halos hindi ko na marinig si Princess sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ,dahil papunta sa harap ko si Eros habang lumalapit siya lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko ...

ikaw ang may ari ng diary hindi ba? tanong sakin ni Eros

hindi ako makasagot nanatili lang ako tikom ang bibig habang patuloy ang pag-iyak ko

alam mo , wag mo nakong mahalin tigilan mo na ang kahibangan mo, akala mo hindi ko alam na gusto mo ko? alam ko yon , pagtinitignan moko , kung gano ka kabait sakin , kung pano mo gawin lahat ng gusto ko at kung gano kalakas ang tibok ng puso mo tuwing malapit ako sayo.... sabi ni Eros sakin nabigla ako sa mga sinasabi niya , at ganon ba talaga kalakas ng tibok ng puso ko at naririnig niya?

hindi parin ako makasagot ,dahil wala akong alam isagot sakanya.

hindi ko alam kung bobo kaba ,o sadyang tanga ka lang talaga paraisipin na gusto kita o magugustuhan kita ,ano bang pumasok sa isip mo ha?! CJ pwede ba tigilan mo na ang kahibangan mo dahil HINDING-HINDI mangyayari yon dahil PANGET ka! NEVER AKONG MAGKAKAGUSTO SAYO , at kung pwede lang ayaw talaga kitang nakikita dahil ang sakit mo sa mata alam mo bayon?! kaya MAWALA KANA!

yan ang mga huling salitang narinig ko kay Eros bago siya umalis sa harap ko , tuloy lang ako sa pag-iyak at sumisikip na ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko may ibang estudyante na nakakahalata na ako ang sinasabi ni Princess at tuluyan nakong bumigay sa sinabi ni Princess

OMG ilusyunada naman masyado itong panget nato , sana naenjoy niyo yung story ng DIARY NG PANGET ... ay wait ang author pala ng DIARY NG PANGET ay walang iba kung hindi si CARLYN JAMESS AUTRIA, yes everyone siya ang may-ari ng DIARY nato

tumakbo nalang ako papunta sa room namin at kinuha ang bag ko at agad na umalis at ang mga nadaanan kong mga tao ay walang ibang ginawa kung hindi tawanan, after non hindi nako pumasok at nagdecide na lumipat ng school yon ang dahilan kung bakit ako lumipat.

END OF FLASHBACK


at patakbo akong umiiyak  habang palabas ng library

binigay ko agad yung number sa baggage counter at kinuha ang bag ko habang nakayuko ayokong makita nila naumiiyak ako 

okay lang? may nagtanong pero hindi ko sinagot hinihintay ko lang ang bag ko ng makaalis nako

hindi ko ibibigay ang bag mo hanggat hindi mo ko sinasagot , eto oh .... may inabot siyang panyo sakin at dahil wala nakong choice kinuha ko yung panyo at inagat ang ulo ko ng makita kong ang crush ko ang nagabot ng panyo sakin

wala napuwing lang ako , thank you pala sa panyo balik ko nalang bukas , pwede ko naba makuha ang bag ko? sagot ko sa kanya wala nakong paki-alam kung mukha akong ewan kailangan ko na talagang umalis

nakasalamin napuwing? tsss malabo , sige sayo nalang yang panyo eto oh.. sabay abot ng bag ko

narinig ko nanaman ang boses ni kuyang pogi kaya kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo sa elevator, saktong nasara ko na ng nakita ko si kuyang pogi at hindi ko alam bakit hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak ano batong elevator nato asa secondfloor lang naman ako bat ang tagal bumaba sa ground floor 

ting! finally andito nako gusto ko ng umuwi!

pagbukas ng elevator nabigla ako ng hindi paman ako nakakalabas ay may pumasok na sa loob ng elevator at mas nabigla akong ng bigla nalang niya akong niyakap, hindi ko alam kong sino tong lalaking to pero mas lalo lang akong naiyak ewan ko ba bakit kasi ang safe ng feeling ko habang yakap niya ko, yung okay lang na umiyak ako sa shoulder niya napaka komportable ko 

ssssshhhhh , it's okay please stop crying , sssssshhhhhhhhhhh .... sabi niya sakin habang hinihimas ang likod ko at hinalikan ni ang ulo ko 

[a/n : sino ang lalaking pumasok sa elevator at yumakap kay CJ??? abangan !!]

sorry sa typo san magustuhan niyo and feel free to comment :)

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon