Chapter 16: Airies

42.3K 1.7K 100
                                    


Chapter 16: Airies

Habang tumatagal parang mas humihirap ang sitwasyon. Napatingin uli ako kay Zynon.

"Ang sabi mo, kailangan nating mahanap ang isang bagay na dapat wala sa librong ito. May naisip ka na ba tungkol doon?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.

Kung titignan din naman kasi ng mabuti 'yung ikinuwento ng lalaki kanina, parang wala namang mali sa story. Sana nga lang nakabasa pa ako ng kahit na anumang maliit pa detalye sa libro bago kami nakapasok dito.

Napabuntong hininga na lang ako.

"May iba pa kayang paraan para mahanap natin ang glitch sa kuwentong ito?" tanong ko sa sarili ko tapos napatigil sa paglalakad si Zynon kaya napalingon uli ako sa kaniya, "Bakit?"

Sinundan ko 'yung direksyon na tinitignan niya at napalaki ang mata ko nang makita ko ang isang batang babae na tumatakbo sa isang eskenita, takot na takot siya at napakarungis.

"Kayong dalawa!"

Napalingon naman kami ni Zynon at nakita naman namin ang isang babae, napupuno rin ng takot ang mukha niya.

"Tulungan ninyo ang bata. Wala siyang magulang at maari siyang madakip gaya ng mga ibang batang pinapatay ng hari!" naiiyak na sabi niya sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Zynon.

"Pero, hindi po ba kayo ang nanay niya?" tanong ko at napailing lang siya.

"Hindi ko siya anak. Ang anak ko ay matagal ng nadakip at pinatay. Ang batang iyon, nang una ko siyang makita ay mag-isa na. Nang tanungin ko siya kung sino ang mga magulang niya ay wala siyang kilalang magulang niya. Kaya pakiusap, sana iligtas niyo siya!"

Agad naman akong napatango, "Maasahan niyo po kami! Zynon, tara na!" sabi ko at bago pa siya makaalma ay agad ko na siyang hinila para sundan 'yung batang babae.

Napatigil na lang kami nang makita siyang nagtatago sa likuran ng isang lumang kariton.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Zynon sa akin pero hindi ko siya pinansin at agad na sinilip 'yung bata na sinisiksik ang sarili niya sa may kariton. Mukha siyang mga nasa five years old na.

"Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan," sabi ko at inihaya ang kamay ko sa kaniya. "Sumama ka sa amin."

Tinignan naman niya 'yung kamay ko at tinignan ako. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya at kaagad na niyakap ako sa bewang. Napaatras na lang ako.

"M-mama!"

"Huh?" iyon na lang ang nasabi ko habang nabibigla parin sa ginawa niya.

Napabuntong hininga naman ako at naaawang niyakap pabalik 'yung bata. Tinignan ko si Zynon na hindi sang-ayon sa ginagawa ko.

Ang sabi nung babae kanina walang magulang 'yung bata, hindi kaya inabanduna lang siya?

Dahil nga sa sobra akong naaawa sa kaniya ay binuhat ko na lang siya at ibinalot sa suot kong coat ng school. Baka kasi ay bumalik 'yung mga lalaking kumukuha ng mga bata at magiging delikado siya kung sakali mang makikita siya.

"You're making a mistake." sabi ni Zynon.

"Hindi ko naman puwedeng pabayaan na lang 'yung bata. Nakita mo ba kung gaano siya natatakot kanina?" sabi ko na lang sa kaniya. "Magagawa naman natin ang misyon natin habang prino-protektahan siya, eh."

"What if, she is the main character?"

Natigilan ako, saka napatingin doon sa bata, nakayakap lang siya sa akin ng mahigpit habang nakatingin sa akin.

Vampire HighWhere stories live. Discover now