Part 24: dreamed

3.4K 110 1
                                    

Mabilis na dumating sa aking harapan ang puting Genesis ni Kaden. Binaba niya ang bintana sa front seat kaya ay naaninag ko ang kanyang gwapong mukha. He smiled at me and gave me a wink. Parang hinambalos naman ang puso ko dahil bumilis ang pagtibok nito.

Pumasok na ako sa loob ng front seat. I was caught off guard when Kaden grabbed my arm and he made me face him. Mapupungay ang mga mata niya at diretso ang mga ito sa aking labi. He even licked his lips when he was intensely looking at my lips. Parang gusto niya itong halikan kaya dumaloy agad ang pang iinit sa aking pisngi.

"I so wanted to kiss you..." Aniya halos pabulong na. Parang sasabog na bulkan na ang pisngi ko sa sobrang init nito. Nanunuyo ang lalamunan ko, hindi ako makapagsalita.

But when he lean closer to me, parang gusto ko na lang magilitan ng hininga. His lips finally touched mine. May isang parte sa akin na gustong magprotesta dahil maraming tao sa labas at nasa loob lamang kami ng kotse, pero ng maalala ko kung gaano ka tinted ang kanyang Genesis ay nagpatianod na ako sa kanyang halik. I thought it would be steamy but i was wrong, it was just a peck and i thank the heavens that it was just like that. Dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung mas lalalim pa ang halik na iyon.

"Hmmm... My morning kiss... Kanina ko pa gusto kunin yun eh, sa breakfast pa lang." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakangisi siya ngayon at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.

Magkahawak kami ng kamay buong byahe. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta pero pinagwalang bahala ko na lang iyon, basta kasama ko siya. After almost 3 hours, dumating na din kami sa isang maliit na rest house.

Kubo ito at puros kahoy ang dingding. Bumaba ako sa kotse at inalalayan ako ni Kaden. Buhangin ang sahig kaya sobrang nahirapan ako dahil naka wedge pa ako ngayon. Amoy ko na ang simoy ng hangin na mula sa dagat. I decided to take off my sandals and walk barefoot. Ang aking yellow dress ay sumasabay rin sa agos ng hangin, maging ang aking buhok.

"Hindi ako nagdala ng pang swimming." Wala sa sarili kong sambit. Ngumiti lang si Kaden sa akin at inangat ang bag na dala niya.

"Just like i thought... That's why i brought some." So... Thats what the bag is for!

Naglalakad kami papunta sa dalampasigan. Ang akala ko pa naman ay papasok kami doon sa kubo na rest house pero hindi pala. Dumiretso kami doon sa lalaking nag aabang sa bangka. Kinuha ng lalaki ang bag na dala ni Kaden at inalalayan ako para sumampa sa bangka. Ganoon na din ang ginawa ni Kaden. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Mag i-island hopping ba kami? O mamamangka?

Mabilis ang takbo ng bangka. Inakbayan ako ni Kaden habang malayo ang tingin namin sa parang walang hangganan na dagat sa harapan namin. Ang puso ko ay parang malumanay na tumitibok na parang sinasabing nasa tamang kamay siya. Na katabi niya ang taong nagmamay-ari sa kanya. Malumanay pero may bigat.

May naaninag akong isang maliit na yacht, kung hindi ako nagkakamali ay doon patungo ang bangka na sinasakyan namin. Napalingon ako kay Kaden. Seriously? A yacht? Ngumiti lang siya sa akin at inilapit ang braso niya sa kanya para mailapit din ako. Nakaakbay siya kaya ay mabilis nagdikit ang katawan namin. Hinalikan niya ako sa gilid ng aking noo. So this is his plan for his birthday... Taking me to a yacht?! It's not my fucking birthday! It's his!

Nang makalapit na kami sa Yate ay huminto na ang bangka namin.

"Sir, hanggang dito na lang po ako." Ani ng lalaking nagmaneho ng bangka. Tumango lang si Kaden sa kanya.

"Salamat Bobby. Balikan mo na lang kami dito."

Inalalayan na ako ni Kaden para sumakay sa Yate. The yacht is not that big, it's like... It's just perfect for two pax! Kami lang dalawa sa isang Yate! Shit!

My Brother And I (COMPLETE)Where stories live. Discover now