Part 15: deserve

3.7K 107 0
                                    

Pagka balik ko ay nawala na ang upuan ko kanina. Katabi na kasi ni Yuriko iyong kapatid ni Mike. Tinawag ako ni Gia at sinabing umupo ako sa tabi niya. Right! Sa bakanteng upuan na nilaan niya sa akin ay katabi noon si Mike. Umupo na lang ako doon at pinagkibit balikat ang lahat.

"You're so cute with the flower on your ear." Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi ni Mike. Hinaplos ko ang bulaklak sa tenga ko na di ko na napansin na naroon pala at nagpasalamat kay Mike.

Dumating ang Lola nila Perri at umupo doon sa gitna ng table. Inatasan niya kaming magdasal kasama niya bago kumain. Matapos ang pagdadasal ay umingay muli ang paligid dahil sa kwentuhan at nag umpisa ng kumain. Sa gilid ko ay tanaw ko pa rin si Kaden na ngayon ay nilagyan pa ng pagkain ang pinggan ng katabi niya.

Nagulat ako ng ganoon din pala ang ginagawa ni Mike sa akin. Nilagyan niya ng ulam ang aking pinggan. Nagpasalamat ako sa kanya. Nahihiya akong pagsilbihan ng kahit na sino. Lalo na si Mike. Bahay nila ito at dapat hindi siya ganoon.

"Masarap magluto ang mga katulong namin. Kaya tingnan mo ang laki laki ko." Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi mawari ang ibig niyang sabihin na malaki siya. Hindi naman siya mataba... Siguro ang tinutukoy niya ay ang height niya. Matangkad kasi si Mike.

"Masarap nga. Siguro kung dito lang ako nakatira ay lalaki rin ako." Sabi ko. Humagalpak ng tawa si Mike at ganoon na rin ako. Ano ba kasi itong pinag uusapan namin.

Sa harapan ko ay naroon si Kuya Dealan at Remma. Nagulat pa ako ng katabi ni Remma si Ate Angel. Mukhang nasa mood naman si Ate at abala lang sa pagkain.

"Cady, diba malapit na ang Debut mo? You'll have a party ,right?" Tanong ni Gia. Halos lahat ng naroon sa lamesa ay napatingin sa akin. Ang lakas kasi ng boses ng pinsan ko.

"H-hindi ko pa alam eh. Hindi pa nababanggit ni Mommy?" Nauutal kong sambit. Dahil doon ay di na nawala sa isip ko ang nalalapit kong birthday. Tuwing may birthday ako ay may party talaga sa bahay. Pero hindi ko pa alam kung ngayong birthday ko ay magkakaroon ako ng party.

"Mommy already planned for it. Sa isang hotel yata gaganapin iyon." Narinig kong sambit ni Kuya Kieran. Hindi ako makapaniwalang maaga pa lang ay nagpplano na pala si Mommy.

"I-im kinda thinking about it though. I want to visit Brazil when i turned 18." Nahihiya kong sambit. It's the truth. Matagal ko ng gustong pumunta sa bansa kung saan ako nakita ni Daddy. Sa bansa kung saan ako pinanganak. Gusto ko iyong i request kay Mommy kung sakaling magtanong siya kung anong plano ko sa birthday ko. Pero mukhang malabo na iyong mangyari dahil nagp-plano na pala siya ng party.

"Why?" Tanong ni Gia sa akin. Ang matalim na tingin ni Kaden sa gilid ko ay para akong tinutusok.

"Wala lang. I just want to travel alone, now that i'm legally enough to do so."

"Why Brazil Cady?" Matigas at medyo galit na tanong ni Kaden. Ayaw ko siyang sagutin dahil sa mga pang ddeadma na ginawa niya sa akin simula pa kaninang umaga. Pero ang mga mata niya ay parang nanlilisik at hinihintay ang sagot ko.

Magsasalita na sana ako ng magsalita si Yuriko. "She is a Brazilian. Of course she want to visit the place where she came from, right?" May kirot sa puso ko ng sabihin iyon ni Yuriko. He was right. I came from somewhere else. I'm not from here. I don't think i even belong here.

"You're pure Brazilian?" Bulong ni Mike sa akin. Dahan dahan akong tumango. Pumikit ako para mawala ng sakit na nararamdaman ko sa loob loob ng dibdib ko.

"I love Brazil. I was there last year." Nang magsalita iyong Yra na pinsan ni Mike ay nabaling sa kanya ang atensyon. Laking pasasalamat ko dahil doon.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon