang babaeng iyon.

After five hours, nakarating na kami sa mansyon ni Lola Adel. Namangha ako sa laki ng bahay na iyon. Doon kami lahat bumaba, si Samantha agad siyang nagpaalam, pero bago siya umalis, hinagkan niya pa si Adam. I looked away. Kung normal lang sana ang lahat, malamang sinabunutan ko na ang babaeng iyon. Asawa ko ni Adam, that means kabit siya, tapos nilalandi niya ang asawa ko sa mismong harapan ko.

Kainis.

"Yaya, do you wanna eat?" Yza asked me while I was standing near the door.

"No, Yza, thank you, but I'm just waiting for Uncle Adam." I smiled at her.

"Bad ba si Uncle sa'yo? Narinig ko kasi si Nanay kagabi, nagagalit siya kay Uncle kasi pinaiyak ka daw ni Uncle."

Ngumiti lang ako. Hindi na kailangan malaman ni Yza iyon. Habang nag-uusap kami ay dumating na si Adam.

"Bye, baby girl." Paalam niya kay Yza. Hinagkan niya ito at saka ngumiti.

"Bye!"

Tumalikod ako, nagpatiuna ako sa paglabas, dala ko ang gamit niya at gamit ko. My mind was racing, iniisip ko na kung paano ako magpapaalam sa kanya. Bahala na. I sighed. Sumakay ako sa kotse niya. Binuksan niya ang side niya at saka sumakay doon. Pinasibad niya ang kotse, hindi siya nagsasalita, mas lalo ko tuloy nararamdaman ang kaba.

"Aura..." Tawag niya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong nakakuyom ang palad niya sa manibela.

"Gusto mo na ba akong iwan?" For the first time since he bought me, he spoke to me like a real person. Walang galit sa tono niya, walang poot. He was just asking me like my opinion actually mattered to him.

Hindi ako nakakibo. Napatitig lang ako sa kanya. He looked as if he was really mad. Nababasa niya ba ang iniisip ko? Paano niya nalaman. Hindi ako sumagot. I looked away and tried controlling the tears that were about to fall. Hindi na rin naman siya nagsalita, wala na siyang binanggit hanggang sa makauwi kami sa unit niya.

When we got to the penthouse, I went to his room to fix his things, inihiwalay ko ang marumi niyang damit at ang mga damit naman na hindi niya nagamit ay ibinalik ko sa closet niya. Kinuha ko lahat ng marumi niya at saka inilagay sa humper. Lahat ng dapat kong gawin para bukas ay ginawa ko na ngayong gabi dahil bukas ng umaga, maski ayaw niya, aalis ako. Kung tutuusin kasi, mas kayak o pa iyong ginagawa ng ibang lalaki sa akin kaysa sa ginagawa niya. His words – although they're just words, leaves scars. Mas masisikmura ko pa ang pananakit ng iba, pero iyong mga salita niya – mas masakit pa sa pasa.

"Aura." Tawag niya ulit. Nasa kitchen ako noon at nagluluto.

"Bakit?" Muling tanong ko.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon