"Give me another chance to prove my love to you, Chazel. Gagawin ko ang lahat para sa iyo." Hindi talaga ito nawawalan ng pag-asa.

Palaban na rin si Kiko. Nag-boost ang self-confidence nito. May tiwala na ito sa sarili nito. At may palagay siya na sinadya nitong baguhin ang kaanyuan nito dahil naging hamon rito si Race. Ayaw nitong maagaw siya ng ibang lalaki.

IT WAS a sunny day when she decided to go out with Cherry. Sa isang shopping mall sila nagpunta, to let her day off. Isang linggo nang hindi nagpapakita sa kaniya si Race at mababaliw siya sa lungkot kung hindi niya lilibangin ang sarili. May hinala siyang iniiwasan na siya nito.

They went to the store of woman's accessories. Tumingin siya ng hikaw doon. Wala siyang nagustuhan isa man sa mga iyon. Namili siya ng ilang damit na maidadagdag niya sa collection niya pero nagbago ang isip niya sa huli. Nagpalabas siya sa display glass cabinet ng mga relong pambabae sa isang saleslady pero ipinabalik rin niya iyong lahat.

"Ano ba kasi ang gusto mo?" reklamo ni Cherry na inip na inip na sa kakabuntot sa kaniya. "Alam ko kung sino ang hinahanap mo. At hindi mo iyon matatagpuan dito. Why don't you talk to Race instead, para magkaintindihan kayo?"

"Why should I? Baka busy lang yong tao kaya hindi ako mapasyalan sa bahay."

"Kaya pala kahit tawag mo ay hindi niya sinasagot. Baka umiiwas talaga siya sa iyo."

"Hindi ko alam. Hindi naman siguro."

"Hindi kaya nagsasawa na siya sa iyo?"

Parang hiniwa ang puso niya pagkarinig niyon. Nagsasawa na nga ba sa kaniya si Race? Subalit iba ang isinagot ng puso niya, na magtiwala lang siya na kahit paano ay may damdamin ito sa kaniya. At hindi siya nito gagawing pampalipas-oras lang. Kung ano man ang dahilan nito sa pag-iwas sa kaniya, she would find it out.

"Halika sa ibaba. Maglakad-lakad tayo." yaya ni Cherry.

They strolled down the second floor. Tumingin-tingin sila sa mga display doon. Akala niya ay nasa likuran niya si Cherry. Ngunit pagharap niya ay wala na ito roon.

Saan na naman kaya nagsuot ang babaeng iyon? Iyon minsan ang pangit kay Cherry. Bigla itong nag-di-dissappear kapag may isang interesanteng bagay itong nakita.

Umakyat siyang muli sa third floor. Wala ang kaibigan doon. Pagliko niya sa isang pasilyo ay nakabanggaan niya ang isang babae.

"Ouch!" Mabuti na lang at naalalayan niya ang babae dahil hindi agad ito nakabalanse.

"Sorry, miss. Hindi ko—" Pagtingin niya sa mukha nito....... "Starr?"

Ito ang malditang babaeng nanakit sa kaniya!

"Do I know you, miss?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi mo ba ako natatandaan?"

She eyed her up and down. "Hindi ka pamilyar sa akin, Miss. Have we met before?"

"Hindi mo natatandaan ang pagmumukhang ito? Wala kang naaalalang babae na sinampal at sinabunutan mo sa birthday celebration ni Pepito Asuncion, ang sikat na designer?"

Namilog ang mga matang naitakip nito ang kamay sa bibig nito. Muli siya nitong sinuyod ng tingin. "Ikaw si Chazel?"

Taas-noong tumingin siya sa mga mata nito. "Nasa harapan mo ngayon ang babaeng nilait-lait mo noon at sinaktan physically and mentally."

Bumakas ang kalungkutan sa pipis na mukha nito. Saka niya pinag-aralang mabuti ang itsura nito. Ang magandang Starr na nakita niya noon ay hindi na ang dating Starr na nakikita niya ngayon. Malaki ang inihulog ng katawan nito. Nanlalalim ang mga mata nito, namumutla ang mukha at tuyot ang mga labi. Tila tumanda ito ng sampung taon ang itsura nito. Ngunit sa kabila niyon ay maganda pa rin naman ito.

When I See You Smile (published under Phr completed)   Where stories live. Discover now