Chapter XI-Mall Bonding!

1.8K 73 7
                                    

Dana's pov:

Andito kami ngayon sa sasakyan ni Leo,bale siya yung nagdradrive habang magkatabi kami ni Chad sa back seat. Nakakailang kasi ang tahimik namin. Tumingin ako Kay Leo,busy sa pagdradrive. Tingin kay Chad,busy sa katitingin sa labas. Aish! Ang tahimik naman. Magbobonding kami ngayon and I'm super excited lalong lalo na libre nila.hehehehehe... mas masarap kapag libre dibah?hahahhaha.



Wait!saan pala kami magbobonding? "Umm...guys saan pala tayo magbobonding?"tanong ko sa kanila. "Ewan ko kay Chad,saan pala tayo magbobonding Chad?"tanong rin ni Leo kay Chad. Traffic na naman dito sa lugar na'to. Tumingin ako kay Chad para sa sagot nito. "Malay ko....akala ko ikaw yung mag-iisip kung saan tayo magbobonding"sagot ni Chad.







"Huh?!anong ako?!ikaw kaya ang pinagsabihan ko na ikaw yung mag-iisip na lugar"sabi ni Leo Kay Chad. "Huh?ako?bakit ako?di bah ikaw?"pagtanggi ni Chad kay Leo. "Ikaw kaya"pagtanggi rin ni Leo. "Hindi,ikaw kaya"pagtanggi rin ni Chad. -_- Ewan ko sa kanila! Bale nagtatalo na sila sa loob ng sasakyan! Aish! Ewan ko sa kanila! Para silang mga bata 





Sila yung nagayaya mag bonding kami pero hindi nila Alam kung saan kami magbobonding? Lakas rin ng topak nila noh! Nagtatalo pa rin sila! Argh! Nakakairita na ha!
"That's enough okay?!"pagpigil ko sa kanila kaya napatahimik naman sila. "Ano bah talaga?! Dapat kapag nag ayaya kayo magbonding sa isang tao dapat Alam mo o ninyo kung saan tayo magbonding para walang hassle kagaya ngayon"sabi ko sa kanila. Natahimik naman sila tapos biglang nagsalita ng sabay sabay. "SIYA KASI EH!"sigaw nila ng sabay sabay.






Napatakip naman ako sa tenga ko. "WAG KAYONG SUMIGAW!HINDI AKO BINGI!"sigaw ko sa kanila. "SINABI BAH NAMIN NA BINGI KA?!"sigaw ulit nila na sabay sabay. Argh! Napatakip naman ako ulit sa dalawang tenga ko tapos binatukan sila ng sabay sabay. "ARAY!!!"sigaw ulit nila na sabay sabay. Magpinsan bah talaga sila o magkapatid?palaging Sabay sabay magsalita. Tsk. "Why did you do that?"sigaw ni Chad habang himas himas niya,ang ulo niya."what for?"pagdugtong na sabi ni Leo. -_- see?parang nagkakaintindihan sila? "Kasi Una Hindi ako bingi pangalawa Hindi niyo alam kung saan tayo magbobonding at pangatlo magpinsan talaga bah kayo o magkapatid kasi palagi kayong sabay sabay!"pahabang sabi KO sa kanila.






"Both"tipid na sagot ni Leo.-_-hahay! Ba't naging protector KO sila?
"TSS...ako na nga magiisip kung saan tayo magbobonding hmmmmm.....alam ko na magmall bonding muna tayo tapos park bonding ang huli"suggest KO sa kanila. Nag-isip naman sila ng ilang saglit tapos napaagree-_-. So ayun first destination namin ay sa mall. Hindi na rin matraffic kaya nakapunta kami sa mall ng walang hassle sa traffic....^_^






SA MALL.........

Andito na kami sa mall,kakarating lang namin dito sa mall. Naglalakad pa kami dito. "So?Saan tayo magsisimula magbobonding?" tanong ni Leo sa amin. "Sa WOF!"sabi ko nila habang puppy eyes. Hehehehe gusto ko talaga maglaro sa WOF kasi nakakawalang stress. Napaagree naman sila kaya pumunta na kami sa WOF, grabeh silang Leo at Chad bumili ng tokens parang lahat ng tokens binili nila. Ganito bah talaga kapag mayaman?! Aish! Edi sila na ang mayaman! Okay lang kasi libre naman nila.





^_^ so ayun na nga naglalaro na kami dito. Una nagbabasketball kami dito hahahahahah nageenjoy ako nito. Shoot lang ako ng shoot sa ring kahit minsan lang magshoshoot ang bola:) Tinignan ko naman sina Leo at Chad habang naglalaro ng basketball ball at wow!parating nakakashoot sa ring tapos mabilis pa,ganyan bah talaga kapag bampira?





Gosh!ang daming mga tickets nahiya naman ako sa akin =(. Napatingin naman ako sa mga paligid dito sa WOF at naging center of attraction pala sila dito. Mostly andito mga babae na nagtitilian. Syempre naman sino bah Hindi mahahahanga nila noh? Napatingin naman ako Kay Chad. Napangiti naman ako. Marunong pala siya ngumiti ng papaano,mas gumagwapo siya kapag Hindi suplado tsk. Natapos na rin sila sa paglalaro tapos punta kami sa assistant sa WOF para kunin yung price namin. "Sir,nakuha niyo po ay 30 000 points"sabi ng babae sa amin. O___O grabeh 30 000 points?! "Dana,anong gusto mong price...parang napadami namin ang tickets heheheh"sabi ni Leo tapos tumawa ng mahina.




Nagulat naman ako. "Huh?!sa akin ang price eh kayo ang naghirap para kunin yung 30 000 points? Sure kayo?"tanong KO sa kanila. Tumango naman sila bilang sagot. *0* really?!napatingin naman ako sa mga price.....*0* waaaahhhh!ang cute ng malaking Teddy bear,human big size siya worth 10 000 points.
Nahalata naman siguro nila na napatingin ako sa teddy bear. "Miss tatlo nga na human big size na teddy bear"sabi ni Chad sa babae. O___O what?!seriously tatlo?!pero natuwa naman ako ^_^
Hehehehe.....kinuha ko naman ang isang teddy bear
tapos niyakap Ko ito ng mahigpit. "Thank you"yan lang ang nasabi ko,ngumiti naman Sila ng bahagya. Sila na yung nagdala ng dalawang human big size na teddy bear habang umaalis sa WOF. "So,saan tayo ngayon?"tanong ko sa kanila. "Kumain na lang tayo,nagugutom na ako eh"sabi ni Leo.





Napaagree naman kami kaya pumunta na kami sa Jollibee. Sina Leo at Chad yung nagorder. Grabeh lahat ng babae napatingin nila,ang cashier naman nagpapacute tsk. Hindi ko na lang sina pinansin. Nung natapos sila sa pagoorder ay pumunta na sila sa lugar ko. O__O grabeh! Dami nilang inorder! 3 french fries,3 coke floats,3 burger steak,3 burgers at 3 mango pies! Gosh!mauubos bah namin toh! "Mauubos bah natin toh?"tanong ko sa kanila. "Tignan natin"sagot ni Leo. Napalunok ako sa laway KO. Siguradong mabubusog kami ngayon! Nagsimula na kaming kumain dito. Hmm! Yummy!^_^

***************************************************
Hi guys sorry sa late UD! Busy kasi tapos tinatamad ako magtype!hahahahaha
kateloveagnes KatDeLeon I dedicate this to you
I hope you like this chapter vote and comment below if you like this chapter:)
Sorry po sa type errors and grammars!
Till next UD ulit:)........

#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 1(UNDER REVISING)Where stories live. Discover now