Accidentally, I met you

50 2 0
                                    


Allison POV
"U-uh kuya? Ano pangalan mo?" tumingin siya at ngumiti ano ba naman kuya sabi ko pangalan mo hindi yung ngiti ka nang ngiti

"Mark, Mark ang pangalan ko, nice to meet you..." inaabot niya ang kamay niya sa akin kaya wala manlang pag aalinlangan ay kinamayan ko rin siya at ngumiti kaso nailang ako nong nasobrahan na sa tagal na magkahawak kami kaya binawi ko na agad ang kamay ko sa kanya

"Ikaw? Anong pangalan mo Miss pretty..." tumingin ako sa kanya at dahil killer smile siya ngumiti ulit siya ngayon iba na mapanukso na

"A-ah.." nangiti ako sa pag inaasta niya yung titig niya kasi hindi natitinag

"A-Allison pangalan ko nice to meet you too..." inaabot niya ulit ang kamay ko kaya wala naman akong magawa kundi ang iabot ulit ang kamay ko sa kanya napatingin ako kasi dumiin ang pagkakahawak nang kamay niya sa akin kaya kinabahan na ako nong oras na yun pero ibang kaba hindi kaba na may mangyayaring masama kundi kaba na may kasamang excitement

"A-ah, Mark pwede na sigurong..." hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang hilahin niya ako papunta sa likod nang mga upuan sa Bus

Sa paghatak sa kanya ni Mark napansin niya ding marami nang tao sa loob na kanina ay mga bakante pa.Ngayon naguluhan siya nang mapansin niyang yung bawat bakante kanina ay may babae nang nakaupo.Oo, lahat nang bakante kanina ay babae na ngayon ang mga nakaupo.Sa bawat pagdaan niya ay nginingitian siya nang nakakaloko kaya lalo pa siyang kinabahan kaso sa kanila nga lang hindi kay Mark.

Ewan niya ba kung bakit kakikilala palang niya ay nagtiwala na siya dito.

Allison, ano ba itong pinasok mo?

Hinahatak parin ako hanggang ngayon ni Mark.Tumigil lang kami nang mapansin kong may pinto na nasa harap namin.Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang napakagandang kwarto.

Isang black at white na kulay ang lahat nang bagay sa kwarto.

Kung titignan mo ito ay malinis tignan.

Lalo akong nangiti dahil kalalaki niyang tao ang linis nang kwartong ito.

Rinig na rinig ko parin ang tugtog mula dito sa kwarto.Pinaupo muna ako saglit ni Mark dito sa kama niya saglit.Hintayin ko daw siya ih.

Matagal tagal na din kaming nag-usap nong nakabalik siya, nagkakilanlan nga kami agad.Nagtawanan na nga kami na halos parang kilala na namin agad ang isa't isa naging open na ako sa kanya at siya din naman.Pero biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Allison, kung ba hihingi ako sayo nang permiso pagbibigyan mo ba ako?" si Mark na nandito ngayon sa tabi ko tumitig ako sa mga mata niya at nakita ko ang pagmamakaawa nang mukha niya

Hindi ako makasagot.

Ano kaya ang gusto ni Mark bakit kaya kailangan pa niyang manghingi nang permiso?

Tumayo ako at nagtungo sa bintana na nasa gilid lang nang kanyang kama.

Napatingin ako sa langit.
Gabi na, alam ko.

Mama, pasensya ka na hah? Hindi ko kayang umalis dito ngayon.

Basta alam ko masaya ako.At wala na akong pakielam kung anong mangyayari sa susunod.Basta ang mahalaga yung ngayon.

Votes and comments please!

Kung gusto ninyo akong makausap libreng libre po ang mag pm at magpost nang message sa conversation wall ko.

Sa fb? Pm nyo ako I will give my name in fb or the email.

Thankiees!

Unexpected Riding To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon