Chapter 1

5 0 0
                                        



"Asher, bumangon kana!! Hindi ka anak mayaman para gumising ng tanghali!!" Sigaw ni mama.

Tumingin ako sa orasan sa tabi ko at nakitang 5:30 palang ng umaga.

Panibagong araw nanaman para sa paghihirap ko.

"Ano!? Hindi ka parin talaga babangon jan!? Talagang di ka na natuto ah!" Kasabay ng sigaw ni mama ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin.

Agad agad naman pumasok si mama sa kwarto at sinabunutan ako.

"Sabi ko bangon na diba!? Kilos!" Sigaw nya kasabay ng pagkaladkad nya sakin.

Masakit.

Pero sanay na ako.

Sanay na sanay na.

Pag siguro hindi ako sinabunutan ni mama ng isang umaga, maiiyak ako sa tuwa.

Kaso hindi eh.

Iniintindi ko nalang si mama. Kahit naman sinisigawan at sinasabunutan nya ako, alam kong mahal nya ako eh.

Ako nga pala si Asher Gaile Marquez. 13 years old. Nakatira sa isang maliit na bahay dito sa Tondo, Maynila kasama ang aking mama.

Nasaan ang aking papa? Wala akong alam. 8 years old ako, ng may kinasama si mama. Nung una, nagsasama sila ng maayos.
Pero di kalaunan, naghiwalay sila.
Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Pero ang tingin kong dahilan ng paghihiwalay nila ay ako..

Flashback

Dumating ang kinakasama ni mama na nakainom. Dun palang natakot na ako, kaya pumasok ako sa maliit naming kwarto.

Habang nanginginig ako sa takot, mariin kong pinapakinggan ang kanilang paguusap dahil ako'y natatakot na baka saktan nya si mama.

"Penge ako ng pangbili ko ng alak Melfina!" Sigaw ng kinakasama ni mama.

"Wala na akong pera. Pang ulam natin to bukas!" Sabi ni mama sa mahinahon na boses.

"Wala akong pakielam! Akin na yan!" Sigaw ulit ni Tito Joel, ang kinakasama ni mama.

"Sabing hindi nga pwede eh! Anong kakainin namin bukas ni Asher!?" Medyo tumaas na ang boses ni mama.

Kinabahan ako sa pag banggit ni mama ng pangalan ko. Hindi ko akalain na iniisip nya rin pala ako. Mahal ako ni mama! Mahal ako ni mama!

Halos maiyak ako sa tuwa ng mga oras na yun. Simula kasi pagkabata, hindi na talaga maganda ang trato sakin ni mama, kaya laking gulat ko sa kanyang sinabi!

Ngunit hindi ko pala dapat ika tuwa na binanggit ako ni mama.

"Anong pakielam ko sa Anak mong yan!? Kahit mamatay yan sa gutom, wala akong pakielam! Sya pa iniisip mo, kesa sakin!? Eh kung tutuusin sya nga ang dahilan kung bakit ganito buhay ko ngayon e! Kung wala yan, edi sana mamumuhay tayo ng masaya ngayon! Diba di mo naman ginusto yang anak mong yan!? Diba!? Patayin ko nalang kaya yan!? Ibaon natin sa likod ng bahay para walang makaalam!? Para tipid narin! Walang kabaong! Oh diba? Ano? Patayin nalang natin yan!" Sigaw ni Tito Joel na syang pinanghina ko. Ganun ba nila ako gustong mawala sa buhay nila? Pero mahal ako ni mama! Iniisip nya ako! Pero totoo rin kaya yung mga sinabi ni Tito Joel? Di ako ginustong anak ni mama?

"Lumayas ka nalang sa bahay na to, Joel. Nakikipag hiwalay na ako sayo." Sabi ni mama nang nakatulala.

"Hah! Talagang mas iniisip mo pa yang demonyong bata na yan kesa sakin na mahal mo!? Bahala ka! Wala ka rin naman kwenta! Magsama kayo ng anak mong demonyo! Mga walang kwenta!" Sigaw nya at saka umalis ng bahay.

Ang sakit. Ang sakit ng mga narinig ko. Pero masaya ako, kasi sa wakas, wala na si Tito Joel.

Wala nang manghihingi kay mama ng pera para sa bisyo.

Wala nang magwawala dito sa bahay.

Wala nang sigaw ng sigaw dito.

At higit sa lahat, wala nang hahalay sa akin.

Not So PerfectWhere stories live. Discover now