MTMI32

7.7K 141 6
                                    

HIS POV

"Okey kana ba?" Tanong ko kay kath.

Kakatapo ko lang siyang pakainin at painumin nang gamot.

Tumango siya.

"O-oo, okey na ako. Salamat !" Nanghihina parin niyang sabi.




Hindi makakaila na naiilang siya sa sitwasyon namin ngayon.

Parang may gusto rin siyang sabihin na hindi niya masabi sabi.

Kong anu man yun, handa akong pakinggan siya.




"Sige magpahinga kana uli" sabi ko habang inaayos ang hinihigaan niya.

"Hindi na ako inaantok, okey na naman ako" sabi pa niya.

"Sure ka?!" Tanong ko sa kanya.

Tumango ulit siya.

"Salamat sa pag-aalaga sakin *smile*" yong smile niya alam kong totoo yun. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ganong smile.

Ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Wala yun, ikaw pa malakas ka sakin ee hehehe"sabi ko.

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

Maya maya ay tumahimik na ulit.

Swear ang awkward!

Parang first time ulit naming magkakilala.

Nagkakailangan pa kami.

"Anong gusto mong gawin?! Si dylan hindi na muna pinapasok dito baka mahawa daw sayo" sabi ko sa kanya.

"S-siguro nga kailangan na nating mag usap----

Hingang malalim.


"Ayoko na nang ganito, ang bigat bigat lagi nang nararamdaman ko. Halos araw-araw na akong inaatake nang hika ko dahil sa kakaisip kong paano ko ba sisimulan ipaliwanag sayo lahat" mangiyak ngiyak niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Kath, kong hindi mo pa kaya okey lang. Wag mong pilitin, baka mapano kapa" pag aalala ko sa kanya.

Umiling siya.

"Mas lalo lang akong mahihirapan kapag pinatagal ko pa to".sabi niya.

"Nasa iisang bahay lang tayo. Ayoko nang ganito, yong limitado lang ang kilos. Yong laging may iniiwasang tao. Yong pakiramdam na lagi kang natatakot dahil baka mamaya isang pagkakamali mo lang maungkat ang nakaraan mo. Dj ayoko na nang ganun. Ang bigat bigat sa pakiramdam, gusto ko naring maging isang mabuting ina kay dylan, dahil hanggat sinisisi ko ang sarili ko, hindi ko magagampanan ang pagiging ina ko. Alam mo kong bakit? Dahil sa tuwing nakikita ko si dylan, bumabalik palagi sa isip ko ang nakaraan. 6 years na dj, pero hanggang ngayon namumuhay parin ako sa nakaraan ko. 6 years na pero hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko. 6 years na dj, pero hindi ko parin makuhang mahalin nang buo si dylan at nasasaktan ako para sa anak ko----".umiiyak niyang sabi.

I feel the pain.

Sa bawat pagbigkas niya nang mga salita nararamdaman ko kong paano siya nagdusa nang isakripisyo niya ang pagmamahalan narin para lang sa pangarap ko.

Pinagsisisihan ko na sinisi ko siya sa mga panahong iniwan niya ako.

Akala ko ako lang ang sasaktan, pero mas doble pa pala ang sakit na nararanasan niya.


"Dj, i-im sorry sa nagawa ko. Im so sorry !!! Hindi ko ginustong iwan ka pero kailangan. .....Sa maniwala ka't sa hindi? .........Mahal na mahal kita to the point na kailangan kitang e give up para matupad mo ang matagal mo nang pinapangarap ! .........Dj, ayokong masira lahat nang plinano mo dahil sakin, ayokong maging selfish, kaya kahit ayaw kitang iwan, ginawa ko." Humahagulgol na siya. Yong iba halos hindi ko na maintidihan.

"Alam mo kath, nang umalis ka?! Pati puso ko nadala mo. ..... Wala kang ideya kong anu ang naging buhay ko sa america, alam mo ba yong pakiramdam nang buhay ka pero para kang patay?! Ganun ako kath !!! Hindi ko magawang ngumiti, hindi ko magawang maging masaya, dahil ang totoo?! Nasasaktan ako... Sobra sobra !!! Araw araw kong inisip, anu bang mali ?! Anu bang kulang?! Ginawa ko naman lahat ahh. Bakit niya parin ako iniwan?!! Siguro nga hindi mo talaga ako minahal, kaya madali lang sayo ang iwan ako !!! Alam mo yong pakiramdam nang pinaplano mo ang magiging future niyo, tapos ang babaeng mahal ko pala ay ang pag iwan sakin ang plano !!! Ang sakit sakit kath, hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan yong araw na iniwan mo ako. Tinanggap ko lahat nang sinabi mo nun, pero alam mo ang hindi ko matanggap ?! Ay yong sabihin mong hayaan kitang sumaya. Dun ako nasaktan kathh ! Kaya hinayaan nalang kita nong araw na yunn. Dahil hindi pala ako yong taong makakapagpasaya sayo !!!!" Bumibigat narin ang paghinga ko. Any moment ay tutulo na ang luha ko.

After 6 years ngayon ko lang nalabas lahat nang gusto kong sabihin.

"Pareho tayong nakulong aa nakaraan natin kathh, .... Alam mo ba ang balak ko talaga ay kausapin ka para masara na ang lahat. Para sumaya na ako. Para mamuhay na ako nang walang pag aalinlangan. Para maging malaya sa nakaraan?!! Nang makilala ko si dylan, at nalaman ko kong anu ba ang relasyon naming dalawa, naalala ko lahat nang masasayang alaala natin. Yong mga panahong mahal natin ang isa't isa. Yong panahong hindi kapa takot na mahalin ako. Yong panahon kong paano ka magsakripisyo kahit hirap na hirap kana sumasama ka parin sakin dahil gusto mo masaya ako. Yong panahong ramdam kong totoo ang pag-aalaga mo. Yong panahong suportado mo ako sa lahat nang achievements ko. Yong panahong ikaw lang at ako na masayang namumuhay sa kabila nang mga pinagdadaanan natin masaya parin tayo. Si dylan, siya ang simbolo nang ating pagmamahalan, at siya rin ang magiging daan para mabuo ulit ang pamilyang matagal ko nang pinapangarap"

Napatingin siya sakin.

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya.


"Simula nang dumating ka sa buhay ko, wala na akong ibang pinangarap kundi ang makasama ka at magkaroon nang isang masayang pamilya, mahal na mahal kita kathryn, mula noon at hanggang ngayon ! Hindi ko maimagine ang buhay ko kapag wala ka ! Ikaw ang buhay ko kathryn, kayo ni dylan. .......Wala na akong pakialam sa nakaraan natin. Ang mahalaga ay yong ngayon, ikaw, si dylan at ako, bubuuin natin ang pamilya natin. Kathryn, mahal mo parin ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Pinunasan ko ang mga tumutulong luha sa mata niya.

Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"D-dj" mahinang tawag niya.

"Please, give us another chance. Magsimula tayong muli. Kong kinakailangan kitang pakasalan ulit gagawin ko, kahit saan simbahan pa yan." May halong pagmamakaawa ang boses niya.


"No need" tipid niyang sabi.


"Hindi mo kailangan magmakaawa. Kong tutuusin mas malaki ang kasalanan ko. Hindi kita pinaglaban, bumitaw nalang ako basta basta. Sinaktan kita nang sobra, kaya ako dapat ang magmakaawa sayo na bumalik kana sakin. Dahil hindi ko na ata kakayanin sa mga susunod na araw,buwan o taon nang wala ka sa buhay ko. 6 years is enough para pagsisihan ko lahat nang maling desisyon ko. Mahal na mahal na mahal kita daniel mula noon hanggang ngayon, ikaw at ikaw lang ang sinisigaw nang puso ko." Nakangiti niyang sabi.

Mabilis ko siyang niyakap !

God knows how much i love her !

Ilang taon kong pinagluksaan ang pagkamatay nang puso ko.

Ngayon na nandito na siya uli, hinding hindi na ako papayag na mawalay siya sa akin.

I can't imagine my life without her, siya ang buhay ko. Sila nang anak ko !





****

Updated...

MARRIED TO MY IDOL (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon