My Prince Suplado (One Shot)

4K 95 26
                                    

Riiiiiiiiiiiiiingggggggggg! Riiiiiiiiiiiiiiiiinggggggggg!

Flag ceremony na! Hay. Eto nanaman. Sunog nanaman kami dahil sa tindi ng araw. Pero sa bagay, vitamin D naman yun. Okay. Okay lang. Kaso iitim ako. Wow arte. -.-

Pababa na sana ako nang may nakasalubong ako. Eto nanaman, ang hari ng suplado. Eh pano naman kasi halos araw-araw binabati ko siya, tas alam mo reply niya? Oo tama ka. WALA. As in wala. Kaya tawag ko jan MY PRINCE SUPLADO eh.

Oo, crush ko siya. Weird ko noh? Since first day crush ko na siya. Ewan ko, pero I think mabait siya. Well, nagkamali ako. SUPLADO pala ito. -___- Okay lang, crush ko pa rin. Hahaha! Edi ako na weird.

Tapos bumalik ako ulit sa classroom, pinauna ko na yung barkada ko. Nakita ko siya nakaupo lang sa usual chair niya at nakatitig sa cellphone niya. Ano to? Walang narinig na bell? Bingi lang?

"Uy. Jake! Hindi ka bababa?" Sabi ko naman. Tapos ano, di nanaman ako papansinin. Pssh. -_-

Tumingin siya sakin ng 10 seconds, oo bilang ko yun, at bumalik na ulit sa kakalikot ng cellphone niya. Ano to? Walang narinig o nananadya lang talaga? ANO BA JAKE. Muntanga lang eh.

Pero kahit ganun, gwapo pa rin siya. Landi ko amp. Hahaha! Hinayaan ko nalang siya at bumaba na ko. Bahala nga siya. Bingi yata eto.

Nung palagitnaan na ng Lupang Hinirang, naglakad papunta sa linya namin c Jake, pasiga siga pa kamo. Ano trip neto? -________- Hindi ba dapat magstop na muna siya and respect the Philippine anthem? Sira naba tornilyo nito sa ulo?

Tapos na ang Lupang Hinirang at dun lang siya nagstop. Wow. Naka baliktad yata utak neto. Bukod sa suplado, siga pa, tapos sira pa ang ulo. Hay nako. Pero wala, crush ko parin siya. ♡

"May nagde-daydream nanaman dito." Asar ng best friend ko, si Casey.

"H-hindi ah."

"Hindi daw? Sus. Si Prince Suplado mo nanaman yan noh?"

"Fine! Oo siya. Eh pake mo naman." Sabay tawa ko. "Joke lang."

"Whatever."

Tawa parin ako ng tawa hanggang napansin kong nakatitig pala sakin c Jake. Tumingin ako sakanya at ngumiti ako, nag looked away lang siya. NAPAKASUPLADO MO TALAGA! Pero bat siya nakatitig sakin? Oh my gahddd. Wow, assuming ko naman. -__________-

Tapos ayun, mage-exercise na. Yung tugtog Love You Like A Love Song ni Selena Gomez. Hala, todo sayaw naman ako. Ganda kasi ng kanta eh. Bakit ba. :D

"Tignan mo tong c Prince Suplado ko.. walang kaenergy-energy." Bulong ko.

Tapos tumingin ulit siya sakin. Nag-smile ako. Hala sige, ang suplado mo talaga! Kaasar! Smile ka naman kahit onti lang! Smile smile din pag may time. Hayyy. Pero don't worry, crush pa rin kita. :)

My Prince Suplado (One Shot)On viuen les histories. Descobreix ara