Chapter 27

299 19 0
                                    

Someone's POV

"Bakit ma? Akala mo ba gusto ko ang mga nangyayari? Hindi ma! Dahil may mga tao akong nasasaktan!"

Hanggang ngayon parin ba, ito parin ang naririnig ko kay Chorong.

Pinapanood ko lang na mag-away sina tita at Chorong. Bagay lang naman sa kanila yun eh. Masyado silang naging sakim sa buhay.

Then, let them take the taste of conscience.

Matagal ko nang gustong mangyari to. Hinahayaan ko lang silang kontrolin ang buhay ko pero ngayon ayoko na.

I've had enough for this.

Seulgi's POV

"Yah Seulgi unnie! Nag-bake kami ni Wendy unnie ng cake!" tawag sakin ni Joy galing kusina.

Nasa sala ako ngayon at nakatulala sa pinapanood ko. Naluluha pero pinipigilan ko. Mas pinili kong dito na lang sa sala dahil kapag nasa kwarto ako, naiisip ko ang lahat ng katarantaduan nya.

And I don't want to see it anymore.

"Unnie! Umiiyak ka nanaman ba?!" sigaw sakin ni Yeri.

"H-Hindi. Nakakaiyak kasi yung palabas eh." inirapan ako ni Yeri.

"Stop lying unnie. Fyi, Finding Nemo ang pinapanood mo unnie. At kahit kailan di ako naiyak dyan."

Okay. Talo na ako sa batang to.

Tumabi sya sakin at inabutan ako ng box ng tissue.

"Alam mo unnie kumain na lang tayo ng cake dun! Tara!" hinila nya ako at finally nanalo nanaman sya.

Pinunasan ko muna ang mga luha sa pisngi ko para naman di nila mahalata.

Nagiingay sila pero wala akong ganang magsalita ngayon. Maybe, ayoko lang. O di kaya masakit padin.

"Ang boring no? Gusto nyo gumala? Libre ko." pag-aaya ni Irene.

"First time kong narinig yan sayo unnie."

"Wag ka nang umapela Joy! Ngayon lang to! Sasama ka ba Seulgi?" tumango ako.

"Ulol walang maiiwan dito! Kaya lahat sasama! Mag-bihis na kayo ah!"

Agad silang nag-unahan sa cr. Kahit gusto kong makisali, ayaw naman ng katawan ko.

Nang matapos kaming lahat sa paghahanda, dinala kami ni Irene sa isang mall. Una kaming pumunta sa isang restaurant at doon kumain ng lunch.

Pagkatapos naman nun ay inikot namin ang department store at nag-shopping.

At dahil nakikita nilang malungkot ako kahit pilit kong pinapangiti ang sarili ko ay dinala nila ako sa isang cafe na paborito ko.

It's been a month nung huli akong pumunta dito pero sariwa pa rin ang lahat.

"Mag-order na kayo! Oh. Wallet ko."

"Yan ang gusto ko kay leader!" kinuha naman agad yun ni Wendy at sinamahan sya ni Joy at Yeri.

Maya-maya pa ay dumating na sila kasabay ang order namin.

"Kanino tong caramel macchiato?" ah. Agad namang nag-agawan sila dun. Siguro alam nilang yun ang madalas naming orderin ni Yoongi noon dito.

"Unnie. Sorry ah." bakit naman mag-so-sorry si Joy h?

"Unnie. Nakalimutan kasi namin eh."

"Sige na. Okay lang."

Nakipag-palit na lang si Wendy saken. Mas mabuti na rin to.

Nagtagal kami sa cafe at ng bandang hapon na ay bumalik na kami sa bahay.

Ang dami naming kalat, nakakairita. Si Irene unnie naman ang nagligpit nun dahil wala naman siyang choice, siya ang pinakamatanda dito. Kaya pala nag-ayang lumabasa kasi birthday nya pala ngayon kaya nanlibre.

Gumawa kami ni Wendy ng cake. Syempre cinelebrate namin yun. Nandito rin ang bangtan, except sa kanya, dahil ang kapal lang din siguro ng mukha niya kung pupunta pa siya dito.

Lahat sila tumatawa. Ako nga lang ata di makatawa dito eh. Naaalala ko nanaman :(

Umakyat na lang ako ng kwarto at tinignan yung mga nasa dingding ko. Yung mga pictures namin. Yung mga notes sa pader ko. Kumuha ako ng box at doon nilagay ang mga regalo nya sakin. Wala nang mga silbi 'to.

Yung mga litrato.

Yung mga memories na ayoko nang matandaan pa.

Yung isang litrato doon noong pasko pa. Ako nakasimangot habang sya naman nakangiti. Ito kasi yung inaasar nya ako.

Ito nanaman 'tong pesteng luhang 'to! Kainis.

At sa huling pagkakataon, yun ang huling litratong nilagay ko sa kahon.

Sinarado ko yon at nilagay sa bodega namin.

Ayoko na.

"Tangina mo Min Yoongi. Sinayang mo ko! Tarantado ka. Ipapakita ko sayo. Makaka-move on din ako."

******

Ang lame hahaha. Tatapusin ko na to!

(181127)

Lost My WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon