Part 21: gift

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit ang iba naming mga pinsan kay Kaden at isa isang inabot sa kanya ang kanilang mga regalo.

"I heard you have plans tomorrow for your birthday kaya ngayon na namin ibibigay ang regalo namin sayo... Limang taon ka rin hindi nakapag celebrate ng birthday mo dito noh!" Ani ni Gia na nakanguso at hinalikan sa pisngi ang pinsan. Ganoon din ang ginawa ni Trish. Si Ate Angel ay matigas lang na niyakap si Kaden. Nag foist bumped naman ang ibang mga pinsan namin at ang ibang mga kakilala ni Kaden.

Pinasadahan ko ang paligid. Halatang pinagkaabalahan nila ito ngayon. May mga balloons na kulay blue at white sa paligid. May tarpaulin din na nakalagay na HAPPY BIRTHDAY KADEN.

Nagmano si Kaden sa mga Titos-Titas namin. Dumiretso kami sa Garden kung nasaan ang handaan.

Simenyas ako kay Kaden na abala ngayon dahil panay ang lapit ng mga bisita sa kanya. Sumenyas ako na aakyat muna ako sa aking kwarto. Tumango lang siya sa akin.

Nang umakyat ako sa hagdanan ay namataan ko si Gia at Trish na sumunod sa akin. Hanggang sa makarating na ako sa tapat ng aking kwarto.

"You bought a new watch? What the.. Tudor?" Gulat na gulat si Trish ng banggitin ang brand ng relo na nabili ko para kay Kaden.

Iniwas ko ang paper bag sa paningin nila at saka sinusian ang pintuan ng kwarto ko at pumasok. Sumunod sila sa pagpasok. Nilapag ko agad ang mga paper bags na hawak ko sa aking kama. Umupo roon si Trish at si Gia naman ay dumiretso sa malaking bintana sa gilid ng aking kwarto.

"Where have you been Cady? Kanina pa kaya kami nagttext sayo... Magkasama pala kayo ni Kaden?"

Pumasok ako sa aking walk in closet. Sumunod sila sa akin na para bang hinihintay ang magiging sagot ko. Kinabahan agad ako. Hindi ko alam kung ano ang irarason ko sa kanila. I'm not good at lying. Hindi ko sila matitingnan ng diretso sa mata.

Kunwari ay naghahanap na lang ako ng masusuot. "Nagkita lang kami sa Mall na pinuntahan ko kanina. I was with my classmate tapos nakasalubong namin siya. Sumabay na lang ako sa kanya pauwi." Pagsisinungaling ko.

"Really? Buti naman kung ganoon... At least naging successful ang plano ng Mommy mo sa surprise birthday para kay Kaden." Ani naman ni Gia. Tumango lang ako at saka lumabas ng walk in closet. Sinundan ulit nila ako.

"Why suddenly buy an expensive watch? Dapat nagpasama ka sa amin para matulungan ka namin mamili Cayd." Umupo si Trish sa kama at tinitigan ang paper bag ng Mamahaling relong binili ko kanina.

"Uhhh, that's not for me.." Sabi ko na lang.

"Huh? Gift mo? Kanino? O M G! Gift mo kay Kaden? This stuff is expensive!" Halos mag histerya si Gia at inangat ang paper bag.

"Ah, eh ano kasi... Limang taon naman siyang walang regalong natanggap mula sa akin eh." Tumango tango si Trish.

"Sa bagay..." Aniya. "Tara! Ibigay mo na to sa kanya... Dali! Tiyak magugulat yun pag nakita ang gift mo." Tumayo si Trish at kinuha ang paperbag.

Kinabahan agad ako. Ayoko pa ibigay iyon kay Kaden ngayon. I want to give it to him tomorrow. Sa mismong araw ng birthday niya.

"Bukas na lang Trish."

"Huh? Eh bakit? Lahat kami binigay na namin sa kanya ang mga regalo namin. Tara na, ibigay mo na." Kinagat ko ang labi ko. Hindi pa pwede. Hindi ko pa pwedeng ibigay sa kanya ito ngayon.

"Bukas na lang..." Pag uulit ko.

"May lakad nga siya tomorrow eh. Baka di mo pa maibigay to bukas kaya ngayon mo na ibigay." Ani ni Gia. Tumango si Trish sa kanya na pra bang tama ang sinabi ng kapatid. Umiling ako. Maninindigan akong hindi ko muna ito ibibigay kay Kaden ngayon.

"Cady?" Nagtinginan kaming tatlong magpipinsan ng marinig namin ang boses ni Kaden sa labas ng kwarto ko. Shit. Bakit siya nandito?

Tumayo si Trish at dumiretso doon sa pintuan. Bago niya iyon buksan ay nagsalita siya. "Kaden's here. Give it to him."

Iniluwa ng pintuan ko ang nakangiting si Kaden. Napawi ang ngiti niya ng makitang hindi ako ang bumukas ng pintuan. Dumiretso ang tingin niya sa loob ng aking kwarto at nagtama ang mga mata namin. Binuksan ni Trish ng mas malaki ang pintuan ko. Kaya ay walang nagawa si Kaden at pumasok na rin siya dahil sinenyasan siya ni Gia na nasa likod ko.

Inangat ni Gia ang paper bag na regalo ko kay Kaden. Hindi ko magawang mainis sa kanila dahil ako lang naman itong gustong ibigay ang regalo ko sa mismong araw ng birthday niya. Inabot ni Gia sa akin ang paper bag at tiningnan si Kaden na nagtatakang palipat lipat ang tingin sa amin ni Gia at Trish na ngayon ay tumabi na rin sa akin.

I bit my lower lip and i was forced to gave my gift for Kaden. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin at inabot ito.

"Happy birthday... It's my gift for you." Ngumisi agad siya at binalingan ang paper bag. Pero hindi niya ito binuksan at inabot ang kamay ko para patayuin ako sa aking kinauupuan. Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa... Hinatak niya ako at niyakap! Shit! In front of our two cousins!

Mahigpit ang yakap ni Kaden sa akin. Ilang sandali pa ay niyakap ko na rin siya pabalik. He kissed my hair and whispered thank you kaya ay tumango ako ng tumango

"Uy, grabe ah! Hindi ako nakatanggap ng ganyang yakap ng iabot ko sayo ang gift ko." Lumayo ako kay Kaden at nakita ang naka-crossed ang mga braso ni Gia at ngumuso. Kinabahan ako sa sinabi niya pero ng tumawa siya at niyakap din siya ni Kaden ay kumalma na ako.

Ganoon din ang ginawa niya kay Trish ng magsalita ito. "Sino ba naman ang hindi mapapayakap kung Tudor ang regalo sayo hindi ba?" Natawa si Trish at niyakap na siya ni  Kaden. Pinasalamatan niya ang mga pinsan namin.

"Come on, let's go down stairs. The party is still starting..." Ani ni Gia.

"Dito muna ako... Cady and i have something to talk about." Tumango ang dalawa kong pinsan sa sinabi ni Kaden at umalis na sa kwarto ko.

Naestatwa naman akong nakatitig kay Kaden na ngayon ay nakikipagtagisan ng titig sa akin. Mabilis na nang init ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

"This shit is expensive Cady." Aniya at inangat ang regalo ko. Unti onti siyang lumapit sa akin. Ako naman ay napapaatras. Pakiramdam ko ay mapapaso ako kapag lumapit siya sa akin. "I don't need any material things from you baby... All i need is... You..." Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at hinapit ang bewang ko. Para akong nakalutang ngayon dahil halos ilang pulgada lang ang lapit naming dalawa. Hindi ko na alam kung nakakahinga pa ba ako ng tama.

"I love you Cady..." Mapupungay ang mga matang sambit niya sa akin.

Napakagat ako ng pang ibaba kong labi. Para na akong mapapaso sa sarili kong pisngi dahil nang init na naman ito.

"I love you too Kaden." He hugged me from my neck before we went downstairs.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon