Chapter 2
"hello po" bati ko sa papa at mama nya. Dagdag ganda points din kapag approachable ka.
"Hello ija. You must be.... justine, right?" tanong ni tita.
Ang ganda ng mama niya. Parang kapatid lang ni anthony. Halata ding sa bangko siya nagtatrabaho, pangBDO ang suot nyang uniform eh.
Bigla naman akong natauhan ng siniko ako ni anthony.
"tinatanong ka ni mama" bulong niya.
"AH! Yes. Yes ma'am. Ako po si justine"
"don't call me ma'am. Napakapormal naman pagganun. Tita na lang"
"ah. sige po tita" tapos ngumiti ako sa kanya.
Mas nadagdaggan ang nerbyos ko ng mapansin ang papa ni anthony. Nakasuot pa ng pangpulis na uniform!
"Justine, parents ko. Pa. Ma. Si justine po, girlfriend ko!"
Yung pagkakasabi niya ng "Pa. Ma. Si justine po, girlfriend ko" nag-eecho pa sa utak ko hanggang ngayon. Ang baduy ko man pero ang sarap pakinggan eh.
"hoy justine! Tawag ka ng prof natin!"
"ha? ah. Ma'am? Present po!" natataranta kong sabi sabay taas ng kanan kong kamay.
napansin ko namang nakatingin sakin yung mga kaklase ko.
"tanga! magpapakilala ka!" sabi sakin ni travis.
bigla naman akong napatayo.
"Sorry ma'am. Sorry po."
"next time papaalisin na kita pagdi ka nakikinig! This will serve as your warning."
"Yes ma'am."
"Introduce yourself!"
tinignan ko si travis at nagets nya naman ata yung ibig kong sabihin.
"Name. Age. Kung anong kinaaabalahan mo ngayon at expectation sa teacher" pabulong na sabi niya.
"Good Afternoon everyone. I'm Justine Abella. 17. Member po ako ng taekwondo team ng WEUN, yun yung kinaaabalahan ko ngayon. Expectation? Ahm. Sana po magampanan nyo yung responsibilidad ng pagiging teacher namin" sabi ko.
Pagkatapos ni travis magpakilala tinanong niya agad ako kung bakit daw tulala ako kanina at di nakikinig sa prof namin.
"wala" sabi ko sa kanya.
Di ako makapagconcentrate dahil iniisip ko pa rin yung lunch date namin.
7:30 na ng gabi ng matapos ang klase ko.
Naglalakad kami ni travis sa hallway ng makita namin si sashi.
"SHI!" sabay pa naming sigaw ni travis.
"oh? musta? pauwi na kayo?"
"oo. tara! sabay sabay na tayo"
"una na kayo. May klase pa ko eh. 9 pa ko makakauwi. Ako pala yung mauuna, malalate na ko eh. Babye" sabi niya habang naglalakad papunta sa isang building.
"musta nga pala yung date nyo nung boyfriend mo?" tanong sakin ni travis.
"kalalaki mong tao napakachismoso mo!"
YOU ARE READING
Wrong Timing
FanfictionMay Tatlong GWAPO daw sa mundo : 1) BAKLA 2)TAKEN 3)MAGPAPARI. At sa dami ng lalaki sa mundo, sa kanila pa ko nainlove?!
