"Shut up!"


****


Mabilis lang ako nag shower dahil natrauma ako sa banta niya kanina. Ngayon nakatapis nalang ako at kakatapos ko lang maglagay ng tuwalya sa ulo ko pero  muntik ko nang masampal sarili ko ng may maalala ako bigla.


Patay wala akong damit na nakuha.


Pakshet! Wala rin akong gamit pangloob lahat basa alangan naman na susuotin ko ulit yung uniform ko kanina? Lintik na waterfalls yan pinapahamak ako ngayon. At kung minamalas ka pervert pa yung kasama mo nakaka double pakshet.


Bigla akong nagitla nang may kumatok sa pinto.


"It's been 2 hours. Do you want me to open these door forcely?"

"T-Teka lang!"


Pero pagkalipas ng sampong minuto kumatok ulit siya.


"Huwag mong sabihin kanina ka oa diyan sa labas?"


"I beleive I am."

"Kung naiihi ka may banyo naman sa kwarto mo. Di pa kasi ako tapos."


Sunod nun wala na akong narinig na sagot pero nagulat ako nang biglang tumumba ang pintuan sa mismong harapan ko. Tinotoo niya talaga ang banta niya? Sht.


"Di pa pala tapos? I see."


Nakita ko kung paano niya pinasadhan ang buong katawan ko kaya bigla akong napatakip sa katawan ko. Siguro kakapalan ko nalang mukha ko ngayon para humiram ng damit sa kanya.


Pero hindi pa ako nakakapagtanong nang mapansin ko ang isang malaking shirt at boxers sa katawan niya. Nakangisi siyang tumingin sa 'kin at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo. Pakshet kanina pa ako kinakabahan sa ikinikilos niya.


"You should dress up."


Inabot niya sa 'kin damit, akala ko aalis na agad siya pero agad niyang inilapit ang bibig niya sa tapat ng tenga ko at bumulong.


"You have the best body I've ever seen so far."


Biglang tumayo ang balahibo ko pagkatapos niyang lumayo sa 'kin at tuluyang umalis ng banyo. Sasabog na yata dibdib ko sa pinag gagawa ni Ash.


Mabilis akong nagpalit at buti nalang medyo makapal 'tong suot kong t-shirt at hindi na t-trace ang dibdib ko. Sinuot ko na rin yung wig kahit na basa pa.


Umupo ako sa sofa pero hindi pa ako nakakapagpatuyo ng buhok agad kong naramdaman ang antok hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon