Nagtama ang tingin namin ni Porsche. Nawala ang ngiti niya nang makitang naka-akbay ako kay Eunice pero ngumiti siya muli sa akin at inentertain na ang mga kumakausap sakanya.





PORSCHE'S POV.



Why does it hurt? Hay. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko si Callixte kahit ayaw niya sa kin. Of all the guys na may gusto sa akin, why Callixte? Bakit yung taong ayaw pa sa akin?



"Porsche, nood ka later ng game? Game ng Pharmacy vs Engineering." Pagiinvite ni Ivy sa akin.




"Tignan ko ha. May tutor ako later sa block nila Mari, eh." I say. Nagrequest kasi sila na turuan ko daw sila sa Business math nila.




"Talaga? Palalagpasin mo? Kahit maglalaro si Callixte?" Napatigil ako sa sinabi ni Aiko.




Napatigin ako kay Callixte ulit at nagtatawanan sila ni Eunice kasama ang mga kaibigan niya. I sighed heavily. Nakakainggit si Eunice. Buti pa siya, nangingitian ni Callixte ng matamis. Samantalang sa akin, puro irap o kaya simangot. Hay.




"Nakapag promise ako kay Mari."




Dumating ang prof at nagsimulang magturo. Kaso biglang dumating ang president ng studeng council kaya napatigil si Prof.




"Sir, may I excuse Porsche and Callixte for a while? Pinapatawag sila ng dean."



Nagkatinginan kami ng friends ko. Sinabi kong related yun sa nangyari last night at kilig na kilig naman sila. Hehehe.



Lumabas kaming dalawa ni Callixte. Ang cold niya talaga sa akin. :( Sabi ni Ate Madelle ay nakilala na daw yung tatlong nambugbog sa akin kaya kinabahan ako. Hala. Feeling ko gaganti ang mga 'yon!



Pagdating sa dean's office ay andon nga talaga sina Kaila, Nadine at Clarisse. Napatingin silang tatlo sa nasa likod 'kong si Callixte at mas lalo nila akong sinamaan ng tingin. Shocks. For sure, lahat ng 'to may gusto kay Callixte.



"Here they are, Porsche. Sila ba 'yong nambugbog sa'yo?" Anang dean.



"Mam hindi po talaga kami!" Apila ni Nadine.



Napatingin ako kay Callixte. Tumango siya sa akin ng isang beses and mouthed, 'Um-oo kana'. I sighed heavily. Minsan lang.. Minsan lang naman ako magsumbong. Ngayon lang. Sorry Papa God!




"S-sila po.." I honestly said.



"Hoy Porsche! Ayos imbento ng storya ha?!" Napayuko nalang ako sa sigaw ni Kaila sa akin.




"Grabe, wala kayong galang. Infront of your dean? Ganyan kayo umasta? My goodness. Anong parusa ba gusto mo, Porsche?" Komento ni Ate Madelle sa likod 'ko.




Napatingin ako kay Callixte ulit, he shrugged habang nasa akin padin ang titig.




"Chance.. 2nd chance. Kapag po inulit, 'don lang po ako aapila." Ngumiti ako kay dean pero si dean halatang galit sa tatlo.




"Incase you didn't know girls.. Porsche is a VIP here in this university. I'm treating everyone equally, walang favoritism. Pero yung ginagawa niyo kay Porsche na pangaabuso, that's very wrong. Kaligayahan ancestors ang may pinakamalaking shares dito sa Brentville since 1900s. I hope you remember that Porsche's family is historical. Especially Porsche because among all the students, among all the scholars, ang dami niya ng binigay na karangalan sa paaralang ito. So as her family." Anang dean at nanahimik nalang ako.



Bakit ba sinabi ni Dean.. I'm keeping it as a secret. No one knows about my ancestors' shares here in Brentville. Haaay naman dean!




"At nakuha niyo pang magsinungaling kahit huli na kayo ng cctv camera? My god." Napailing nalang si Dean. "Ipapatawag ko ang mga magulang niyo. And yours too, Porsche."



"Dean.. wala po sila." Alam ni Dean ang istorya ng pamilya 'ko. She bit her lip at nagiwas ng tingin sa akin.




"Oonga pala.. Kayo, kayong tatlo. I need your parents here tomorrow, 1-4pm."




Pinaalis na ni Dean yung tatlo pero naiwan kami ni Callixte. Pinalabas din niya si Ate Madelle and I wonder why. Ano kayang sasabihin ni Dean?



"Callixte hijo.. Since, ikaw lang naman ata ang bukod tanging walang gusto kay Porsche and I know you won't take advantage on her.." Napatingin ako kay Dean. My gosh. What is she planning to do? "Pwede mo bang bantayan si Porsche?"



"HA? Nako dean! Ano ba 'yun? Kaya ko po ang sarili ko.. Callixte doesn't have to babysit me.. Hala dean.. Ang hassle po nito para kay Callixte—" pinutol agad ni dean ang sasabihin 'ko.



"This isn't a hassle, Porsche. Wala namang gagawin si Callixte kundi icheck if you're okay and safe. Mahirap na.." Tumingin naman siya kay Callixte. "I'll give you additional points for your final grade. Alam 'kong bad shot ka sa mga prof mo dahil bihira ka lang pumasok.."



"Dean please.. 'Wag na po. Really, 'di na po talaga kailangan. I can take care of myself and baka ma-hassle pa si Callixte—"




"Payag po ako dean. Babantayan lang naman po si Porsche, diba? And make sure she's safe?" Tanong ni Callixte.




Tumango si Dean, "Yes, Callixte. Iyon lang. At dapat.. This agreement only stays between the three of us. Are we clear?"




"Sige po. Payag po ako." Callixte smiled. Oh my gosh? Totoo ba?



Nagkatinginan kami ni Callixte. Expressionless ang tingin niya sa akin and di ko madetermine kung ano ba yung nararamdaman niya.. Malamang galit! Hay! Nadagdagan na naman galit niya sa akin!

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon