Chapter 26: Talk with the kids

Magsimula sa umpisa
                                    


"Wala pa po si Kuya Hunter?" tanong ni Melody. "Bakit ikaw lang po mag-isa?"


Napalunok ako at nginitian siya saka inayos ang buhok niya, "Nasa malayo si Kuya Hunter."


"Saan sa malayo?" I wish I knew where kaya lang hindi eh. Hindi ko alam kung nasaan siya. Kaya ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Kasama niya papa niya."


Mabilis akong napalingon kay Chord dahil sa sinabi niya. Nakaupo lang siya sa tabi ko at kumakain na para bang walang pakialam sa mundo.


"Anong sabi mo, Chord? Sinong kasama niya?"

"Papa niya," sagot ulit niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.


I tried asking him more kaya lang hindi na siya sumagot. Kaya binuhat ko siya at inupo sa lap ko.


"Alam mo ba kung nasaan si Kuya Hunter?"


Umiling siya, "Hindi ko alam. Pero kasama raw niya papa niya. Aalis daw sila sa malayo."


"Kailan daw sila babalik?"


Umiling ulit siya kaya binalik ko na siya sa tabi ko at hinayaang kumain.

Posible kaya 'yon? Posible kayang nakausap nila si Hunter?


Napatingin ako kay Melody nang tusukin niya ang pisngi ko, "Namimiss mo ba si Kuya Hunter?" I nodded. "Namimiss ka rin po niya kung nasa malayo na siya."


"Talaga?" tanong ko sa kaniya at ngumiti.


Tumango tango siya at ngumiti rin. "Noong matagal na matagal na, sabi niya mamimiss ka niya. Dapat magkasama kayo ngayon kasi miss niyo isa't isa. Kasi sabi sa akin ni mama kapag may namimiss ka, puntahan mo siya o hintayin mo na puntahan ka niya."

Kaya lang hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.


***

Nakatambay ako sa terrace namin, hinihintay si Nate. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa nalaman ko tungkol kay Hunter. I need my bestfriend.

I looked up at the sky and sighed. Wherever Hunter is, I know he's seeing the same sky.

Nang mapansin kong medyo maliwanag na ang daan, lumabas ako ng bahay. Headlights na siguro ni Nate 'yon. And I was right. Nandito na nga siya.

Bukas ang gate nila kaya nagdirediretsyo na ako. I was about to call him nang makababa na siya ng kotse kaya lang napansin ko na parang may iba sa kaniya. He looks so... down.


"Nate?" Nagulat siya nang tawagin ko siya pero napalitan din ulit ng lunkot 'yung gulat niya. "What's wrong?"


Umupo siya sa tapat ng pinto nila kaya tumabi naman ako.


"Si Tammy kasi," malungkot na sabi niya.

"What about her?" Hindi niya ako sinagot kaya inulit ko ang tanong. "What about her, Nate?"

"Hindi niya alam na sinagot niya ako. Lasing siya. Nagulat siya nang sinabi kong sinagot na niya ako. At sabi niya isipin ko na lang na hindi ko siya sinagot."


Napapikit ako sa narinig sa kaniya. That hurts. I don't understand Tamara. Hindi naman ikakabawas ng pagkatao niya kung hahayaan na lang niyang maging sila kasi gusto naman nila ang isa't isa. And it's not like naaapektuhan ni Nate ang studies or family niya. Nate waited for years tapos nang makuha na niya biglang babawiin? Anong kalokohan 'yon?

Napakamot siya sa ulo niya at halata na sobrang nafrufrustrate na siya. I hate seeing my bestfriend like this.


"Ayos pa kung binasted na lang niya ako. Kaya lang bakit kailangan niya pa akong sagutin tapos babawiin lang pala? Tangina!" he chuckled and shook his head. "Pagod na ko, Pipes. Hirap na kong intindihin siya. Ginawa ko na lahat. Ayoko na."


I don't know what to say kaya niyakap ko na lang siya to make him feel that I'm here – that I'm always here for him.


***

It's been days nang malaman kong kasama ni Hunter ang tatay niya. Kaya lang hanggang ngayon wala pa rin akong mapagsabihan no'n.

Gusto ko sanang sabihin kay Nate kaya lang may problema pa siya kay Tamara. At ayaw ko nang makadagdag do'n. He's been listening to my dramas ever since. Hindi ko na dapat lubusin 'yon. Hindi rin naman ako makapagsabi kay Tamara since hindi pa kami nakakapag-usap since nalaman ko ang nangyari sa kanila ni Nate. It's not like nagpapakita rin siya sa amin. These past few days naman bihira na rin kami magkita kita since we're all busy sa iba't ibang stuff.

I tried talking to Hailey and Warren din kaya lang every time na nakikita ko sila parang busy sila sa pagstudy. Ayoko na rin naman makaistorbo at ilabas ang drama ko sa kanila.

I don't want to tell my parents din naman about this. Kasi baka sumama ang image nila kay Hunter. And for some reason, I don't want that to happen.

Ayoko rin naman ipagsabi ang problema ko sa kaniya sa iba ko pang friends since I know na hindi naman nila maiintindihan. Kasi hindi naman nila alam ang background ni Hunter.


"I don't want them to worry about me. Ayoko nang makaistorbo sa kung sino man. Kikimkimin ko na lang 'to," I told myself.

"Sabi na nasa clubhouse ka lang."


Napatayo ako nang marinig ang boses ni Russel. I thought ako lang mag-isa ang nandito.


"Anong kikimkimin mo? Bakit ayaw mong makaistorbo?" Umupo ako at hindi ko siya sinagot. "Makikinig ako. Hindi ka makakaistorbo."


The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon