Wrong Timing 4

195 5 0
                                        

Chapter 4

"Anthony?"

Unti-unting lumingon sakin ang lalaking sinusundan ko.

"Bakit?"

"ah. sorry po. Akala ko po kasi yung kakilala ko. Kamukha mo lang po pala"

Hindi pala si anthony.

bakit ko pa ba sinundan to, imposible naman talaga pupunta si anthony dito.

tinignan ko ulit ang buong paligid ng salon. Napapraning lang siguro ako.

Pagkagaling ko sa salon, pumasok na agad ako sa coffee shop.

"bat ganyan ang itsura mo?" tanong ni ate paul

"wala. akala ko kasi si anthony yung pumasok sa kabilang salon"

"si anthony? Adik! Ano namang gagawin nung sa kabilang salon, eh exclusive sa babae at bakla yung salon"

"napagkamalan ko lang. Teka, bakit mo ba ko pinapunta dito?"

"wala kasi kong kasama. Tignan mo naman yung mga nakapalibot satin"

Tumingin ako sa buong coffee shop at halos mga couples yung andito. Kung hindi man magkarelasyon, magbabarkada. Kung di ako dumating, si ate lang yung walang kasama.

"magboyfriend ka na kasi"

"pinapunta kita dito hindi para pag-usapan ang lovelife ko"

"okay! chill lang. Bakit ka pala andito? Dumayo ka pa talaga para magkape, eh pwede naman dun sa kompanya nyo"

"May gagawin akong exclusive interview kay Shal Diaz. Dito yun gagawin pero mamaya pa namang mga 3"

"Wow ate! 3 pa pala, eh 1:30 pa lang oh. Halatang di ka excited ha"

Si Shal Diaz, malaDaniel Padilla yung look nya. Action star yun eh.

Pagkatapos naming mag-usap ni ate, bumalik na agad ako sa WEUN.

"San ka galing? Kung san san na ko napunta sa kakahanap sayo" sabi sakin ni travis pagkakita ko sa kanya.

Nahalata kong nakatingin samin yung mga estudyanteng naka-upo sa bench. Baka akala nila, magsyota kami ne'tong si travis.

"halika nga dito!" hinila ko sya papunta sa may likod ng building. "Paminsan minsan kailangan ko namang lumayo sayo. Napapagkamalan na kong girlfriend mo. Mamaya nyan masabihan pa kong malandi ng mga travisholic mo"

"psh! Porket gwapo ako, di ko na pwedeng maging tropa ang katulad mo?!" sabi nya na parang ang taas taas ng tingin nya sa sarili nya.

tinignan ko naman sya ng masama.

"joke lang naman." Sabi niya pagkatapos ay kumapit pa sa isa kong braso.

"bitawan mo nga ako! Nagmumukha kang unggoy sa kakakapit mo!"

binitawan nya naman agad ako.

Naglakad na kami paalis sa likod ng building.

"Nga pala. Bat mo ba iniiwasan si devon? Parang ang init ng dugo mo sa kanya!"

"Next question please!"

Batukan ko to! Kung makanext question please kala mo artista. Porket may fan page na, feeling sikat na agad!

Wrong TimingWhere stories live. Discover now