Sunset

17 1 0
                                        

"Ngiti naman dyan, o!" Sigaw mo sa'kin habang hawak-hawak ang iyong phone sa mga palad mo. Imbis na gawin ang sinabi mo, tumingin na lang ako sa ibang direksyon at di umimik. Nakita kitang tumatawa sa gilid ng mga mata ko.

"Aruy, namumula siya oh! Dali na, ang ganda-ganda pa naman ng sunset sa background mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi mo at agad na tinakpan ang mukha ko. "Ano ba, umuwi na nga tayo! Kung nagagandahan ka dyan sa sunset, tingnan mo na lang, wag mo nang picturan!"

Nang di ko napapansin, lumapit ka sa'kin at inalis ang pagkakatakip ko sa mukha. "Hindi lang naman ako nagagandahan sa araw kaya gusto kong kuhaan ng picture."

With that stupid grin on your face, you mumbled to me so softly, that I almost didn't hear.

"Pati rin sa'yo--"

"Huy, okay ka lang?"

Nabalik ako sa katotohanan ng boses mong nag-aalala. What the fuck, was I daydreaming again? God, ang lalim ko na talaga.

"Bigla ka na lang tumigil. Okay ka lang?"

Doon ko lang na-realize kung anong ginagawa ko. Kasalukuyan (wow, big word) tayong naglalakad sa tabingdagat. Galing tayo sa eskwela at hapon na, pero nakakasilaw pa rin ang sikat ng lumulubog na araw.

"Um, uh, oo, este, wala. Okay lang ako, yup," ninenerbiyos kong tugon sa'yo. "Ano, iniisip ko lang yung results ng exam. Baka kasi mababa ang score ko."

Sa pagkasabi kong iyon, bumalik ang ngiti mo. "Iyon lang pala. Pssh, wag mo nang alalahanin yun, ikaw pa. Dapat nga, ako ang nag-aalala sa score ko eh," biro mo pa.

I tried to laugh at your joke. I couldn't muster anything but an awkward smile.

Hindi mo pinansin ang reaksyon ko at nagpatuloy sa paglakad. Aaaaahhh, gusto kong suntukin ang sarili ko. Mananaginip na nga lang nang gising, ganoong klase pa. Diyos ko.

Sumunod ako sa'yo sa paglalakad habang tinitigan ang likod mo at napabuntunghininga.

Noong una, wala pa talaga akong crush sa'yo. Nakilala kita through my best friend. Naaalala ko pa, naisip ko pagkakita sa'yo, "Ah, medyo gwapo siya." Ganun lang.

Di ko rin alam kung kailan ako nagkagusto sa'yo. Siguro, gradually, paunti-unti, araw-araw, may isang part sa akin na nahulog sa iyo. Ang bait mo kasi sa akin. Well actually, mabait ka sa lahat. Matulungin ka, masarap kasama, napapangiti ako tuwing kausap ka.

But maybe, I realized these feelings for you, when I saw you staring at the setting sun while trying to hold back your tears.

Nasa beach ako noon, nangongolekta ng seashells para sa isang project sa school. Hapon na, palubog na ang araw. Tanda ko pa, labing-apat na shells ang nakuha ko nang mapansin kita sa tabingdagat, nakatingin sa malayo nang may ngiti sa mga labi. "Hoy!" Isisigaw ko na sana sa'yo at lalapitan ka, pero napatigil ako nang makita kong pinupunasan mo ang mga mata mo.

Hindi ko alam kung may pinagdadaanan ka ba noon at kung ano iyon, kung okay ka na ba ngayon. Ang tangi lang na tumatak sa isipan ko noon ay, "Ah, tao rin siya."

Ang weird na thought, no? Malamang tao ka.

Sa simula't simula pa kasi, ang impresyon ko sa'yo ay isang mabait, palangiti, at masayahing tao. Yung tipo bang parang walang pake, walang problema sa mundo. Yung taong ibang-iba sa akin.

Kasi ako, madalang lang akong ngumiti. Kadalasan, ang itsura ko, yung para bang pasan-pasan ko ang lahat ng hirap, pasakit, suliranin sa mundo. Masungit, iritable, nakakatakot.

Iyon siguro ang rason kung bakit kita nagustuhan, pero at the same time, kung bakit ako naiinis sa iyo.

Because I thought it was unfair that you didn't have any worries. You're not a person with feelings; you're someone not completely human, that's what I thought of you.

SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon