SiLi (One Shot)

43.3K 833 232
                                    

Papasok pa lang sya ng kanilang tahanan ay hindi na agad maipinta ang mukha nya. Buhat kasi sa labas ay rinig na rinig na nya ang halakhakan ng mga kaibigan ng Kuya nya sa loob ng bahay nila. At tulad nga ng kanyang inaasahan, pagpasok nya sa loob ay ang mukha ng taong hindi nya gustong makita ang nabungaran nya.

"Hi Pepper!"

Yan ang bungad na bati ng mga kaibigan ng Kuya Jared nya sa kanya. Nginitian nya lang ang mga ito bago patuloy na naglakad paakyat. Hindi pa sya nakaka-isang hakbang sa hagdanan nila ay narinig nya ang boses ng panira ng araw nya.

"Pssst SiLi!"

Napahinto sya mula sa pag-akyat bago nagbilang ng sampu para pigilan ang inis nya. Kung hindi nya kasi gagawin yun eh baka makasapak pa sya ng wala sa oras. Nang makatapos magbilang ay nagsimula na ulit sya humakbang ng marinig na naman nya na tinawag sya nito.

"Pepper! SiLi!"

Nilingon nya ito ng may masamang tingin ngunit sa halip na matakot ito sa kanya ay nginitian lang sya nito. Malalaki ang hakbang at patakbo na lang syang nagpunta sa kwarto nya.

"Kakainis! Kakainis ka talaga Clint! I hate you so much!"

Kailan ba sya unang tinawag ni Clint ng ganun? Ah simula pa lang ng makilala sya nito yun na ang itinawag sa kanya nito. Noong una okay lang kasi akala nya trip lang nito tagalugin ang pangalan nya pero sa huli nalaman nya na hindi naman pala ganun. May ibig sabihin daw yun. Ano yun, labuyo? Kung hindi lang talaga may curfew sya sa bahay ay saka lang sya uuwi ng bahay nila pag nakaalis na ang mga ito. Kundi ba naman, ginawa ng araw-araw na tambayan nito ang bahay nila. Sabagay kahit naman ndi ito tumambay sa kanila magkikita pa rin sila. Bakit hindi eh katapat lang ng bahay nila ang bahay ng mga ito.

****

Ilang araw na syang naka-ngiti. Paano hindi na nya nakikita tumatambay sa kanila si Clint, kahit makasalubong sa labas ay ndi nangyayari. Kung ano mang nangyari dito ay wala sya pakialam. Basta ang mahalaga masaya sya.

SiLi (One Shot)Where stories live. Discover now