t a d h a n a

Magsimula sa umpisa
                                    

Dadaan ang siyam na buwan, at iiyak unang sanggol na bunga ng panandaliang pag-ibig.

Iyon nga lang, ikaw lang ang makakarinig.

--

Meron akong ikukwento, pero hindi ko maipapangakong palaging masaya ang kwento ko. Ang kuwento ko ay tungkol sa buwan at sa mundo, pero dahil medyo pinili nyong makinig o magbasa ng kwento ng buwan at mundo, isisingit ko rin 'yung kwento ng buhay ko, para masaya ng kaunti.

Tumalon na tayo sa ngayon, ha? Medyo tatagal, kapag binalikan natin ang nakaraan.

Dati, ang tawag sa akin, buwan. Pero hindi ako 'yung buwan na ikukwento ko. Basta, magulo. Basa na lang tayo.

Maraming nangyari sa limang taong pagkawala ko. Marami ring nawala, at nasanay na lang ako doon. Minsan talaga may mga bagay na... kahit ayaw nating pakawalan, dapat, hindi dahil wala tayong karapatan pero dahil... kailangan, kasi wala na talaga tayong magagawa. 

Kahit gaano kahigpit ang kapit, minsan, mas maganda kung bibitaw na lang.

Kasama sa nawala sa akin ang dati kong sarili. Sa tuwing binabalikan ko kung sino ako noong nasa kolehiyo pa ako, noong bata pa ako, noong nangangarap pa ako... natatawa na lang ako dahil hindi ko na sya makilala. Nakakatawang sadya, dahil sinubukan ko namang bumalik sa dati. Sinubukan ko namang na makipag-ayos sa dating ako pero... malayo. Malayo sya, malayo ako. Nagbigay ang limang taon ng buhay ko ng isang napakalaking distansya sa gitna naming dalawa.

Ako pa rin naman ito. Ako pa rin si Maine Mendoza.

Ako pa rin ang buwan.

Iyon nga lang, hindi na ako marunong magbigay liwanag sa mga mag-isang naglalakad tuwing gabi. Hindi ko na rin binabantayan ang mundo.

Hindi na rin naman alam ng mundo na may buwan pa rin sya.

Masarap ang pag-ibig. Masarap ang lahat tungkol dito. Masarap ang mga panandaliang pagkakataon na pinagsaluhan ng mga pusong uhaw sa pag-ibig; ng mga pusong unang beses magbibigay ng pagmamahal at tatanggap.

Ngunit kasabay ng pagbabago ko... ang paglisan ng pag-ibig.

Ni hindi ko nga alam kung saan ito nagpunta. Kung may ideya kayo, sabihin nyo sa akin.

Mama. Nakalimutan kong may hindi pa ako napapakain sa tabi ko.

Caius. Ang batang naging katuwang ko sa lahat. Anong gusto ni baby?

Hotdog. Mama. Hotdog. Minsan, matatawa ka na lang sa anak ko dahil wala syang alam kainin kundi hotdog. Kadalasan naman, pinapakain ko at kumakain ng ibang putahe, pero... hotdog at hotdog ang itatawag nya. Hotdog na yellow, red... pero ayaw nya ng pagkaing kulay kahel.

"...hindi ako kumakain ng kahit anong kulay orange."

May pagmamanahan naman kasi.

Napagdesisyunan ko rin, pagkatapos ng limang taong pagpapahinga, na dapat akong bumalik sa kolehiyo. Palaging nagpapadala ang nakatatanda kong kapatid na lalaki, pero dinidiretso ko na lang sa account ni Caius 'yon. May mga bagay na kahit gustung-gusto mong tanggapin... hindi mo magawa, kasi pride na nga lang itong natitira sa akin, lulunukin ko pa? Hindi na lang.

Maraming tanong, 'di ba? Magulo kasi ang pagkukwento ko. Magulo rin naman ang buhay ko, tama lang. Minsan kasi, gusto ko na lang humingi ng tulong sa mundo. Sa kanya. Pero kaya nga may distansya ang buwan at ang mundo, 'di ba? Dahil may sarili silang trabaho. Maraming responsibilidad ang mundo, maraming pangarap ang mundo, maraming kailangang tapusin ang mundo na hindi naman nangangailangan ng tulong mula buwan.

Hayaan ko na lang siguro ang buwang maging mag-isa at malayo.

Sino? Kung may bago ba akong pag-ibig? Huwag naman kayong magpatawa. Wala akong panahon para hanapin ang pag-ibig na lumisan, kahit ilang beses ko pang ipagtabuyan ang pangalawa. Itong si Ezekiel, napakakulit. Sinabi ko naman na wala akong oras, sinabi ko naman na huwag nyang sayangin ang oras nya sa aking may anak na.

Ano bang meron sa 'kin? Tanong ko minsan. Kiel, ito ha. Alam mong minahal na kita... pero bilang malapit na kaibigan lang talaga na tumulong sa akin nu'ng... walang-wala na talaga ako. Pero Kiel naman. Nakikiusap na ako sa kanya noong mga panahong 'yon. Pakiramdam ko sinasayang mo lang ang oras mo sa akin. Ilang taon na ba?

Ngumiti lang ang lalaki. Magpipito na yata, Maine.

Nainis ako. Pito! Tingnan mo 'yun?! Pitong taon ka nang naghahabol ng babaeng wala namang amor sa 'yo!

Tumawa lang si Ezekiel, na lalo kong kinainis. Masarap magmahal ng mga ganoong babae, Maine. Hinawakan nya ang mga kamay ko. Tsaka hindi mo ba nakikita? Ikaw 'yung tipo ng babaeng kahit maraming pagkukulang... hindi dapat sukuan.

At ako na lang ang susuko dahil napakakulit nya.

Hindi naman sa hindi na ako nag-aral ulit hanapin ang pag-ibig. Maniwala kayo, naghanap na ako sa kung saan-saang sulok ng bahay kasama si Ezekiel kaso... wala talaga. Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga mahanap o... ayaw lang talagang magpakita ng pag-ibig.

At sa kasamaang palad, nakita na yata ni Ezekiel. Sa tuwing ihahain nya sa akin ang palad nya, paulit-ulit nyang sinasabing iyon ang pag-ibig. Ito ang pag-ibig. Pero wala naman akong nakikita. Ipipilit nya sa aking meron at hindi lang ako tumitingin ng maayos. Ididilat ko ang mga mata ko at pipiliting aninagin ang kung ano mang hawak nya, pero wala talaga.

Kasama ko pa rin pala si Pe, kung masyado kayong nalilito sa paraan ng pagkukwento ko. Pasensya na, hindi na rin kasi ako kasingtalino ng dati. Matagal na akong hindi humahawak ng libro. Puro papeles na ang hawak ko, minsan, produkto ng kung anong kumpanya na tumanggap sa akin. Nahirapan din ako dahil, kapag nababanggit si Caius, hindi na ulit sila tumatawag. Pero dahil ako nga ang buwan, ayos naman. 

May natitira pa rin pala akong liwanag.

Nasanay na naman ako sa kakaunting taong nakapaligid sa akin. Si Caius, si Pe, si Ezekiel, kahit wala na si Pag-Ibig, ayos lang.

Pero noong pumasok ulit ako sa kolehiyo dahil akala ko'y malaki na si Caius para alagaan ko pa bawat segundo, ako naman yata ang nangangailangan ng pangangalaga. At suporta. At hangin. At lakas ng loob.

At liwanag, para harapin sya.

Muntik ko nang masugod si Mareng Tadhana na kausap ko lang sa telepono kanina. Kinailangan kong kunin ulit ang mga hindi ko tinapos na subjects, pero hindi ako sa parehas na unibersidad nag-aral. Mahal ang gatas ni Caius. 

Kaya ko, eh. Kaya kong ako ang pinakamatanda, na hindi nila nakakausap palagi dahil... iba ang mentalidad ko. Kaya ko naman na ayusin at i-kondisyon ang sarili ko dahil bago ang mga nakikita ko. Pero may isa akong hindi napaghandaan.

Ang pagkikita ulit namin ng pag-ibig. At ng mundo, syempre. Natapos (sa hindi inaasahang pagkakataon) ang pagtatago ng buwan sa likod ng mga madidilim na ulap.

Hindi ko naman kasi akalain na makikita ko ulit ang mundo sa... ganitong paraan.

Mendoza... Natigilan ang mundo, ngunit umubo ito at inulit ang pangalan ko. Mendoza, Nicomaine.

Nandito po, Sir.

Tiningnan saglit ng mundo ang buwan, ngunit agad na binawi rin ang tingin na para bang walang nakita, na para bang hindi sya nasilaw sa liwanag nito.

Hindi lang pala ang liwanag ng buwan ang naglaho.

Nag-iba na rin pala ang pag-ikot ng mundo.

The Devil Who Danced At MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon