MTMI26

7.1K 135 3
                                    

HER POV

" sofie, anong schedule ko this week?" Tanong ko sa secretary ko pagkadating ko sa office.

" wala naman po mam, this coming friday lang po, 10th anniversary nang Cebu Centro Mall, kailangan niyo pong umattend nang party nila, and mag bibigay po kayo nang awards sa mga staff na nag stand out sa taong ito. Yearly po ito ginaganap mam" sabi sakin ni sofie.

Tumango nalang ako.

Kailangan pa pala nang ganun?!!

Hindi manlang ako nainform ni papa.

Party?! So, kailangan kong mag'gown?!

Buti nalang at si papa na nagpresintang ipa.enroll si dylan. Juskoo wala na akong alam na skwelahan na pwedeng pasukan ni dylan ! Lahat nalang ay inaayawan na siya. Nakaka urat na !

HIS POV

" alam mo anak, wala talaga akong balak pangunahan si kathryn e, pero nakikita ko ang hirap niya sa pagdedesiplina kay dylan, maski ako ay hindi ko narin alam ang gagawin ko. Mabuti nga sigurong dalawa kayo ang magtulong sa pag - aalaga nang anak niyo" aniya ni papa.

Inamin na niya sakin ang lahat.

Siya pala ang tumulong para makaalis si kathryn nang bansa, kapalit nito ay siya ang papalit kay papa sa company.

Pero tinanong ko kong anu ang dahilan kong bakit niya nagawa yun ay hindi alam ni papa. Nagulat nalang daw siya nang puntahan siya sa kompanya at gustong nang ipa.annual ang kasal namin.

Nandito si dylan sa bahay, alam na niya na ako ang papa niya. Akala ko nong una ay magagalit siya sakin. Kasi diba ganun sa mga pelikula, kapag nalaman nilang buhay pa ang ama nila ay magagalit ito. Pero si dylan, hindi. Tuwang tuwa siya nang malaman niyang may papa pa siya.

Ang mga kapatid ko tsaka si mama tuwang tuwa. Almost perfect na sana!

Kagagaling lang nila ni papa sa school na papasukan niya. Grabe pala itong batang to sa kapilyohan, wala pang 5 months ay 5 school na ang nag kick out sa kanya. Hahaha

" tingnan mo ang anak mo, kahit kailan hindi ko pa yan nakitang ganyan kasaya. Ngayon lang ! Madalas silang mag away nang mama niya, hindi na kasi kinakaya Ni kathryn ang kasutilan ni dylan kaya minsan napagbubuhatan niya ito nang kamay". Alam na alam talaga ni papa ang mga nangyayari sa mag-ina ko. Samantalang ako? Hindi ko alam kong saan ko sisimulan ang pagiging ama ko.

Kinabukasan nagulat ako na nandito na naman ang anak ko.

" nasa cebu ngayon si kathryn, 10th anniversary nang Cebu Centro Mall, kailangan siya dun kaya sinundo ko si dylan. Pinagpaalam ko na sa kanya, yun nga lang ang alam niya ay mamamasyal lang kami" sabay bigay niya sakin kay dylan na nakatulog pala.

Nagpasalamat ako kay papa saka ako umakyat sa kwarto para ihiga si dylan.

Si dylan ! Siya ang bunga nang pagmamahalan namin ni kathryn. Minahal nga ba niya ako?!!
Tama si mama at papa, ako ang dapat nakakakilala kay kathryn, alam ko at ramdam ko na mahal din ako ni kathryn. Hindi ko lang alam bakit niya ako nagawang iwan.
Parang biglaan ang lahat, bago pa ako umalis ay ang saya saya pa namin, gusto pa nga niyang sumama sakin noon e kaso hindi siya pweding mag.absent.
Pagkauwi ko, nakita ko nalang na may mga maleta sa tabi niya. Hindi pa siya nagsasalita ay alam ko na ang ibig sabihin nun.

Sa tuwing maaalala ko ang mga pangyayaring yun ay diko maiwasang masaktan.

" Papa, gusto ko na pong tumira dito " biglang sabi ni dylan.

Naghahapunan kami ngayon, kaya napatingin sila mama sa gawi namin.

" a-ahh anak, kasi hindi pa alam nang mama na nagkakilala na tayo, baka magalit siya" nag-aanlinlangan kong sagot.

" lagi naman talagang galit yun e, ganun po ba siya dati papa? Masungit, laging galit at hindi manlang ngumingiti" tanong sakin ni dylan na ikinagulat ko.

Kabaliktaran ang mga sinasabi ni dylan ngayon sa kathryn noon. Dati kahit naghihirapan na nakukuha parin niyang ngumiti. Hindi rin siya marunong magalit.

" a-ahh , madami lang iniisip yun si mama kaya ganun. Saka nalang natin problemahin yun kapag nakabalik na siya, kukombensihin ko siya na dito na kayo tumira" sabi ko sa kanya.

" promise papa ha, ayoko dun sa bahay namin malungkot. Si yaya lang lagi kong kausap. Hindi naman ako pinapansin ni mama, napapansin lang ata ako nun kapag may problema sa school o di kaya papagalitan niya ako" pagsusumbong niya.

Hindi ko pweding husgahan si kathryn sa pamamaraan nang pagpapalaki niya kay dylan. Mahirap ding tumayo bilang ina at ama lalo nat pilyo ang anak mo.

Nakatulog na si dylan, marahil ay napagod siya sa paglalaro namin nang xbox, kaya heto ako sa terrace nagpapahangin.

" son ! Sigurado kaba dun sa sinabi mo dun sa bata?" Tanong ni papa sakin.

" Pa, mukhang hindi naman naaalagaan ni kathryn si dylan. Ayoko rin naman na paghiwalayin silang dalawa kaya papakiusapan ko siyang dito nalang tumira. Atleast nandito si mama, magui at carmella maraming mag-aalaga sa kanya. Baka sa mga susunod na araw nasa kulungan na ang anak ko, ngayon pa nga lang ay muntik na siyang makapatay anu pa kaya kapag nagbinata na yan" sabi ko.

" tsaka nakapagdesisyon na po ako, hindi ko na itutuloy ang pag-aartista ko. Gusto kong magfocus sa pagiging ama ko. 5 years din kaming hindi nagkasama. Bubuoin ko po ang nasira naming pagsasama" dugtong ko.

Napangiti si papa sa sinabi ko.

" dati ayaw na ayaw mong bitawan yang pangarap mong yan. Halos araw-araw nalang tayong nagbabangayan dahil ang gusto ko mag-aral ka para kapag graduate kana ay ikaw ang pumalit sakin. Pero ipinaglaban mo ang pangarap mo, kaya nga ako humantong sa fix marriage e, naging maganda naman pala ang epekto sayo nang fix marriage na yan hahaha" sabay tawa si papa.

" alam mo pa, ang laki nang dapat kong ipagpasalamat sayo, kong di dahil sayo hindi ko makikilala si kathryn. Binago niya ako pa. Pati pangarap ko ginusto kong isuko para sa kanya. Nong dumating ang result nang audition ko sa williams film, nakapasa ako. Ilang beses akong pinilit ni Mr.M na subukan ko kahit 2 years lang. Mabilis akong tumanggi, dahil si kathryn agad ang inisip ko. Hindi ko kayang malayo kay kathryn, ikamamatay ko" sabi ko.

" magiging okey din ang lahat anak. Magtiwala kalang" nakangiting sabi ni papa.

Saka niya ako tinapik tapik sa likod.

Bukas ! Babalik na si kathryn.

Hindi ko alam kong anu ang mangyayari.

Basta ang alam ko lang ay kailangan ko silang iuwi sa bahay, sa ayaw at sa gusto niya.

Pumasok na ako na kwarto, nakita ko ang himbibg nang tulog nang anak ko.

Tumabi ako sa kanya sabay himas nang pisnge niya.

Anak pangako, bubuuin natin ang pamilya natin. Ikaw, ang mama mo at ako.

Magiging isang maganda at masayang pamilya tayo.

Ibabalik ko sa dati ang mama mo.

Pangako yan !

***

Martyr ba si Daniel?!

Hahaha

Update...

MARRIED TO MY IDOL (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon