"Naku! Anong gagawin ko? What should I give her?"

"Bahala ka dyan. Magplano ka na. Bye!"

Agad ko ng binaba ang telepono. Ano ba naman tong si Patricia  sa Friday na ang birthday ni Lance wala parin siyang kaalam alam? Asan ang getting to know dun? Agad nalang akong nagbihis para hindi malate sa trabaho at umalis na kame ni Natalie.

Nagtatrabaho kame ni Natalie sa isang sikat na clothing company, Francesa. Kahit assistant palang ako ngayon, naeenjoy ko naman kahit papano dahil alam ko balang araw makakacontribute din ako ng designs ko sa kanila. As usual abalang abala nanaman ako sa araw na to at nag overtime para matapos ang lahat ng kailangan sa susunod na launching ng bagong fashion collection.

"Girl, may sundo ka ba ngayon o sabay tayong uuwi?" tanong sakin ni Natalie. Gusto ko na sanang umuwi at kalimutan ang meron sa araw na to pero alam kong hindi rin ako makakatulog nito.

"Hindi na girl. Susunduin ako ni Jess. Mag date daw kame. "

Si Jess ang girlfriend ko ngayon. Thankful ako dahil dumating siya sa buhay ko at tanggap niya kung ano lang ang meron ako ngayon. Dahil ung mga babaeng may gusto sakin noon nung umalis ako kila Dad ay parang nagsi alisan din sila sa buhay ko. Mukhang pera lang ata ang habol nila sakin. Dahil kahit yung babaeng nagconfess ako nung birthday ni Dad, nung gabe din na yun ay sinabe niyang wala siyang gusto sakin. Sa tagal ng panahon hindi na ko nagmahal ulit. Kaya halos araw araw nalang ako nag wala sa bar noon at kung sino sino ang nakikilala ko. Iba ibang gabe, iba ibang babae rin ang kahalikan ko. Pero nung makilala ko si Jess, nag-iba lahat. Dahil tinanggap niya ako ng buong buo sa kung sino at ano ako.

Pagbaba ko ng building ay nakita ko na ang sasakyan ni Jess at agad akong sumakay.

"Hi Love. You look tired. Saan mo gusto mag dinner?"

"Ikaw na bahala Love. "

Dumeretso na kame sa restaurant nila. Pamilya niya ang may-ari ng mga fine dining restaurant dito sa Pilipinas. Siya ang nagmamanage ng branch dito sa Makati. Pagpasok namin ay nakahanda na ang table at mga pagkain namin. Wala akong ganang mangulit at makipagdaldalan ngayon dahil naaalala ko lang si Dad sa araw na to. Kaya nakikinig nalang ako sa mga kwento ni Jess. 

"Love, aalis nga pala ako sa Friday. Pupunta akong Paris."

"Paris?!"    at talagang Paris pa talaga? Kailangan ba talagang ipaalala sa araw na to?

"Oo. Biglaan lang. Hindi kasi pwede si Mommy kaya ako ang pinapunta para bisitahin yung iba naming investors doon."

"Ikaw lang?!"     

"Yes. Babalik din naman ako kagad."   Wow lang! At wala pa atang balak na isama ako. Hindi naman sa may balak ako pero pwede naman yung kahit magkunwari lang siya na yayain ako na sumama or sabihin lang na sana makasama ako. Paris kaya yun! City of Love! Diba gugustuhin mong makasama ang taong mahal mo dun? Romantic place. At isa pa, alam naman niyang pangarap kong makapunta sa Paris! Naudlot pa yung dapat kong pag punta noon.

"Ah ganun ba. Sige ingat ka dun. Pasalubong nalang ah? Thanks sa dinner. I have to go."

"Ha? Hahatid na kita. "

"No. Wag na. Kaya ko naman. MAG-ISA!"

Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon niya at agad umalis para sumakay ng taxi. Bakit ba lahat nalang ng bagay nagpapaalala sakin ng nakaraan? Hindi ko napigilan maiyak sa inis kay Jess, sa lungkot na magiging mag-isa nanaman ako, at sa sakit ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi ko pa makalimutan.

Buong linggo ay nagpakabusy nalang ako sa trabaho at tinutulungan si Patricia sa paghanda ng surprise niya sa birthday ni Lance. Naghanda na ko para umalis ng bahay ng tumatawag si Jess. Buong linggo ko siyang iniwasan dahil naiinis parin ako sa kanya. Kaya binaba ko nalang ang tawag niya at tinext siyang mag enjoy. Bahala siya sa buhay niya.

Sabay na kame ni Natalie na pumunta at ang dame na ngang tao. Successful ang plan ni Patricia dahil lahat pati mga kaibigan namin nung college ni Jam at Lance ay nandito. Pati ang mga barkada nila ni Cole nung highschool ay nandito din. Nakakaexcite lang pero mas naeexcite akong makasama si Jose Cuervo buong gabe dahil magpapakalasing ako sa pagiwan sakin mag-isa ni Jess habang nageenjoy siya sa Paris!

Nagsimula na kameng magtago lahat at parang tanga lang si Lance na halatang walang kaalam-alam dahil nakalimutan nanaman niyang birthday pala niya. Wala talagang pakealam sa buhay tong babaeng to. Walang kahirap hirap isurpise. Nakakasayang sa effort. Nagawa na ni Pat lahat ng plano niya at tuwang tuwa si Lance. Nakakairita lang silang tingnan dahil feeling ko lahat ng langgam sa mundo ay nandito sa kanila ngayon dahil sa kasweetan nila! Mas lalo ko tuloy nararamdaman na mag-isa ko! Kainis kasing Jess yun! Tama bang iwan ako?! Agad ko ng sinimulan na puntahan ang aking date ngayong gabi.

"Jose Cuervo, you're all mine tonight! "

"Hoy lasinggera!  Uubusin mo nanaman yang tequila shots diyan! Baka magpakawild ka nanaman ngayong gabi ah at makalimutan mong may girlfriend ka!"  sabe ni Jam

"Bakit ba? Yaan mo nga siya! Nakalimutan din naman niyang girlfriend ang dapat kasama sa Paris!"

"Wooo! And the bitterness strikes again! Sige magdate na kayo ni Jose Cuervo! Enjoy!" at umalis na si Jam habang sinisimulan ko na ang shots ko. 

Habang nagkkwentuhan kame ay nakita ko na may babaeng paparating. Nakakadistract ang ganda niya. Parang nawawala ang tama ni Jose Cuervo sakin. Nakangiti siya saming lahat, pati sakin at napangiti nalang din ako sa kanya.

Paglapit niya, tinakpan niya ang mga mata ni Lance.

"Hey... Happy Birthday!"

Natatawa kameng lahat dahil si Patricia parang umuusok na ang ilong sa galit at parang nakakamamatay ang mga tingin niya. Eto namang si Lance at si distracting beauty nagtawagan pa ng "babe" kaya ayan si Patricia parang mababasag na ang hawak hawak na baso.

Pagka alis ni Lance at Patricia ay naiwan samin si distracting beauty. Nakakadistract naman kasi talaga ung ganda niya. Masyado siyang palangiti habang nakikipagkwentuhan kila Jam. Hindi ata marunong tumawa ng malakas to o kaya kahit madapa ata hindi pa niya naexperience masyado siya mahinhin. Masyadong ingat na ingat sa mga kilos niya. Masyadong babae. At masyado ko na ata siyang inoobserbahan dahil di ko namalayan na andito na pala sila sa harap ko ni Jam. Ayan nanaman yung mga ngiti niya na parang hindi nawawala sa mukha niya. Emoticon ata tong babaeng to at pwede maging smiley face.

"Hoy Lara, friend pala namin ni Lance. I want you to meet Alex."

-------------------------------------------------------

AN: Ayan na ang pinakahihintay niyong lahat! Ang plano ko talaga ay tapusin muna ang Frozen Heart bago simulan to. Pero dahil sa makukulit kayo... at nakakatouch naman ang mga comments niyo sa excitement niyo sa My Only Choice at sa LAREX loveteam eto na po ang chapter 1. Anyway, Lara's pic on the side.

Thank you for the never ending support zombies! Happy Long weekend!

This chapter is dedicated to the President of Larex Fans Club @hefty05 . Dahil siya po ang pasimuno ng Larex tandem at siya rin ang walang sawang nangungulit for Larex moments, Larex book, at update sa My Only Choice. Kaya eto na kambal!

Next chapter will be Alex POV from @yoomee. 

My Only ChoiceWhere stories live. Discover now