The Photographer: 1

46.4K 1.1K 122
                                    

N/N:


Maraming salamat sa pagbabasa  ng Prologue!  Ayun na ang prologue na ginawa ko na may pinakamaraming reads na tinamo sa isang araw.  Me is so happy!!!!   Maraming salamat din sa mga nagcomment at nagvote. 


Before you start reading this, mas maganda sana if mabasa niyo muna ang umpisa ng series na ito na pinamagatang: The Superstar.  Hindi naman required pero Book 1 yun eh HAHAHAHA.  Dedicated ang unang chapter na ito kay discreetboy, wala lang parang ngayon nga lang pala kita napansin sa comment box ng kwento ko.  Hahahaha!  



The Photographer: 1


"So baby, can we dance?"


ETHAN RACE:


Maingay ang tunog ng sound system sa bakuran ng bahay namin. Maraming tao na galing sa iba't-ibang kompanya ang nandito dahil sa nasarado ni Kuya Howard ang deal sa ibang bansa. Napailing ako at kinuha ko ang camera ko na nasa lamesita sa tabi ng kama ko at kinunan sila mula sa bintan kung saan ako nakasilip.


Napapangiti ako kapag may mga nakikita akong magagandang babae, sinasabayan ko na rin ng pag-capture ang mga katawan nilang pinagpala. Ibinaba ko ang camera ko ng makita ko si Kuya Ahron na kumakaway sa'kin. Since I'm assigned as a photographer of this event, nandito rin ang ibang crew ng studio na pag-aari ko. Kaya lang naman ako pinapababa niyang si kuya dahil magpe-perform na ang kapatid naming si Paulo.


Nagmadali akong bumaba at pansin ko rin ang dami ng tao na nagke-kwentuhan habang nakaupo sa sofa. May mga lalaking may hawak na wine glass at nakikipagtawanan sa mga kasama nitong kauri niya. Hindi naman ako against sa mga katulad nila dahil kagaya rin siya ni Kuya Howard, ang ayaw ko lang naman na ang mga katulad nila ang nagpapaiyak sa mga babae.


Tumakbo na ako sa harap ng platform at kinuhanan ko na ng litrato ang bunso naming si Paulo. Ibinaba ko muna ang camera at tumingin ako sa paligid at nakita ko ang kasintahan nitong bakla na si Jade. Hindi naman ako against sa ganitong relasyon dahil open minded ako, pero I never imagined myself na iibig ako ng katulad nila.


"Sir kami na pong bahala rito." Ibinaba ko ang camera ko at tumingin ako sa crew ko na may dala ring camera.


"Sure." Nginitian ko ito at pumunta sa table namin na kasama si Jade at ni Kuya Ahron.


"Jade, ayan yung bagong single ng bago nilang album 'di ba?" Tanong ni Kuya Ahron ng makaupo ako, tumingin lang ito sa'kin at tumango.


"Opo kuya, masaya nga po ako na naging successful yung album release niya last week." Masayang sagot ni Jade pero mababakasan mo pa rin ang pagiging awkward nito.


"Jade 'wag ka ng mahiya sa'min, karelasyon ka na ni Paulo. Gender doesn't matter." Pampalubag ko dito at ngumiti siya.


"Thank you po Kuya Ethan."


Natigil lang ang paguusap namin ng napalakpakan na ang mga tao at bumaba na ng platform si Paulo. Ako naman ay hinahanap si Kuya Howard dahil kanina ko pa ito hindi nakikita.

The Photographer (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora