Gwapo Alert!

4 0 0
                                    

Nakaalis na nga ako sa C.R hindi ko parin napipigilan yung tawa kaya pinagtitinginan na ko ng mga tao dito hallway. Iniisip siguro nilang nababaliw nako. Paki ko naman? Psssh. Makapunta na nga sa room. 

"Ay, teka. San nga ba room ko?" Muks tanga. Tanungin daw ba ang sarili. Nababaliw na ata talaga ako. Kasalanan talaga yun ng--- ano nga ba pangalan non? Ay, ewan. Paki ko. Atsaka bakit ko nga ba siya iniisip? 

"Aiiiiiish. Baliw ka na talaga, Jess"I said to myself a little bit frustrated. 

"Buti alam mo." May baliw namang nagsalita sa likod ko. Hindi ko naman alam kong sino. FC nito. Kaya nilingon ko siya.

"Close ba tayo?" masungit kong tanong sa taong FC na ito. Lumapit naman siya na pagkalapit-lapit. Ay, ang tangkad niya. At---at ang g--gwapo. Artista ba to? At puti ng ngipin halatang mayaman.

Naputol naman ang pagpapantasya ko sa kanya ng magsalita siya ulit.

"O ano? Close na tayo hindi ba?"Ay, pati sa pagsasalita ang gwapo parin.  Grabe nato, ang swerte ko naman. Dalawang gwapo in one day. Isa lang talaga ang masasabi ko. HEAVEN! Ay landi!

"natameme ka? Gwapo ko no?" Natigilan naman ako don. At umatras. Ay hindi. Lumayo talaga ako sa kanya, yung tipong akala mo may malubha siya sakit at anytime hahawahan ka niya. Ganoon! Kasi naman ano? Gwapo nga, mayabang naman. Yung isa naman, gwapo nga ubod naman ng sungit. Mga AB normal. 

"Hoy Mr. akala mo kong sino--" 

"Harold. Harold ang pangaln ko. Hindi akala mo kong sino" He interrupted me.

"k. fine. Ulitin natin! HOY MR. HAROLD AKALA MO KONG SINO." Sabay turo ko sa kanya. "Unang una sa lahat, hindi kita kilala at kung makalapit ka sakin, CLOSE tayo?! Close tayo?! FC ka boy! Pangalawa, hindi ko alam kong ano ang nasa utak mo pero ito lang ang masasabi ko, ANG YABANG MO! Pangatlo, hindi kita kilala kaya wala akonng pakialam kong ano ang pangalan mo! Pang-apat, ano ba ang kailangan mo? Pang-lima, bakit ka ba lumalapit sa akin? AT pang-anim, kung magyayabang diyan sa KAGWAPUHAN mo which is partly true pwes, HUWAG KANG MAGMAYABANG SA TAONG HINDI MO KILALA! Naiintindihan mo?! " Sunod-sunod kong sabi sa kanya. Take note, walang hingahan ha? Try  niyo. 

Napalakas ata ang pagkakasabi ko. Ay, hindi ata. Talagang napalakas ang pagkakasabi ko dahil halos lahat ng tao sa hallway ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa amin. Hindi nakatingin, nanlilisik ang mga mata nang mga babae. Siguro dahil narin sa gulat? Eh ano ngayon? sila ba ang nasigawan?

WOW JESS! What a Scene. Nice start for a first day!

Para maisalba ang sarili sa kahihiyan, tumakbo na ako ng pagkabilis-bilis. Dinaig ko pa ang cheetah sa bilis ko sa pagtakbo.

Hayyy!! Grabeng buhay to oh.

 Hindi ko namalayan napunta na pala ako sa may field ng school. At may ilang studyanteng nakatambay rito. May natutulog, nagbabasa, nagkekwentuhan at may naglalaro. 

Buti nalang talaga at 9 pa magsisimula ang klase. Kaya pwedeng malate o sinasadyang magpalate dahil hindi naman talaga required ang pumunta dito sa school ng maaga eh. Yeah right! Ganyan kaabnormal ang eskwelahang ito at masasabi ko naring pati ang mga estudyante. 

Pumunta lang naman ako dito nang maaga eh dahil kakausapin daw ako ng principal namin. Kaya ayan! Kay aga-aga nabubwisit ako.

Nanunuod lamang ako dito sa gilid ng maalala ko. May kukunin nga pala ako sa Library. 

Paalis na dapat ako nang bigla namang may sumigaw. Hindi ko naman pinansin o nilingon ano baka hindi ako tinatawag. Sabihan pako na ang FEELING ko! 

"Miss!!!!!" Sigaw ni koya para namang makakasgasa si koya sa lakas ng sigaw niya. 

And right after he shouted I can see stars above my head spinning back and forth and I just watch it spin hanggang sa nahilo nako. nabalik lang ako sa realidad ng bumagsak ang puwet ko sa lupa at doon ko lang naramdaman ang sakit ng pagtama nang bola sa ulo ko. BWISIT! Another scene.

Nagkumpulan naman agad ang mga tao at tinanong kung okay lang ako.

"Miss, are you okay? Are you hurt?" Tanong nang isang lalaki.

"G*GO KA BA?! TINATANONG MO AKO KONG OKAY LANG AKO?! kUNG NASKTAN BA AKO?! KUNG IKAW KAYA HAGISAN KO NANG SOCCER BALL. FULL FORCE PA HA. TINGNAN NATIN KUNG HINDI KA MASAKTAN" Gusto kong isigaw sa pagmumukha ng kong sino man ang nagtanong pero hindi ko nalang sinabi baka makagawa na namn ako ng eksena. Atsaka, I find it rude naman kaya hindi ko nalang ginawa atsaka malay mo hindi naman yun sinasadya. 

Siguro kung may camera dito, sikat na ako. Pangatlo na to eh. Suki na ata ako nang disgrasya. Grabe! Mahal na mahal mo siguro ako disgrasya no? LOVE YOU TOO WITH FEELINGS MUAH MUAH TSUP TSUP. With all the kisses and hugs payan ha?

"Dalhin na kaya natin siya sa clinic?" Sabi naman nung isa. 

"Hindi, okay lang ako" Sumagot na ako.Ayoko pa naman sa mga ganoon. 

"Are you sure?" nag-aalalang tanong naman nito nasa harap ko. Inangat ko yung mukha ko para tingnan siya. pero---

HOLY MOLLY! Ang gwapo. Tumingin naman ako sa paligid. Napapalibutan akong mga gwapo. Nasa lahat na nga yata ako. Pero masasabi kong mas gwapo tong nasa harapan ko. Hehe

"Nasa langit na ba ako?" Out  of the blue kong tanong. Nagtawanan naman yung paligid. Grabe pati pagtawa nila ang ganda pakinggan. Parang mga anghel na kumakata. Grabe ang sarap pakinggan.

"Hahaha. Siguradong ka bang okay ka lang talaga miss? Naghahalucinate ka na ata." Tatawa-tawa naman nitong nasa likod ni Mr. Pogi. Well, pogi naman sila lahat eh.

"Ha? aah..ehh. hehe.. o--oo naman okay lang ako. Kasing tigas naman ng bato tong ulo ko eh. Kung gusto mo isa pa eh. Hahaha" Pilit ko namang tawa. 

"AH... ehhh. Sige ha. ALis nako may gagawin pa kasi akoeh. He he he ." Sabi ko sabay tayo at kumaripas ng takbo.

WOW JESS! ANG SWERTE MO TALAGA. Daming gwapong nakapaliigid. 

Dear Disgrasya,

Sana palagi nalang akong nadidisgrasya para makakita ako ng mga gwapo. HAhahaha. Joke lang yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon