Chapter XIII-Tell The Truth?!

1.6K 71 12
                                    

Chad's POV:

Sh*t! Wrong timing naman oh! Ba't ngayon pa nila kami inatake lalong lalo na't kasama namin si Dana. At mas malala pa nasa kamay pa nila si Dana. Sinakal ng isang bampira si Dana tapos bigla sila nawala ng parang bula at meron na sila sa ibabaw ng truck. Mga 3 sasakyan bago mo makita ang isang malaking truck.





Nawalan ng malay si Dana,
napasandal ito sa dibdib ng isang bampira. Hindi naman kami umatake bigla-bigla kasi una baka saktan nila si Dana especially nasa kamay pa nila! Pangalawa napaligiran kami ng mga masasamang bampira na weak naman,pero kahit na! Kapag isang galaw man na magkamali sa amin ay siguradong patay si Dana. Alam kong si Max ang nagpadala nila dito. Siya pa!




"Let her go jerks for the last time,if you won't listen to me then sorry..."sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sa isa't isa alam kasi nila kung sino ako,ako lang naman ang Prince of all good vampires. Pero wala man sa kanila ang nakikinig sa akin.


Napasmirk naman ako."tsk.guess you gave me no choice! Your messing with the wrong vampire to attack to"sabi ko Sabay labas ng pangil namin ni Leo at pumula ang mga mata namin. Lumabas ang matatalas naming kuko. Gusto nilang makipaglaban pwes pabibigyan KO sila!tsk. Umatake naman yung isa kaya lumaban ako hanggang nagsunod sunod na ang Laban nila sa akin. Grabeh! Parang naimprove sila ngayon ha!






Mas malakas sila kaysa sa dati pero wala pa rin silang laban sa amin. Palagi ako tumitingin Kay Dana baka ano pa ang gawin sa bampirang yun. Hindi namin namalayan na nakadikit na pala ang mga likod namin ni Leo sa isa't isa. "Bro,mas malakas na sila kaysa sa dati...at hindi mabilis mapatay"sabi ni Leo sa akin. "Halata nga!"sarcastic kung sabi.



"Hahay!Chad hanggang dito sa resbakan sarcastic ka pa rin!"sabi ni Leo. Nag-tsk na lang ako tapos rumesbak ulit! Napatingin ako ulit at this time parang may plano ang isang bampira na nakahawak ni Dana. Ngumiti siya ng demonyita. Parang Alam ko na ang gagawin niya! Bigla na lang may sumaksak sa bandang likuran ko ng isang matalas na kuko.

Tumingin ako sa bampirang sumaksak sa akin at agad itong pinatumba ng mabilis tapos tumingin ako sa deriksyon ni Dana,at tatangkain na ihulog siya sa truck agad naman ako pumunta sa pagbagsakan ni Dana at saktong nasalo ko siya bago pa siya bumaksak sa lupa.




Argh! Feel na feel ko ang sakit sa bandang likod ko dahil sa sugat. Tumayo agad ako at inatake ang taong sumakal Kay Dana. Infairness! Malakas rin siya! Bigla ako natumba kasi ang lakas niya. Sinakal naman niya ako. Sh*t! Sobrang lakas niya! Swerte siyang may sugat ako! Bigla na lang natumba ang bampira at nakita si Leo na kagaling lang sa saksak sa bampirang ito.

Inalalayan naman ako ni Leo kasi bigla akong natumba. "Chad okay ka lang?"pagaalalang tanong ni Leo. Tumango naman ako habang umuubo trying myself to be fined. "Sure ka bah? Tingnan mo nga,may sugat ka pa!"sabi ni Leo. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.


#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 1(UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon