"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Masungit na tanong niya.



Umiling iling ako an clipped my lips together. I heard him 'tss'ed kaya binalewala ko nalang iyon. Atleast he touched my lips! Nyaha!


-


"It's the time of the year my dear students, gagawa ulit tayo ng house models!" Nag evil laugh and prof namin and my blockmates groaned including me. "By the way mas papahirapan ko kayo ngayong sem because.. By pair lang ang groupings. One girl, one boy." Prof smirked.




"HUUUUUUUUUUUHHHH?!" The whole class reacted.




"Mwahahahaha! You've gotta love me my dear students. Osige na iggroup ko na kayo.. Let's start with Ms. Cruz and Mr. Topacio!"



Napapout nalang ako dahil sa pagka-asar. Kainis! Huhuhu! Usually by 5 ang groupings dyan eh.. Anyare ngayon? Bakit by twos lang? Ang hirap nun for sure! And it will demand time!



"Ms. Kaligayahan and Mr. Montereal!" Nakangiting pang-asar si Prof sa akin.




"Ayieeee!" Kantyaw ng buong klase. Well, they all know that I like Callixte.




"Si Prof naman masyadong boto sa amin ni Callixte.. Joke!" Tumawa ang lahat sa sinabi 'ko including Prof.




"Marami kasing absent sakin 'tong si Callixte. Kaya para maihatak ang grades... I'm pairing him to you, Porsche. Kilig ka ba?" Natawa nalang ako sa sinabi ni Prof habang kinakantyawan kami ng buong klase.



Nang mag-dismissal ay inapproach ko si Callixte regarding 'don sa house model na gagawin namin.



"I have a training, Porsche.. If you could wait.. Until 8 pa iyon." Aniya habang nasa locker room kami.




"Eh, saan ba tayo gagawa ng draft?" Gustuhin ko man sa bahay kaso.. Si dad baka andon.




"Sa bahay, if you want." He suggested. Feel na feel 'kong pulang pula na 'tong pisngi 'ko ngayon! Haaa why am I blushing?!



"Ah sige 'don nalang. Wait nalang kita until matapos."



Nang matapos ang training niya ay agad na kaming sumakay sa kotse niya. Bigtime talaga 'tong si Callixte, naka sports car. Ang astig ng car niya!



Nakarating kami sa mala-mansyon na bahay nila. Tama ang hula 'ko, mansyon nga. Ang yaman. Ang ganda ng concept ng bahay nila!




"Baby boyyyyy!" May sumalubong kay Callixte na nasa 30s na ata. Maybe that's his mom.



"Ame ano ba may bisita ako.." I heard him hissed kaya natawa ako onti.



Napatingin sakin yung babae.. Ang ganda ganda niya. No wonder ang gwapo ni Callixte! Mukhang bata pa ang mommy niya!



"Ah, good evening po... Mam? Porsche po pala." Pagpapakilala 'ko.



"Mam as in.. Mom? Char." Bumungisngis ang mama niya sa akin. "It's nice meeting you, Porsche. You can call me Mama."



"AME!" Reklamo ni Callixte at napakamot sa batok.




"Joke. Tita Marga nalang, hija." She guided us patungo sa kitchen. "Wait lang baby boy, I'll just call Clarence. Ano naman kaya ang ginagawa non sa kwarto.."


Natawa ako kaunti at sinamaan ako ni Callixte ng masama, "What?" Masungit na tanong niya.



Nagbelat ako.. "Ang sungit mo naman baby boy ni Ame..." Humagikgik ako. Shooocks! Ang cute! Mama's boy pala si Callixte! Hahahaha!



Dumating si Tita Marga kasama ang daddy niya. Wow! His dad looks exactly like Callixte! Grabe! Parang more mature version lang ni Callixte! Ang gwapo ng dad niya!




"Good evening po, Sir.." Nagbeso din ako sa dad nya. My gosh! Ang bango!




"You can call me Tito Clarence." Pagpapakilala ni Tito. "Girlfriend ka ba ng anak 'ko?" Nasamid si Callixte sa kinakain niya dahil sa tanong ng dad niya.



"DAD!"



"Magiging girlfriend pa lang po.. Hehehe joke." I joked kaya tawang tawa si Tito at Tita.



Habang nagdidinner ay kapansin-pansin ang pagp-pda nina Tito Clarence at Tita Margarette.




"Ame ang landot! 'Don nga kayo sa kwarto!" Komento ni Callixte na medyo natatawa.



Pano ba naman kasi.. Si Tita Margarette nakaupo sa kanlungan ni Tito Clarence tapos nagdidirty talk ng pabulong. Jusko! My innocent ears and eyes!



"Inggit ka? Andyan si Porsche oh.." Asar ni Tito Clarence. Inirapan ni Callixte ang tatay niya at ako naman siguro pulang pula na ang mukha ko dito! My gosh!




Kapansin-pansin ang allergies ni Tita Margarette sa liig niya.. Saan kaya siya allergic?




"Uhm.. Tita? Sang food po kayo allergic?" Walang hiyang tanong 'ko. Hehehe. Para naman if ever dalhan ko siya ng food, aware ako.



"Wala naman.. I eat any food. Bakit?" Tita Margarette is a hottie kahit may edad na! No wonder deds na deds si Tito Clar sakanya!



"Huh? Eh ano po yung nasa liig niyo?" I asked.




"Ugh! Ame ang baboy!" Napatayo si Callixe at medyo natatawa pa.




"What the hell!" Napatayo si Tita Marga at tinignan sa salamin ang liig niya.



Huuuh? Di ko gets?



"Hoy Clarence! Walang hiya kang lalaki ka talaga kahit kailan napaka bastos mong hinayupak ka! Hoy!"




"Habulin mo 'ko, mahal 'ko!" Humalakhak si Tito Clarence habang binabato siya ni Tita Marga ng unan.




Naghabulan ng parang bata ang parents niya. Nakakainggit yung family ni Callixte.. They all look so happy.



"Ano yun Callixte? Yung nasa liig ni Tita?" Tanong ko sakanya.



"Tss. Don't mind it. Halika na nga sa kwarto!"



Napangiti ako habang tinitignan na naghahabulan sa sofa at nagbabatuhan ng unan ang parents niya.




I sighed heavily.. Sana naging ganyan din yung parents 'ko.

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon