Si WOJA ang kampeon na bola

8 0 0
                                        

Nasa tindahan palang noon si Woja,nangangarap na siyang maging kampeon. "Isang magaling na basketball player ang mag-mamay-ari sa akin pagdating ng panahon." Pero nang bilihin si Woja ng isang tao at dalhin sa isang tahanan, laking gulat niya nang siya'y ipagkaloob sa isang batang...lumpo! Bakit naman sa dinami-dami ng bata sa lumpo pa siya ibinigay? Bigla tuloy nasirang lahat ang pangarap ni Woja na maging kampeon na bola. Siya ay nalungkot. "Hindi na matutupad ang pangarap ko..." Pero kahit lumpo si Emong, madalas pa rin siyang laruin nito araw-araw. Dahil pangarap rin pala ni Emong na maging isang kampeon na basketball player. "Naniniwala akong matutupad ang pangarap ko," ang determinong sabi nito. "Papaano?" ang tanong ni Woja. Isang araw, may nabalitaan na lang ang mga laruan. Magkakaroon ng paliga sa tahanan ng mga lumpo. At isa si Emong sa mga sasali. At dadalhin nito si Woja para maging bola. Tuwang-tuwa ang mga laruan para kay Woja. "Matutupad na rin ang pangarap mo, Woja!" "Magiging kampeon ka na rin sa wakas." Umasa nga si Woja na mananalo sila. Lalo na't nasaksihan niya kung papaanong naglaro ng buong husay si Emong. At Kung papaanong sa kabila ng kapansanan nito'y sinikap na makapaglaro ng mabuti. Pero sa kabila ng lahat, natalo pa rin ang pangkat nila Emong. Malungkot na malungkot si Woja. Ang hindi niya maintindihan ay parang hindi naman nalulungkot sa pagkatalo si Emong. Sa halip, parang masaya pa rin ito. "Bakit?" ang tanong ng mga batang kasama ni Emong sa grupo. Hindi rin nila ito maunawaan. Si Emong nga ay nagpaliwanag. Ayon dito, "Kahit natalo tayo, ang mahalaga ay nakapaglaro tayo ng mabuti. At napatunayan natin sa lahat na Kahit na may kapansanan tayo, kaya pa rin nating maging tunay na basketball player." Doon lang naunawaan ni Woja ang lahat. Ang tunay na kampeon ay Wala sa dami ng panalo at tropeyo. Ang tunay na kampeon ay nasa puso. Iyan ang meron ang kanyang amo. Kaya naman sa pag-uwi nila sa tahanan, masaya na rin si Woja. Wala man silang naiuwing tropeyo, panalo pa rin ang kanyang amo. At proud na proud siya rito.

THE END

Si WOJA ang kampeon na bola Povești de care să fii obsedat. Descoperă acum