Every quarter of the year ay umuuwi ako ng Pilipinas para sa Branch ng Delvo Industries sa bansa. Isang Pilipina ang mommy ko at isang Spanish American ang Daddy ko.

Isang Alpha king ang aking ama samantalang ang aking ina ay anak ng isang Alpha  mula sa maliit na Kawan ng mga lobo sa Pilipinas.

Kahit nasa magkabilang panig sila ng mundo ang mga lobo nila ang nagturo sa kanila sa isat isa. Kaya naging madali sa kanila ang lahat hindi tulad ko. Nawawalan na ako ng pagasa na makita ko pa ang babaing nakatakda para sa akin.

Second quarter of the year  excited na akong makauwi ng Pilipinas. Hindi para makita ang bayang pinagmulan ng aking mahal na ina kundi para makita ang isang babae.

Yes isang babae ang dahilan kung bakit gustong gusto kong pumunta sa branch na yun ng kompanya ko.

Alam kong hindi dapat... Alam kong mali kasi may babaing itinakda sa akin ang moon goddess. Pero hindi ko kayang paglabanan ang damdamin ko na hindi makaramdam ng attraction sa babaing ito.

Empleyada sya ng Delvo nakilala ko sya ng minsang isinama ako ni Daddy sa Pilipinas para ifamiliarize ako sa ibat ubang Branch ng kompanya dahil malapit nya ng ilipat sa akin ang pamamahala ng komopanya.

Magisa akong nagikot ikot sa building ng Delvo sa  habang nasa board meeting si dad, ng mapadaan ako sa floor ng Accounting department.

At doon ko nakita ang isang babae na nagpatibok ng malakas sa dibdib ko pakiramdam ko tumigil sa pagikot ang mundo.

Nasa loob sya sa isang cubicle at balang abala sa mga paper works na ginagawa nya.

Ni hindi nya napansin na pinagmamasdan ko sya mula sa malayo.

Shes a human yun ang sinasabi ng amoy nya.

Alam ko kung gaano kalakas ang dating ko sa mga babae i can bring a woman ti bed without even saying a word. At alam kong kayang kaya ko syang makuha...kapag nakalapit ako sa kanya alam kong magiging akin sya oras na gustohin ko isa yun sa mga kapangyarihan ko kaya kong ipasailalim sa kapangyarihan ko ang isang tao o supernatural at mapasunod sa gusto ko gamit ang isip ko, pero hindi ko ginawa sa halip nakuntento na lang ako na pagmasdan sya mula sa malayo.

At mula ng araw na yun ay lagi akong umuuwi ng Pilipinas kapag gusto ko syang makita i even stalk her through social media na hindi naman talaga ako gumagamit dati. Nakuntento ako na mahalin sya mula sa malayo yes mahal ko sya pero alam kong hindi pwede dahil may babaing nakatakda para sa akin ang mate ko.

At ngayon nga naririto uli ako sa Pilipinas hindi bilang anak ng CEO kundi ang CEO mismo, ibinigay na sa akin ni dad ang pamamahala ng Delvo Industries.

Bukas pa dapat ako pupunta rito pero excited na akong makita sya kaya walang nakakaalam na nasa pilipinas na ako kahit ang mga mga member ng board ng branch dito.

Pagkababang pagkababa ko ng Eroplano ay dumeretso ako ng Delvo building, wala pang nakakakilala sa akin dito maliban sa mga nasa matataas na posisyon kaya walang nag abalang tapunan ako ng pansin mula sa mga ordinaryong empleyado.

Maliban syempre doon sa mga kauri ko na nakakaalam kung sino ako. Pero kinausap ko na sila mula sa mind link na wag akong pansinin at magkunwaring hindi nila ako kilalala.

At yun nga ang ginawa nila.

Dumeretso ako sa Floor kung nasaan sya at hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ko ang boses nya mula sa loob ng isang opisina, may kausap syang isang lalaki. Galit na galit sya at dinig na dinig ko ang pinaguusapan nila gamit ang malakasmna pandinig ng isang lobo. Nasasaktan sya ramdam ko yun. Boy friend nya ang lalaki at niloko sya nito. Gusto kong patayin ang lalaki... Galit na galit ako, lalo na nga marinig ko ang pagiyak nya mula sa loob ng opisina nya.

Ibayong pagpipigil sa sarili ang kinailangan ko para hindi ako lumapit sa kanya at alohin sya mula sa pag iyak at lalong matinding pagpipigil sa sarili ang kinailangan ko para hindi mapatay ang lalaking nanakit sa kanya.

Buong araw ko syang binantayan mula sa opisina ko gamit ang CCTV at matalas na pakiramdam ko.

Ng makita kong magpafile ng resignation ay agad ko iyong ipinaharang. Hindi ako makapapayag na mawala sya sa Kompanya ko, dito ko na nga lang sya malayang napagmamasdan, kapag umalis sya dito hindi ko na alam kong makagagawa pa ba ako ng paraan para makita sya.

Mabuti na lang at nakumbinsi sya ng isa sa mga managers ko na manatili sa Delvo.

Buong maghapon syang nagtrabaho, ni hindi nya naiispang kumain, kaya pinadalhan ko sya ng pagkain na ni hindi nya man lang pinansin.

Past midnight na hindi pa sya tumitigil sa pagtatrabaho gustong gusto ko na syang puntahan at patigilin pero hindi ako pweding lumapit sa kanya kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Ala una na ng tumayo sya, alam kong uuwi na sya bigla akong kinabahan nagkalat ang nga rogue vampire at wolf sa paligid baka mapahamak sya.

Gamit ang ang aking wolf speed mabilis akong sumakay sa elevator kung saan sya sasakay at ng tumapat iyon sa floor ng opisina nya tumigil nga ito at nagkatitigan kami, she owns the most beautiful eyes i ever seen.

"Come here" sabi ko.

The moment na nagkalapit kami ay hindi ko na nagawang kontrolin ang sarili ko. Her smell is so divine, para itong druga na nanonoot sa sistema ko at lumalason sa utak ko at nagpapawala sa katinuan ko.

"I been waiting for you all my life." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Agad ko syang ikinukong sa mga bisig ko and i inhale her scents, isiksik ko ang mukha ko sa leeg nya at kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ako nagtagumpay, bahala na haharapin ko na lang kung anoman ang kaparusahang naghihintay sa akin sa gagawin kong pagsuway sa kalooban ng moon goddess.

Unti unting lumabas ang mga pangil ko at ibinaon ko iyon sa balikat nya, para markahan sya at ariing akin....

At ng mainom ko ang kanyang dugo doon biglang nagising ang wolf ko...

Magkasabay kaming napaungol.

"MATE!!!"



/AN/ Comment please i really need it for this story dagdag insperasyon lang para magawa ko to....salamat.///

THE POSSESSIVE KINGWhere stories live. Discover now