" B-boss. "

" Oh. Nandiyan ka pala. Dinalhan lang kita ng makakain mo. Isinama ko na lang pati siya. " malambing na sabi ni Shara kay Blaziel.

Agad namang napatingin sa lunch box na hawak hawak ni Rey si Blaziel. 

" Ahh! Bu-busog pa pala ako. Heto po sa inyo na lang po boss! " natatarantang sabi ni Rey sabay abot ng lunch box kay Blaziel saka ito kumaripas ng takbo paalis.

" Eh? Anong nangyari dun? Sabi niya nagugutom na siya? Nanginginig pa nga yung kamay niya. " takang takang sabi ni Shara.

" Don't mind him. Come. " pag-aya ni Blaziel kay Shara saka sila sabay na pumasok sa opisina niya.

Agad namang umupo si Blaziel sa swivel chair niya saka niya niyakap sa bewang si Shara at inupo sa lap niya pagkatapos ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa leeg nito.

" Anyway. Why did you came here? " tanong ni Blaziel kay Shara.

" Malamang para dalhan ka ng pagkain dahil for sure hindi ka na naman kakain. Akala mo siguro di ako nagtatanong sa secretary mo noh? " sabi ni Shara.

Nanigas na lang si Blaziel at namura sa isip niya ang kaniyang secretary. Ang epal epal talaga nun.

" Hmm. Bistado ka noh? " mataray na sabi ni Shara kay Blaziel.

Napalabi na lang siya at mas lalong ibinaon ang mukha sa leeg nito.

" I'm so tired. " walang koneksyon sabi niya.

Naawa naman si Shara dito at napagpasyahang huwag ng sermunan. Ilang linggo na kasi itong halos wala ng pahinga at tulog dahil inuuwi na rin nito ang ilang trabaho sa bahay nila. Tapos ay inaalagaan pa nito ang mga anak nila na kahit ilang beses na niyang sabihing siya na lang bahala sa mga ito ay ayaw talaga nitong papigil.

" Eh bakit ka ba kasi maraming trabaho ngayon? " tanong ni Shara kay Blaziel.

" I'm just preparing for our wedding. Because I will take a three months leave for our honeymoon babe. " nakangising sagot niya kay Shara.

" Sira ka talaga. Makapag-honey moon ka pa kaya pag nauwi ka sa hospital ha? " sermon naman nito sa kaniya.

" Malakas ata ito mommy. " sagot na lang niya rito.

" Tse. Manahimik ka na nga lang at kumain ka na ng makapagpahinga ka na rin. Saka huwag mo na kaya akong samahang magsukat mamaya? Magpahinga ka na lang tutal di mo rin naman ako pwedeng makitang suot iyon. "

" Ain't that gonna happen babe. " sagot naman niya rito.

" Tss. Bahala ka na. "

------------------------------------

" Wow! Naku Ma'am! Bagay na bagay po talaga sa inyo. Ang galing talaga po ng asawa niyo! " puri ng gumawa ng wedding dress niya na si Lila.

Si Blaziel kasi mismo ang gumawa ng design ng wedding dress niya. Wala kasi siyang mapili at maisip na wedding dress kaya sinabihan niya si Blaziel na ito na lang ang pumili eh hindi naman niya akalaing ito pala mismo ang gagawa.

Tama si Lila, bagay na bagay nga sa kaniya ang wedding dress na suot niya ngayon, simple yet elegant. Kulay puting tube dress, mermaid style na hubog na hubog sa kaniyang katawan. Mayroon itong kadugtong na puting net mula sa dibdib nito hanggang sa balikat at leeg niya. Puting guantes at belo na kasama nito. Eleganteng pa-criss cross ang design nito na bumuo ng imahe ng isang ulo hanggang leeg ng dragon na nakayuko at sakop ng  imaheng ito ang kanang parte ng pang-itaas na parte ng dress ( Yung sa katawan. ) at sakop naman ng katawan nito ang buong pang itaas na likurang bahagi ng dress niya. Habang may maliit na paru-paro ang nakadapo sa nguso nito at kapwa sila nakatingin sa isa't isa. Sa imaheng ito ay tila pinapakitang di hamak na mas mataas at makapangyarihan ang paru-paro kumpara sa dragon dahil sa pagmamahal ng dragon sa munting paru-paro. Mapuputi at makikintab na mga puting bato ang nagpapa-angat sa imaheng dragon at paru-paro. Naku. Sinabi na nga niyang huwag nang lagyan ng diamante ang wedding dress niya pero ang tigas talaga ng ulo ng asawa niya.

" Eh magkano naman ang nagastos para rito? " di niya maiwasang tanong.

" Almost- Ay! Di ko po pala pwedeng sabihin. " sabi ni Lila sabay takip sa bibig niya.

Napatawa na lang si Shara.

" Pero mukhang hindi naman po importante sa asawa niyo ang pera. Ang mahalaga ay mabigyan niya po kayo ng isang magarbo and unforgetable wedding. " nakangiting dagdag nito.

" Sinabi mo pa. Eh mas excited nga sa akin iyon eh. " biro ni Shara na may halong katotohanan.

" Mahal na mahal lang po talaga kayo ma'am. Ang cute nga po ng love story niyo eh. "

Kapwa naman nanlaki ang mga mata nila.

" Pinanood mo?/ Di ko po sinasadyang mapanood! " halos sabay nilang sagot.

At kapwa din sila namula. Nahihiya si Shara kasi ang cheesy cheesy niya pa naman dun sa wedding video nila. Namula naman si Lila dahil naalala niya kung gaano kaganda ang wedding video ng mga ito dahil sobrang kinilig siya sa istorya nila.

" A-ah. Sakto lang po ba yung damit. " pagkuwan ay tanong ni Lila.

" Ah. Oo. Saktong sakto, di masikip di rin naman maluwag. Anyway. Imbitado ka sa kasal namin ha? " nakangiting paanyaya ni Shara.

" Po? " di naman makapaniwalang sabi ni Lila.

" Naman, maaari ba namang mawala sa kasal namin ang isa sa mga bumuo o bahagi ng magiging kasal namin? So, aasahan kita doon ha? "

------------------------------------

" How was it? Did you like it? " kabadong tanong ni Blaziel kay Shara pagkalabas na pagkalabas nito.

" It was perfect! Thank you babe. " sagot ni Shara sabay yakap kay Blaziel.

" Just for you, I will do anything, everything babe. Because I love you so much. "

" And I love you too. "

" Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon babe. Ang araw na matagal ko nang pinapangarap at hinihintay. "

" I will be officially belong to you and you, belong to me, only me. " dagdag pa ni Blaziel.


Na-imagine niyo ba yung dress?


ENJOY READING ^___^

kaitouraica18

DEMON ANGEL. 

Possessive Love ( EDITTING )Where stories live. Discover now