"Wait-Wait- Sandali!" Hindi pa s'ya tapos. Marami pa siyang katanungan.

She wanted answers but the man was no longer there.

All of it was vague; he, this place, and what he said. She didn't understand anything but one. It was about him, about where he was. She was certainly sure he came from down there - in Hell. She shuddered from that thought - that the man was a creature from the underworld and the man wanted something from her.

But what could it be?



***



Agad na idinilat ni Chanel ang kanyang mga mata. Umupo siya at pinunasan ang malamig niyang pawis sa kanyang mukha. She had a dream, maybe a nightmare. She didn't really know. Was it a random dream? Was it intentional? Was it all true? Kinalma niya ang kanyang sarili at tumingin sa orasan na nakasabit sa pader. It was already nine o 'clock in the morning.

She'd be late for school.

Like what he said in her dream.

Lumunok si Chanel nang maalala na naman ang kanyang panaginip. Agad siyang umalis sa kanyang kama at inayos 'yon. Tumingin siya sa salamin at nakita ang sarili na namumutla habang mayroong namumuong pawis sa kanyang noo. Basang-basa rin ng pawis ang mapula niyang buhok. Sinuklay niya ito at pinusod. Lumunok siya at huminga ng malalim nang muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin.

Nang makitang okay na siya ay lumabas siya ng kanyang kuwarto at naglakad pababa. Nakita niya sa sala ang kanyang ama na nakaupo sa upuan nilang gawa sa Narra habang nagbabasa ito ng diyaryo.

Lumapit siya roon at binati ito.

"Good morning, Pa."

"Oh, Chanel. Kumain ka na. Nakapagluto na si Mama mo."

Tumingin siya sa kanyang ama. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt at medyo malaking shorts. Suot-suot nito ang kanyang salamin dahil ang daing nito ay nanlalabo na rin ang paningin nito. Lalo na't kapag nagbabasa ng malapitan.

"Tara na, kumain na tayo. Anong oras ka na gumising, nak." Tumingin naman si Chanel sa kanyang ina na nakasuot ng simpleng brown na duster. Nakapusod ang buhok nito habang nakasabit ang isang bimpo sa balikat. Halatang kanina pa ito gumagawa ng gawaing bahay dahil pawis na pawis na rin ito.

Ang ama niya ay magsi-singkwenta na habang ang kanyang ina naman ay mas bata ng limang taon sa kanyang ama. At kahit umuusad ang bilang ng edad ng mga ito, hindi halata ang katandaan ng mga ito sa mukha at sa pangagatawan nito. Mukhang bata pa rin ang kanyang magulang.

Halata ring hindi niya kadugo ang mga ito sa unang tingin. Malayo ang mga itsura nito sa kanya. Ang kanyang magulang ay parehong mayroong itim na buhok, iba ang hugis ng mukha, labi, ilong, at mga mata. Mga bagay na hindi mo makikita sa kanya sapagkat siya'y mayroong mapupulang buhok, maputing balat, kulay amber na mga mata, at ang hugis ng kanyang mata, ilong, mukha, at labi ay malayong-malayo sa mag-asawa.

She knew from the start that she was adopted. She could still remember the day when she first met them. Naalala pa niya ang mga panahong nasa bahay ampunan siya, ang araw na dumating ito, at ang araw na sinabi sa kanya ng headmistress ng bahay ampunan na siya'y aampunin ng mag-asawa.

She was thankful dahil sobrang bait ng mga ito sa kanya at tinuring siyang tunay na anak ng mga ito.

"Anong oras na kayo nakauwi kagabi?" tanong ni Chanel.

Descent to the UnderworldWhere stories live. Discover now