TISSUE (ONE SHOT)

19 1 5
                                        

A/N: HI! Well, nakuha ko yung idea na 'to ng may nagpost sa isang group na mga mahilig din sa wattpad ng isang picture ng rolyo ng tissue at sinabing humugot base dun. Tapos ito yung hinugot ko. "Ang pag-ibig ko sayo ay parang tissue, paubos ng paubos habang sinasayang mo." Tapos boom! Naisip kong gawin ng one-shot. Yun lang! Thanks! Imagination ko ang gamit dito so sana magustuhan niyo!

********************************************************************

"Palagi nalang ba?! Ha?! Sabihin mo sakin Earl ng maliwanagan ako!!" sigaw ko kay Earl. Well, siya lang ang taong sobrang mahal ko hanggang ngayon kahit palagi niya akong niloloko. Ang tanga ko diba? Wala eh.

"Please Ynna, makinig ka sakin. Hindi ko sinasadya! Nalasing ako. Hindi ko na alam ang ginagawa ko nun. Please naman!" frustrated na sabi niya sakin. Ano nga bang nangyari? Nahuli ko lang naman siya sa dito sa condo niya na may katabing hubad na babae!

Plano ko sana siyang ipakilala kay family ko tomorrow kasi uuwi ang parents ko from States tapos pupunta dito sa Manila yung dalawa kong kapatid na nasa Pampanga. Dati pa kami nag-usap tungkol dito, pero ito yung nangyari.

"Pinapatawa mo ba ako?" tumawa ako ng malakas "Ikaw? Nalasing? Wala ka na bang ibang lusot? Luma na yan!" naiiyak na sigaw ko. Napansin kong malapit na siyang magalit dahil sa pagtaas na boses ko sakanya.

"Ano!? Sasaktan mo ko? Pagbubuhatan mo ko ng kamay? Sige! At ng magkita tayo sa korte! Bahala ka sa buhay mo!" bulyaw ko habang nanginginig na sa galit. Nagwalk out ako at sumakay na sa kotse ko.

-

Dun ko lang napansin na tuloy-tuloy na sa pagtulo yung mga luha ko. Ilang beses ko ng pinapahid pero ayaw talaga. Pinagpapa-palo ko yung manibela sa sobrang galit sabay subsob ng mukha. Hindi ko na mapigilang humikbi.

Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko at napansing may tumatawag, yung kuya ko. No! Pinatay ko yung tawag at tinurn off yung phone. Mas napaiyak ako ng maalala yung kuya ko. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ako, ako raw kasi yung prinsesa niya. Nagagalit siya pag ngumangawa ako sa kanya.

Kinuha ko yung rolyo ng tissue sa bag ko. Pampunas sa luha at sa sipon. Ng mahimasmasan ako, napansin kong konti nalang yung natira na tissue, napangiti na lang ako ng mapakla.

Nag-drive na ako pauwi sa apartment na tinutuluyan ko at dumiretso agad sa kuwarto. Nag-shower na rin ako tapos nagbihis ng komportable. Nang makalabas na ako ng banyo napansin ko na yung suot kong pajama eh yung sabay naming binili ni Earl, naiiyak nanaman ako.

Padapang tumalon ako sa kama sabay subsob ng mukha sa unan at umiyak. Bakit ba hindi siya makuntento sakin? Palagi nalang ba siyang hihingi ng tawad at sasabihing hindi na uulitin pero wala namang magbabago?

Two years na kaming magkasama at sa loob ng dalawang taon na yun halos tatlong beses kada buwan ko siyang nahuhuli. Nung unang anim na buwan namin masaya naman kami. Wala pang mga ganyan pero nung tumagal na....

Inabot ko yung tissue sa table sa gilid ng kama ko. You see, I have lots of tissue. Ewan ko ba pero mahilig talaga ako sa tissue ever since I was a child. Na kahit saan may makikitang box o kaya rolyo ng tissue.

Umiyak lang ako buong gabi at nakatulog na.

- A week later -

Sa linggong lumipas, palagi lang akong umiiyak. Hindi nga ako nakapasok dahil dun eh, pakiramdam ko hindi ko kaya. Once na maisip ko siya, lahat ng memories namin magfla-flashback agad. Masaya nga kami pero nagkakasakitan naman.

Nanonood ako ng "Superman Returns" ngayon dito sa bahay. Sobrang pogi talaga ni Clark. Habang nagdu-drool ako biglag may kumatok. Naiinis na tumayo ako galing sofa kasi ang ganda nung palabas. Nakasimangot kong binuksan ang pinto at napanganga. Pero napalitan din agad ng pagtaas ng kilay.

Tissue (One Shot)Stories to obsess over. Discover now