"Talaga Ma? Sabi mo yan ahh.."

Natawa nalang ako sa inasal nang binata ko.

Ang bilis nang panahon.

Parang kelan lang, makulit at bugnutin pa tong anak ko pero ngayon, may pagkapilyo at mapaglaro na.

"Oo na... Magbihis kana! Mamaya lang darating na ang mga kapatid mo at daddy mo, kasama ang mamita mo."


Ngayon kasi ang death Anniversary ni Papa Omeng.

Namatay siya 2 years ago.

May sakit pala sa puso si Papa hindi niya lang sinasabi saamin.

The moment na malaman niyang may sakit siya ay napagdesisyunan niyang ipakasal nang maaga si Daniel.

Gusto niyang makasama at maalaagaan ang magiging Apo niya kahit sandali. Kaya nga tuwang tuwa siya nang malaman niyang nagbubuntis uli ako. Lalo na nang makita niya ang kambal. Hindi ko madescribe ang tuwang nararamdaman niya nang makarga niya ang dalawang bata. Halos siya narin ang nag-alaga sa kambal nong baby pa ito.

Sabi nang doctor kahit papano, maswerte pa daw si Papa dahil tumagal pa siya sa iniexpect nang doctor sa kanya.

Si Mama Karla naman, si Magui ang kasama niya sa bahay nila.

Si Magui narin ang nangangalaga nang Kompanya.

Iba kasi ang gustong gawin ni daniel.

Kaya after a year ng kasal namin ni Daniel, nagtayo kami nang business, which is malapit sa puso naming dalawa.

Ang Beach and Resort.

KathNiel Infinity.

In batangas.

Lahat ng Design ay Infinity.

Even the pool and the beach.


"Ma?"


Malambing na tinig ng Panganay ko.

"Hmmm?"



"Ma? Baby mo parin ako naman ako diba? Kahit nadiyan na si Sam at Sky?"

Nakabackhug siya saakin.

Napangiti ako sa sinabi ni Dylan.

"Oo naman. Ikaw lang ang bigboy Ni Mama okey? Kaya ako lang din ang babaeng mahal mo ha? Wala nang iba?"

Biro ko sa kanya.

"Ay malabo yan Ma..."


"Ah ganun..."



"Biro lang Ma.. Ahhaha"



"Magbihis kana dun, baka masapak ka ng papa mo kapag nakita niyang mabaho ka parin"



"Grabe ka Ma, ang bango ko kaya."


Napailing nalang ako.

Sa tatlong anak ko, si Dylan ang malambing saakin.

Si Darielle Sabrina at Deianeira Sky ay Papa's girl.

MARRIED TO MY IDOL (KATHNIEL)Where stories live. Discover now