Chapter One

29.9K 371 12
                                    


"SAYANG ka, Race." Iiling-iling si Chazel habang tinatanaw niya ang malaking billboard ni Race Rios mula sa glass wall panel ng private office niya.

No doubt, Race was drop-dead gorgeous in his stunning look. Sa pagkakangiti nito sa sariling reflection sa harap ng salamin—kung saan ang scene ay kinunan sa banyo ay kinakapa ng dila nito ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Iniindorso ng modelo ang isang bagong labas na brand ng toothpaste na biglang sumikat sa market dahil dito.

The picture he represented would certainly make a woman's heart skip a beat. The view was breathtaking, she admitted. He was one hell hot with a capital H.

She guessed it was his charming smile that made the masses go crazy over him. But no, it had something to do with his athletic physique. Oh, boy! Paano ba namang hindi magkakandarapa ang mga babae rito kung bakat na bakat sa sandong puti ang matitipunong dibdib nito, ang mga biceps na mistulang nangangalit sa pamumukol ng mga muscles doon. And the abs? Mama Mia! Parang kasinlaki iyon ng mga pandesal na prenteng nakapatse sa flat at makinis na tiyan nito.

Naitakip niya ang kamay sa bibig. Ano ba itong naiisip niya? Susmaryosep! Kadalaga niyang tao!Nang bumaba pa ang mga mata niya sa ibabang katawan ni Race ay doon siya napangiwi. Iyon ang pinakaayaw niyang makita sa lahat. Mula sa puson nito ay naka-line-up ang mga pinong buhok na alam niyang humahangga sa pagkalalaki nito. Mabuti na lang at natatakpan na iyon ng briefs nito.

Jeez! Sa dinami-dami ng pagkakabitan ng tarpauline ni Race ay kung bakit ang harapan pa ng opisina niya ang napili ng promoterng toothpaste na iyon. Kung kaya lang niyang takpan ng higanteng tela ang billboard ay ginawa na niya, huwag lang iyon makita ng mga babaeng inosente pang tulad niya. Pero siyempre ay hindi niya magagawa iyon. Ang mga die-hard fans nito ang makakalaban niya sa oras na nilait-lait ang iniidolo ng mga ito.

There's no way she could say something nasty on Race's activities. Modelling was a noble career. Hindi nga lang siya pabor sa mga lalaking ipinangangalandakan ang sariling katawan sa madla para umani ng kasikatan.

Race Rios used to be a ramp model. Una niya itong nakitang rumarampa sa catwalk isang taon na ang nakalipas. Noong una ay napahanga siya ni Race, with himself wearing a white tuxedo suit. Bagay na bagay dito ang tuxedo dahil para itong groom na ikakasal sa suot nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa tanang buhay niya ay noon lang siya humanga ng husto sa isang opposite sex. Napakaguwapo ni Race. Hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ito at kiligin na parang isa siyang teenager. At the age of twenty-seven, kinikilig pa siya?

Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin habang rumarampa. All eyes talaga siya rito. Bawat hakbang ng paglakad nito, bawat kampay ng mga kamay, bawat sulyap nito sa mga audience ay hindi niya pinaligtas iyon. Naka-program lahat ang eksenang iyon sa utak niya.

Nang madaanan siya nito ng tingin ay saglit na natigilan ito. Nagtama ang kanilang mga mata. Tila nakakita ito ng isang alien sa katauhan niya. Then, he continued on his way and walked away with manly grace.

Hindi niya ito masisisi. Stand out siya sa karamihan ng mga bisita nang gabing iyon. Stand out as in out of the ordinary. Dahil kung ang mga babae roon ay nagpapabonggahan sa ganda ng evening gown, ang suot niya ay ang walang kamatayang get up niya—office attire, minus the coat.

Napahinuhod lang siya ng kaibigang si Cherry na manood ng bonggang presentation ng mga creations ng kamag-anak nitong sikat na fashion designer. Ang luka-lukang bestfriend niya, may dala nang damit na maisusuot. Samantalang siya ay ang uniporme lang. Hindi man lang siya inabisuhan ng maaga. Ang katwiran nito, hindi nito inaasahang sasama siya dahil wala siyang hilig uma-attend sa mga ganoong pagtitipon.

When I See You Smile (published under Phr completed)   Where stories live. Discover now