Prologue

145 16 0
                                        



" Grrr!! Nakakainis naman oh!" Sabi ko sabay hampas sa study table ko. Kainis kasi eh, nakakuha ako ng mababang grade sa Math. Kapag nalaman to ng mama at papa ko, dead meat talaga ako.




Paano kasi, wala naman akong maintindihan doon. Puros na lang mga numbers at akala ko ba Math lang yun? Ba't nasama ang English. Ba't nasama ang mga letters dun? Hay kabanas talaga.



Napa higa na lang ako sa kama ko. Paano na kaya yan? Ayokong ma-confiscate yung gadgets ko kasi mahalaga yun sa akin. Pero buti na lang talaga at nasa ibang bansa ngayon sina mama at papa. At tsaka ako lang rin dito mag-isa sa bahay namin. Sanay na rin akong mapag-isa eh lasi busy lagi sina mama at papa sa trabaho nila. Si Papa, isang engineer sa America while si Mama, isang fashion designer sa France. Oh diba? Tapos lagi ako naiiwan dito..




Napansin kong lumamig ang kwarto ko. Ang lakas naman ng hangin sa labas. Parang uulan ata ha. Pero imposible rin yun. Kanina, nakita ko sa news report na mainit talaga ang panahon bukas pero bakit ngayon? Umiba.



Umiba naman yung ihip ng panahon. Mas lumakas ito kaya agad akong napasilip sa bintana. Pagka silip ko... 0_0




I-Isang spaceship? Lumanding naman ito sa gilid ng bahay namin... s-siguro namimilik mata lang ako. Agad ko naman kinusot yung mga mata ko pero... n-nandyan parin?!





H-Hahahahahaha, siguro panaginip lang yun. Sinerado ko ns yung bintana at humiga sa kama ko. Panaginip lang ito kaya magising ka na sa realidad....




Next day....


Bumangon naman ako ka-agad dahil sa mga ingay na naririnig ko. Anong meron?? Agad naman akong umalis sa aking kama at inayos yung sarili ko sa salamin at lumabas sa bahay namin.



Napansin kong ang daming babae naka paligid. Nakita ko naman yung kaibigan ko na si Yoona.



" Yoona, anong meron?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman sya ng ulo. " Hindi mo ba alam?" Nagpoker face na lang ako. " Mukha bang alam ko?" Sarcastic kong sabi sa kanya.


Nagpeace sign lang sya. " May bagong lipat kasi dyan sa kabilang bahay oh." Sabay turo dun malapit sa bahay namin. May bagong lipat? Eh wala naman sinabi ah.



" Sino daw yung lilipat dyan?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang sya. " Di ko nga alam eh. Kaya nga ako naki-siksik pero base sa mga naririnig ko. Lalaki raw ang lumipat dyan." Sabi nya sa akin.



Well now that explains it. Kaya pala ang daming babae nagkukumpulan dun sa kabilang bahay dahil lang pala sa bagong lipat.



Pero naalala ko kagabi. Totoo ba yun mga nakita ko o panaginip lang talaga yun?


Nabwibwiset na ako dito sa mga babaeng ito! Mg talende! Ang ingay rin nila. Kainis kasi hindi ako maka concentrate sa mga gagawin ko mamaya kasi alam mong hanggang mamayang hapon pa to sila.


Mas lalong naghiyawan ang mga babae ngayon. Siguro lumabas na yung bagong lipat. " Oh, nandun na yung bagong lipat oh." Sabi ni Yoona kaya agad akong napa lingon.



Napa nganga ako sa mga nakita ko. Shet! Ang gwapo nya *_* kaya pala nandito yung mga babaeng ito. Pero mga ilang minuto ay naka tingin na sya sa akin.. sa akin ba? Tinignan ko sa gilid ko, wala namang tao. Si Yoona naman ay umalis na. So ako nga talaga ang tinitignan nya pero mas nagulat ako nung nag glow ang mga mata nya. Is it just me or lahat kami.


Teka.. naalala ko kagabi... isang spaceship lumanding malapit sa tapat ng bahay namin which is ang bahay ng bagong lipat... don't tell me na ALIEN sya?!!

---

3/31/16

Alien Next Door ∞ vrene。Geschichten, die süchtig machen. Entdecke jetzt