Day 01

127 6 13
                                        

Tanga. Yan ang tawag ni Alex sa sarili niya.

Bakit pa nga ba siya bumalik kung wala na naman pala siyang babalikan?

Kakagaling lang kasi ni Alex sa hospital. Nang dahil sa sobrang katangahan, nagpasagasa siya ng kotse sa daan. She didn't know what she was thinking. All she ever felt was pain.

Alex was just walking down the street when it happened. Papauwi palang siya non galing sa isang group study nang nag-message si Theo, ang kaniyang online boyfriend. She felt happy when she read his message. Nabagot lang siya nung biglang bumagal ang free data na gamit niya kaya pinilit pa niya mga kaibigan niyang pasahan siya ng konting load para lang maka-access sa isa sa mga surfing promo ng globe.

Inasahan niya kasing makakausap pa niya ng mas matagal si Theo kahit pinilit na niyang matulog ito.

Inasahan niya kasi na maganda ang ibabalita ni Theo sakanya noong gabing yun.

But he proved her wrong.

Alex regretted kung bakit niya pa kinausap si Theo nung gabing iyon.

Kasi kung hindi dahil dun, hindi siya magpapasagasa at lalong-lalo nang hindi siya masasagasaan.

Kasi kung hindi dahil dun, hindi siya madadala sa hospital.

Kasi kung hindi dahil dun, hindi mapupunta sa alanganing kalagayan ang buhay niya.

Kasi kung hindi dahil dun, hindi sana siya nagmakaawang ibalik ang dating kalagayan niya.

Kasi kung hindi dahil dun, hindi niya masasabi ang sampung salita na maaaring makapagbalik ng buhay niya.

"Just give me ten days. That's all I ever ask."

Nang dahil lamang sa ten words na yun, nabuhay ulit siya na umaasang babalik si Theo sa kaniya, kahit dahil nalang sa awa. But once again, nasaktan na naman siya when he proved her wrong. Dahil walang Theo na nagparamdam kay Alex and that was more than enough para ipamukha sa kaniyang wala na talagang Theo sa buhay niya.

Wala na sila.

And now she's just given ten useless days to move on.

Because in the first place, hindi siya bumalik para sa mga kakilala niya sa personal.

Not for her family. Not for her friends. But for the guy who chose to break her heart. Theo.

"Ten days to move on. Challenge accepted."

01 - h i m

t h u r s d a y - nine days left

Hindi madaling mag-move on.

Alam ni Alex yan sa sarili niya. Kaya nga siya takot magmahal, kasi alam niya kung gaano kasakit 'pag iniiwan.

Kahit kailan, hindi niya hinahayaang may makalapit na lalaki sakanya. She built her own walls na mas mataas pa sa Great Wall of China, yan ang sinasabi madalas ng kalalakihan.

But that didn't last long because things changed when Theo entered the scene.

Iba si Theo. Alam ni Alex yan. Unang chat palang, nasabi agad niya ito.

Mabait daw si Theo.

Patawa at palatawa daw si Theo.

Stress reliever daw si Theo.

Malambing daw si Theo.

Mr. Right niya na daw si Theo.

The perfect guy na nga raw kasi si Theo.

Ten Days of Moving OnStories to obsess over. Discover now