CHAPTER 1

6 1 0
                                        

SATANA POV

TAHIMIK akong naglalakad sa hallway na punong-puno ng maiingay na estudyante. Akala mo ay may nagaganap na welga dahil sa ingay na nagagawa ng mga estudyante. May nagyayakapan, nagtatawanan, naghihiyawan at lahat sila, mukhang tanga.

Nakasuksok ang pareho kong mga kamay sa bulsa ng jacket ko. Malaki ang school na ito, ang Wisdom University. May malawak na hallway, malalaking mga building at malawak ulit na hallway. Wala akong gana maglibot at wala talaga akong pake. Dumiretso lang ako sa kuwarto na magiging kulungan ko sa loob ng isang taon. Sa labas pa lang ng kuwarto ay may mga estudyanteng mga naka-uniform na alam kong 4th year high school katulad ko. Ang iba naman ay mga naka-sibilyan pa hudyat na sila'y transferee katulad ko ulit.

Tuloy-tuloy ako pumasok, may apat  na row at tig-li-limang upuan bawat row. Naupo ako sa pangatlong row, at pangatlong upuan, sa madaling salita, nasa gitna ako na gustong-gusto ko para makikita ko ng maayos ang pisara. At dahil wala akong balak makipag-usap sa kahit na sino, isinabit ko ang hood ng jacket ko sa ulo ko, yumuko at pumikit.

CUPID POV

BWISIT!!!!!

Ngayon pa lang may pakiramdam na 'ko na hindi magiging maganda ang taon na 'to. Dahil 'di maganda ang simula!! Bwisiiiit!!!

Gusto kong bulyawan lahat ng babaeng parang inaatake ng epilepsy pagdaan ko. Pero sadyang puno ang isip ko at ayaw ko na dagdagan ang init ng ulo ko!

Kunot-noo akong dumiretso sa room ko para sa taon na 'to. Agad na hinanap ng mata ko si Waltre at Leon.
'Di naman ako nahirapan dahil as usual sa dulong row sila naupo. Kinawayan nila ako at padarag na naupo ako sa pangatlong upuan sa gitna nilang dalawa. Nakakaasar talaga!!

"Hahaha... mukhang wala sa mood dre ah? Meron ka?" Sinamaan ko ng tingin si Leon, itinaas naman niya ang dalawang kamay na animong sumusuko.

"Tsk... mukhang wala nga sa mood." Bulong niya pa.

'Di ko na lang siya pinansin pero kinalabit niya ulit ako!

"Pssst... ano nga?"  Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Pero nagpatuloy siya sa dada niya! "Putsa pre! Parang 'di mo naman kami na-miss niyan eh!" Madamdamin pa kunwaring hinanakit niya.

'Di ko na napigilan at napasigaw ako. "Arrrrggggghhh! Nakakaasar! Nakakabanas! Nakakabwisit!" Gulat naman silang napapatitig sa 'kin.

"Ano bang nangyari?" Seryosong tanong ni Waltre.

Napabuntong-hininga naman ako at saka ko sinimulan ang kwento.

"Gan'to kasi mga pre. Kanina sobrang excited ko pumasok--"

"Putsa grabe nga nangyari sa 'yo!" Singit ni Leon kaya nabatukan siya ni Waltre.

Siraulo talaga.

"Wala pa! Manahimik ka nga bago kita dalhin sa Manila Zoo!"

"Ho-- hoy! Grabe ka ah!"

Tsk....

'Di ko siya pinansin ulit at nagpatuloy sa kwento. "'Yon na nga..." sinamaan ko muna ng tingin si Leon bago magsimula at si Waltre naman ay walang ginawa kundi tumawa ng nakatakip ang kamay sa bibig. Bading..  "Pagka-park ko ng mamahalin kong kotse--"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNKNOWNStories to obsess over. Discover now