Chapter 3: M! Countdown

1 1 0
                                    


Lorraine

Asan na ba si Nikki. Masyado akong naexcite di ko man lang nalaman kung saang lugar yung hospital at saan ako titira dito.

Tiningnan ko sa log ng phone ko yung new contact kay Nikki at agad ko siya tinawagan.

The number you have dialed is cannot be reach, please try your call later

Inulit ulit ko siyang tawagan peri di ko siya mareach.

What the heck. Anong gagawin ko dito sa airport ng korea?

Naglibot libot na lang ako so airport tsaka ako nakakita ng magazine.

"Welcome to Korea" ang title ng magazine. Baka sakaling may makita ako dito.

Kring kring

Tumunog yung phone ko. Si Nikki!

"Hello Nikki." Sinabi ko nang pagsagot ko sa phone ko.

Sobrang ingay ng background ni Nikki. Hirap akong maintindihan siya. " Bes - nandi- ko- M - down - malap- a -"

Tutututut

Biglang bumaba yung tawag. Tinawagan ko ulit si Nikki nang paulit-ulit pero di na mareach si Nikki. Nasan ba siya. Baka may naintindihan ako sa sinabi niya (sarcastic). Inalala ko yung usapan namin. M, yun lang naalala ko. Feeling ko may kasunod pa yun or baka inispell niya lang? Grabe na to ahh. Mababaliw na ako nang tuluyan.

Umupo na lang ako sa airport. Kesa pa lumabas ako sa airport at manghula ng pupuntahan. Uupo na lang ako. Sa pagupo ko nahulog ko yung magazine na binili ko. Baka makatulong to.

Ang mga nakalagay sa loob. Restaurants, Club, Museum,.. at marami pang iba.

Magbabakasakali na ako maghahanap ako ng may letter M. Binuklat ko lahat at halos lahat ng lugar may M.

Main street, Malausia resto, Hanjing Mall, Fisher Mall, lahat ng may mall. Isa lang yung nagstruct saken yun yung M! Countdown. Baka eto na yung sinasabi ni Nikki. Meron ng nakalagay na transportation how to get there at kung magkano payment sa mga transportation.

Okay, Lorraine tiwala lang. Di naman ako maliligaw may transportation and directions naman na. Ayaw kong magtanong kase eh baka maloko ako. Okay kaya ko to.

***

Nakarating na ako sa M! Countdown. Grabe ang daming tao sa labas. Puro mga koreano ang mga nasa labas at karamihan may mga lightsticks, banner na nakasulat shinee, infinite, bts, cnblue, red velvet, at marami pang iba. Iba't iba nakalagay sa banner.

Ano ba tong pinuntahan ko?

Agad akong tumungo sa guard. May nakasalubong akong girl na nagmamadali at kinausap niya yung guard at nung pagharap niya saken bigla siyang napaiyak. Ano kayang nangyari? Bakit di siya pinapasok?

Umatras muna ako baka kase di rin ako papasukin. Sa pagatras ko, nakita ko may mga grupo ng tao na naglalakad papunta doon sa likod. Agad akong pumunta sa likod ng building. May guard na nakabantay bago makapunta sa likod ng building pero di ako pinigilan. Hinead to toe lang ako tsaka ngumiti. Creepy.

Agad akong tumakbo pagkalagpas ko sa guard, pumunta ako roon sa likod ng naglalakad na grupo ng babae na nakaitim. Ang gaganda nila, makikinis, maputi at puro may kulay buhok nila. Wait naka itim din ako, agad kong tinanggal yung lab gown ko at isinabit sa braso ko. Dumikit ako sa kanila nang hindi nila namamalayan. Naglakad kami papunta sa loob ng building at nakalagpas sa guard. Ang talino ko! Isinuot ko na agad yung lab gown at humiwalay sa mga babae.

Buti naman nakapasok na ako sa building ng walang kahirap hirap.

Pumunta ako dun sa mga maraming tao. May stage nga sa harapan eh at sobrang lakas ng ilaw. May mga camera na paikot ikot habang may sumasayaw at kumakanta na grupo. May mga smoke and fire effects pa nga. Yung mga kasama kong tao naghihiyawan sobrang ingay. Tili sila ng tili at tumatalon pa. Ang gulo. Ang ingay. Wala akong maintindihan dahil nagsasapawan ang mga boses ng mga taong tumitili.

Ayaw ko na. Wala naman dito si Nikki.
Umalis ako sa crowd at syempre nahirapan ako bago makaalis kase nagitgit ako.

Huminga ako ng malalim. Iba yung nalabasan ko. Di ako galing dito. Napunta ako sa mahabang hallway na puti ang dingding at maraming pintuan sa gilid ng pintuan may nakalagay na mga pangalan. Ang liit ng mga nakasulat kaya di ko na binasa pa. Sa sobrang haba ng hallway, di ko alam kung saan ako pupunta. Basta Naglakad na lang ako. Matapos ang mahabang lakaran at walang patutunguhan. Di ko na kinaya.

Uuwi na ako. Ayaw ko na.

Pero wait ano to? Naiihi ako? Bladder naman eh wrong timing ka. Di ko nga alam tong lugar na to ngayon ka pa nagparamdam.

Pero hindi ko na talaga kayang pigilan. Naiihi na ako. Yung sasabog na pantog ko. Sobrang naiihi na ako na onting talon ko lang mags-splash na ihi ko.

Kaya ko to. Straight ahead lang Raine!

Di ko na kaya.

Ang haba naman ng hallway na to wala atang ending to. Mamatay na ako. Bladder I hate you!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Married My IdolWhere stories live. Discover now