Chapter 24: Untitled

Magsimula sa umpisa
                                    


"Hi, guys!" sigaw ni Pipes at lumapit kay Warren, Hails at Russel sa isang table.


Nagkatinginan na naman kami ni Tammy, "Hindi ko alam kung matatakot o maaamaze ako sa bilis ng pagpapapalit niya ng mood."

Inilingan ko si Tammy, "Malungkot pa rin 'yan. Magaling lang siyang magpanggap na okay siya kahit hindi naman talaga. Namaster na niya 'yan noong highschool pa tayo."


"Alam mo, sobrang swerte ni Piper kasi may bestfriend siya na sobrang nakakakilala sa kaniya at laging nandiyan para sa kaniya."

"In love ka na sa akin niyan?" biro ko sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Okay, sige. Crush na lang. Crush mo na ako niyan?"

"Crush naman na talaga kita noon pa. Kaya nga hinayaan ko na manligaw ka."


Para akong nag-freeze dahil sa sinabi niya. Ngayon lang niya inamin na crush niya ako. Sa tinagal tagal kong nanliligaw sa kaniya, ngayon lang niya sinabi 'yon. Ito na ata ang Christmas present niya para sa akin. The best gift na 'to!

Nagwawala na 'yung puso ko. Kaunti na lang baka malalaglag na talaga 'to. Literal na laglag. Pero unfair! Siya isang gano'n lang nagwawala na ang puso ko. Samantalang ako nakailang daan na punchline na sa kaniya pero hindi ko pa rin siya makitang kinikilig. Dapat talaga magpatulong na ako next time kila Papa at mga tito ko kung paano ang tamang pagpapakilig.


"Nate! Diyan ka na lang ba?! Tatayo ka lang ba diyan buong gabi?!"


Napailing ako nang marinig ang sigaw ni Warren. Para akong hinila pabalik sa katotohanan. Para nga pala akong tanga na nakatayo mag-isa dito. Ito namang si Tammy, pagkatapos akong pakiligin bigla akong iiwan at uupo kasama nila. Pero okay lang 'yan, Nate. Crush ka naman niya. Crush ka niya, Nate! Tumatalab charms mo! Wohooo!

Hindi rin nagtagal at nagsimula na kaming magpalitan ng mga regalo. Hindi ko sila tinipid ngayong pasko na 'to kaya mukhang tuwang tuwa sila sa mga regalo na binigay ko. Syempre natuwa rin naman ako sa mga binigay nila. Pero mas natuwa pa rin ako sa pag-amin ni Tammy.


"Thank you dito. Siguro torture para sa 'yo ang magpuntang bookstore, ano?" biro sa akin ni Tammy.


Inipit ko 'yung sulat ko para sa kaniya sa pagitan ng pages ng libro. Hindi ko rin sinabi na nakalagay 'yon doon o na gumawa ako ng sulat para sa kaniya. Mas okay kasi na surprise. Baka sakaling kiligin na talaga siya. Sana naman!


Nauwi na rin kami sa pagparty. Minsan lang naman namin gawin 'to at nagcecelebrate naman kami kaya oks lang. Umiinom sila pero ako hindi masyado. Ihahatid ko pa 'tong si Tammy sa kanila. Hindi ako pwedeng uminom ng marami.

Turo ata sa akin ni Papa na huwag uminom kung magdradrive at lalo na kung may ipagmamaneho ako. Kaya ayan, sinusunod ko siya. Ang galing ko talaga. Ang bait kong anak. Sobrang masunurin. Kaya proud na proud sila sa akin eh. Ako pa!


"Hindi ka iinom?" tanong ko kay Russel.

"Uminom na ako kanina."

"May balak ka lang ihatid, ano?"


Binatukan niya ako ng paglakas lakas. Pakiramdam ko lumabas ang mata ko. Pero syempre, OA lang naman ako. Napayuko lang talaga ako ng kaunti.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon