"Sweetheart, the party's about to... What the hell is going on here LARA ELAINE SEBASTIAN?!"

I was slapped back to reality ng makita ko ang Dad ko with the most terrifying look in his face. I've never seen him mad dahil kahit minsan hindi siya nagalit sakin and never did he use my whole name to call my attention. His right hand was shaking while holding a glass. Ano bang gagawin ko?

"Dad..."

"Tell me this is not true Lara! "

"Dad. I'm sorry but this is me. "

"You're my daughter at alam kong hindi ka ganyan! Ayusin mo ang sarili mo Lara! "

"Dad, please accept me. Pinilit ko noon pero ganto talaga ko. I can't help it."

"I won't accept a daughter like you. And damn right you need help! Ipapatapon kita sa America, lahat ng therapy na kakailanganin mo para mawala yang kabaliwan na nasa utak mo ngayon ipapahanda ko! You will not come back here hanggat hindi ka magaling!"

"This is not a disease that can be cured Dad, please listen to me."

"I won't listen to you anymore. It's either you take the therapy or forget that I am your father! Dahil wala akong anak na katulad mo."

And he just walked out saying those last words. Ngayon ko lang siya nakitang ganun at ngayon ko lang narinig ang galit niya. I don't know what to do, I can't go to America dahil kahit ano pang gawin nila ganto talaga ko. And to leave all these behind me, kakayanin ko kaya? 

"I'm sorry Dad. Happy birthday."

"Lara! Hoy! "

"Aray!" Naramdaman ko nalang ang tigas ng sahig sa likod ko. Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Natalie na nakapamewang.

"Ano bang problema mo? Tama bang ilaglag mo ko sa kama?"

"Eh para kang baliw diyan! Kanina pa ko nagsasalita dito para kang baliw kakatingin diyan sa kalendaryo at bumubulong ka mag-isa. Maligo ka na at malelate na tayo sa trabaho."

August 25, 2011. That was the last time I saw my Dad. The last birthday I was with him. The last time I was able to talk to him. Now,  August 25, 2013. I was staring at the calendar greeting him through my whisper. Wala na kong nakausap kahit sino mula sa family ko after that night. Nakakabalita nalang ako tungkol sa kanila through the newspaper, internet, at TV. Hindi narin ako nagbalak pang bumalik dahil alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi parin nila ko matatanggap. Natutuo akong mabuhay mag-isa. Malayong malayo sa buhay na nakasanayan ko noon. Natuto akong maglinis, maglaba, magluto, magcommute, at magbudget ng pera dahil wala akong ibang inaasahan kundi ang sarili ko. Si Natalie, ka-work ko siya at dahil pareho kameng nagtitipid, nagshare nalang kame sa bahay. Buti nalang at magkasundo kame dahil pareho kame ng trip sa buhay. Pero siya ang gusto niya boys ako hindi. Isang beses lang naman bumaluktot si Natalie eh, kay Lance pero nagkamali siyang mainlove sa isang pusong nanlamig sa panahon. Buti nalang at natutunaw na to ni Patricia ngayon. And speaking of Lance and Patricia...

CALLING PATRICIA.... 

"Hello? Napatawag ka?"

"Hey! tatanong lang sana kita. may naisip ka na bang gift kay Lance?"

"Gift? Bakit anong meron?"

"Naku ka! Birthday ni Lance sa Friday, hindi mo alam?"

Ha? Oh my gosh! Lara bakit ngayon mo lang sinabe?

"Malay ko ba. Dapat alam mo yan. Anong balak mo?"

My Only ChoiceWhere stories live. Discover now