Umbrella

9 0 0
                                        

"Whenever i saw a couple sharing an umbrella, i really wanna spray them with water"

Bitter? Hindi naman.
Talagang ganito lang talaga ang nararamdaman ko tuwing nakakakita ako ng ganyan.

Pwede namang patilain ang ulan diba??

"Eh kung nagmamadali?"

Kung nagmamadali sila bat ang bagal bagal nilang maglakad aber?? Tapos may patitig titig pa silang nalalaman?? Ano?? Yun ba ang nagmamadali??

Hindi naman sa pinagbabawal kong gawin nila yun. Pero bakit?? Bakit kailangang magshare pa sila ng payong kung nababasa rin lang naman pala sila??

Minsan nga yung iba pa diyan magsasabuyan pa ng tubig ulan?? Oh eh anong silbi ng pa share share umbrella pang nalalaman?? Edi sana nag swimming nalang sila sa ulan. Tsk.

Gaya ngayon. Pano ko ba naman kasi maiiwasan ang isipin ang mga ideyang yan eh kitang kita ko ngayon ang kanina ay pinagsasabi ayyy- pinag iisip pala- kanina.

Tsk. Sumandal nalang ako sa may waiting shed at hinintay na tumila ang ulan. Kainis kasi yung si Queenie at princess yung Mga ka-officemate ko. Tinakas ba naman nila ang precious umbrella ko.
Mga babaeng yun. Ako pa tuloy ang nagdudusa dahil sa kanila.

Aish. Isa pa tong ulan na to eh. Mag gagabi na, ayaw pang tumila. Nu bayan, may balak ba tong mag overtime??.

Napagdesisyonan ko nalang lusungin ang ulan. Kahit mabasa na ako. Edi magpalit mamaya. Simple.

Lakad takbo ang ginawa ko habang nakalagay ang kamay ko sa ulo.
Nang naramdaman kong parang may sumasabay sakin at medyo humina or lets say nawala na ang patak ng ulan..
Huh?? Tumigil na ba??

Pagtaas ko ng tingin.
Nagulat ako ng masilayan ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaking matagal ko ng *ehem* gusto.

At yan ay walang iba kundi si Arven Chiu. Ang head namin sa finance department na pinagtatrabahuhan ko.

Bukod sa gwapo siya. Given na yun dahil choosy ako sa mga nagugustuhan kong mga boys. Sila rin ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko pero gusto niya daw magsimula sa mababang posisyon kaya dun muna siya. At yun ang hinahangaan ko sa kanya.

"Nu ka ba, basa na ako noh, alisin mo na yang payong mo. Tignan mo mababasa yang balikat mo oh" sabi ko sa kanya. Dahil wala naman akong balak na gayahin ang mga nakikita ko kanina.

"Okay lang, atleast hindi ka masyadong mababasa, baka mamaya magkasakit ka pa."
Waaah concern siya concern?? Parang gusto ko tuloy magpakabasa baka mamaya siya pa ang mag alaga sakin hihihi.. ang landi..

Mahabang katahimikan ang sumunod dahil wala akong masabi. Baka mamaya mahalata pa niyang may gusto ako sa kanya noh.

Magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Pag nagkasakit ka baka di ka pa makapasok sa trabaho mo bukas eh ikaw lang naman ang pinakamasipag na worker ata dun eh hahaha"
Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
Akala ko pa naman concern siya sakin yun pala concern siya sa trabaho.

Yan rin ang hinangaan ko sa kanya. Masyado siyang hardworking. Pero bakit ngayon parang gusto kong hwag siyang maging ganun para atleast sakin sa magiging concern..

''Ah ganun?? So sa trabaho ka may concern at hindi sa kin??"
Hindi ko na naiwasang sabihin. At huli na para bawiin ko pa yun. Alangan namang sabihin kong joke lang yun eh hindi naman kami close para makipaglokohan sa kanya

"Nega mo naman. S-syempre kapag nagkasakit ka, di ka makakapasok bukas edi hindi kita makikita."
*gulp*

"H-huh??." Nasabi ko nalang

Umbrella(one shot)Where stories live. Discover now